'heaven sasali ka ba ng dance troupe?' bungad ng kaibigan kong si paula ng makarating ako sa room
'may slot pa ba?' agad kong sagot
'oo sumali kana daw pumunta ka na lang sa practice nila mamaya' excited na sabi ng kaibigan ko.
Talent ko ang sumayaw mula elementary hanggang sa ngayong senior high na ako, pagtugtog ng gitara, violin tsaka piano ang inaatupag ko kapag bakasyon wala kasi akong masyadong ginagawa sa bahay.
Pagkatapos ng klase namin agad akong dumiretso sa studio ng dance troupe. Tinignan ko ang buong paligid ng studio malaki at malawak ang lugar nito, sobrang linis sa lapag, kung gano ka lawak ang pader ay ganun din ang salamin at sa gilid naman ay may mga locker na para sa mga members ng dance troupe, may dalawang cr ang isa ay para sa babae at ang isa ay para sa lalaki.
Halos lahat ng members doon kilala ako kaya di ako nahirapan sa pakikipag salamuha ko sa kanila.
Paglabas ko nakita ko na agad ang kotse ng service ko tsaka ang driver ko naghihintay sa akin. Agad akong pumasok sa sasakyan
Ganito lagi ang set up ng buhay ko, pagkatapos ng klase agad uuwi. Okay lang naman sa akin kasi ayaw ko din naman mag worry sila mama pero kase minsan naiinggit ako sa mga kaklase ko at sa kaibigan ko na naeenjoy nila ang pagiging estudyante di masyo mahigpit sa kanila ang mga parents nila unlike sa akin hays no comment. Tsaka kailangan ko naman sundin lahat ng mga sasabihin nila sa akin kase gusto ko silang maging proud sa sarili nilang anak
I'm always in the top of my section honor student rather,at isa din akong president ng SSG
Kahit mahirap tsaka sobrang pagod okay lang sa akin gusto ko kasing magpa impress sa mga magulang ko.
Pagkadating ko sa bahay nakita ko sa sofa si mama may kausap sa cellphone pero nung makita nya ako agad nya ibinaba.
'heaven come here' sabi ni mama sa akin at agad akong pumunta sa kanya at hinalikan sa pingi
'what is it mama?' tanong kong nakangiti
'how's your school?'
'fine mama don't worry tsaka with honor nga pala po ako' agad kong kinuha ang certificate ko na kakabigay lang sa akin ng adviser ko at pinakita sa kanya
'wow congratulations honey, what do you want? We can buy some foods to celebrate' sabi ng mama ko habang nakangiti na halatang masaya para sa akin.
Mula elementary ako hanggang ngayon lagi kaming nagce celebrate.
YOU ARE READING
I am so lost
Teen FictionNasa perpektong pamilya Nasa perpektong lalaking mamahalin Nasa perpektong buhay Pero sa isang kislap naglaho ang lahat Ang mga taong minahal nya ang sumira sa pagkatao nya.