R E D
Mas binilisan ko ang pag takbo at hinawakan ang hoodie na nakasuot sa aking ulo upang hindi makita ang aking mukha. Ramdam ko ang pawis na walang tigil na tumatagaktak dahil halos mag tu-twenty minutes na akong tumatakbo. Palayo sa mga taong gusto akong madakip.
Nang makakita ng iskinita ay mabilis akong pumasok doon at nagtago sa gilid ng isang drum ng tubig. Hingal na hingal ako sumalampak sa lupa.
Madilim ang iskinitang ito ngunit sa liwanag ng buwan ay nagkaroon ng kaonting liwanag, sapat na upang makita ko ang daan.
"Lintek talaga! Nakatakas nanaman! Mga animal! Hanapin nyo ang putrages na 'yon! Ni hindi naten alam kung babae o lalaki! Punyeta!"
Napangisi ako ng marinig ang galit na galit na boses ng lalaki.
"Palibutan nyo yung paligid! 'Di pa nakakalayo ang animal na 'yon!" dagdag pa ng lalaki at unti-unting humina ang tunog ng yapak ng kanilang mga sapatos, hudyat na nakalayo na sila.
Nakangisi ako at napailing.
"Ang tanga naman ng nag ensayo sa inyo.. Hindi nahabol ang isang katulad ko. Hindi pa nag kakalahating oras na tumakbo ako. Tsk tsk tsk." ngingisi-ngising bulong ko.
Kumapit ako sa nakausling bakal at binuhat ang aking sarili upang maka akyat sa bubong ng isang maliit na bahay. Nag tagumpay akong hindi lagyan ng tunog ang mga yapak ko sa yero at mabilis na lumipat sa kabila pang bubong na bahay. Napangisi ako lala ng wala man lang akong narinig sa bawat pagtapak ko.
Huminto ako sa isang bubong at pinagmasdan ang mga hangal na gustong humuli sa akin sa baba na hanggang ngayon ay nag kanda ulul na sa kakahanap sa ibaba.
"Sige lang, mag hanap lang kayo. Tapos na akong makipag-laro. Matutulog na ako." sambit ko at tinalikuran sila. Tahimik akong bumaba sa isa pang eskinita at nilakad ang daan palabas ng eskinita. Bumungad sa akin ang mga sasakyan sa kalsada.
Isang pulang ferrari ang huminto sa harapan ko at ng makita ang nakangising si Cleo ay agad akong sumakay.
"25 minutes? Natagalan ka yata?" natatawang tanong nya.
"Nakipaglaro pa ako." sambit ko at binuksan ang bintana sabay labas hilig ng aking ulo upang makita ang buwan na bilog na bilog.
"Kumain kana ba?" tanong ni Cleo.
"Hindi pa." nakangusong sagot ko.
"Kumain muna tayo. Nasa restaurant na si Corin, hinihintay tayo." seryosong sabi ni Cleo.
Pinaharurot nya ang sasakyan papunta sa isang mamahaling restaurant.
"Dito talaga? Tsk. Mahal mahal liit naman ng serving." inis na bulong ko matapos makita kung saang reastaurant kami huminto.
"Ito ang pinaka malapit sa atin, tska pwede ba? Wag ka na magreklamo, si Corin ang gumastos." natatawang sabi ni Cleo.
"Kahit na! Gagastos pa sya ng ilang libo para lang sa hapunan? Tangina lang ha." sabi ko habang papasok kami sa kainan.
"Shut up. Kuripot." inis na bulong ni Cleo. Tahimik ang buong paligid at napaka pormal. Isang bagay na ayaw ko.
Pumasok kami sa VIP Room at bumungad sa akin si Corin. Kakambal sya ni Cleo, as in mag kamukhang magkamukha sila. Pati hugis ng katawan at tangkad ay walang pinag-kaiba. Ang naiba lang sa kanila ay ang dulo ng mahabang buhok nila ay may kulay. Ang kulay ng dulo ng buhok ni Corin ay mala Royal Blue, habang ang kay Cleo naman ay ash gray.
"Red, parang hingal na hingal tayo ah! Hahaha! Uminom ka muna, lawlaw na dila mo." pang bungad ni Corin. Pati ang boses nila ay parehong-pareho, ngunit mas masigla ang kay Corin.
YOU ARE READING
TEARS OF THE MOON
RandomSi Red ay isang klase ng tao na hindi marunong umasa sa ibang tao. Nabuhay syang sinasarili ang problema at mag-isang sinusulusyonan ito. Bibihira din syang makita ng mga tao na mag pakita ng kahit anong emosyon. Kahit ang masaktan ay hindi nya pina...