CHAPTER 2

1 0 0
                                    

Red's Point of View

"Luna?! As in Luna Eliveria?!"

Gulat na tanong ni Irene. Nagkibit balikat si Cleo.

"Stockholder ang daddy ni Luna dito sa Veesmon. Kaya naman maraming gustong makipagkaibigan sakanya to the point na nag paplastikan na. Kilala kase ang mga Eliveria pag dating sa negosyo. Kaya yung iba dito ay gustong-gusto kaibiganin sya kahit ganun ugali nya." kwento ni Irene.

Napaismid ako at binaling ang tingin sa bintana ng classroom.

"Nga pala, saang school kayo galing?" biglang tanong ni Irene. Natahimik kami.

"May prof na, maupo kana." seryosong sabi ko at agad naman syang naupo kasabay ng pagpasok ng aming guro. Kasabay nyang pag pasok ay ang lalaking late din kanina.

Nagpatuloy ang klase at wala akong ibang gunawa kundi ang makinig lang.

"Ayaw mo mag sulat ng notes?" tanong ni Irene ng mapansin siguro nya na wala akong sinusulat na notes.

Hindi ko sya binalingan kaya naman si Corin ang sumagot.

"Hindi sya nag gaganon, nakikinig lang talaga sya." bulong ni Corin.

"Really? Eh paano sya nag rereview?"

"Hindi din sya nag rereview. Advance reading at nakikinig lang sya." sambit ni Corin.

"Woah, sanaaa ol matalino."

Pagkatapos ng klase ay nag pasya kaming dumaan sa pinakamalapit na mall. Mamimili daw ang kambal ng damit. Sumama na din ako dahil balak ko din bumili ng libro.

"Napaka iksi naman nyan!" singhal ko kay Corin.

Ngumuso sya. "Maganda naman ang tela at kulay!" depensa nya.

"Mag bra ka nalang kung ganyan, Corinthia!" suway din sakanya ng kambal.

"Mali yatang sinama ko kayo mamili ng damit ko!" inis na sabi nya at inirapa na kami.

Namili ang kambal ng boots, pants at mga sando. Ako naman ay bumili ng mga t-shirt at highwaist na pantalon pati na din libro.

"Dito na tayo mag dinner, nagugutom na ako." nakangusong sabi ni Corin.

Nag dinner kami sa isang fast food. Pagkatapos ay dumeretso na kami sa parking lot.

"Pwede ba lumiban sa klase? Tinatamad ako bukas e." sambit ko habang nag lalakad kami sa medyo madilim na parking lot.

"Hindi pwede, 'di ba sabi ng prof, may ganap bukas sa school kaya bawal lumiban." seryosong sabi ni Cleo.

Sumakay kami sa kanya-kanyang sasakyan at pinaharurot papuntang bahay. Ngunit habang nasa daan kami pauwi ay napansin ko ang tatlong kotse na itim. Kanina pa kami sinusundan.

Mas pinaharurot ko ang aking kotse upang mag pantay kami ni Cleo, binuksan namin ang aming bintana. Nginuso ko ang likuran at mabilis syang tumango. Sabay naming sinara ang bintana at nag paharurot. Sinenyasan naman ni Cleo ang kakambal.

Pumasok ako sa isang iskinita. At tama nga ako, sinusundan nila kami. Isa ang humabol sa akin.

Mabilis kong pinasok ang aking kotse sa kung saan-saang iskinita ng walang nababangga na kahit ano dahil madilim at wala masyadong tao sa lugar na ito. Mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa lumiko ako sa napaka dilim na lugar. Agad kong pinatay ang makina kaya kaya naman namatay din ang ilaw. Na sa likod ko ang isang kotseng naka parada. Pinanuod ko sa side mirror ang pag lampas ng hangal na sumusunod sa akin.

"Kung na sa mood sana ako, hindi ako mag tatago sayo." bulong ko.

Pag uwi sa bahay ay nandun na ang mag kambal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TEARS OF THE MOONWhere stories live. Discover now