Para sa Single na Brokenhearted

395 5 0
                                    

Dear Feeler,

Umaagos na naman ang mala-dyamanteng luha mula sa malungkot mong mga mata. Nawala nanaman ang dating kinang ng mukha mo at puro pait ang tanging kong nababakas sa iyong mukha. Gusto kitang yakapin at patahanin, pero nais ko rin na ibuhos mo ang lahat ng sama mo ng loob. Umiyak ka hanggang sa mabawasan ang bigat na nararamdaman mo, humagulgol ka at iyong iwika ang dahilan kung bakit labis ang iyong pagdaramdam.

Hindi ka na niya pinapansin, ganoon ba? Lumalayo na ba ang loob niya sa'yo? Nagbago na ba siya? Ayaw kong kaawaan ka pero hindi ko mapigilan. May mahal na ba siyang iba kaya iniwan ka na niya? Kaibigan naman, akala ko ba single ka? Ba't daig mo pa ang brokenhearted? Pagsasabihan na naman ba kita?

Una sa lahat, friend, walang kayo mula noon hanggang ngayon. Single ka pa din friend, hindi mo naging status ang "Taken" simula nang makilala mo siya, hanggang sa "it's complicated" ka lang 'di ba? Matagal ka nang may gusto sa kanya pero kahit kailan hindi ka niya niligawan. Kaya nga sabi ni Ted Failon, "Hoy,gising!".

Pangalawa, ikaw lang ang naghihintay. Anong akala mo sa sarili mo friend? Sleeping Beauty na naghihintay sa halik ng tunay na pag-ibig? Hindi ka naman isinumpa 'di ba at wala ka naman sa fairytale. Kaya hindi mo pa mabuksan ang puso mo sa iba kasi hinihintay mo pa siya.Naghahanap ka ng signs and symptoms na may pagtingin siya sa'yo. Lahat ng gusto mo nasa kanya kaya ayaw mo sa iba, tapos may "true love waits" ka pang nalalaman, ano ka ngayon?

Pangatlo, delusyonal ka. Akala mo dahil kilala ka niya at palagi kayong magkasama kayo na. Hindi porque madalas ka niyang ka-PM/ chat special someone ka na. Hindi dahil may naibahagi siyang konting sikreto tulad ng panonood niya ng porn eh may malaking part ka na sa buhay niya. Masyado kang assuming. Kapag sinabi niyang gusto ka niya, gusto ka niya, dahil... may dahilan. ikaw kasi, sinabihan ka lang "i like your lips" iba na ang interpretation mo. Pwede bang compliment muna o 'di kaya praise? Tapos hinawakan ang kamay mo para alalayan ka sa pagtawid may gusto na kaagad siya sa'yo, pinalaki siyang gentleman ng Nanay niya.

Pangapat, ayaw niya talaga sa'yo hindi niya lang masabi. Oo, alam niya matagal na. Simula pa noong tinawag mo siya gamit ang isang endearment kahit hindi naman kayo. Halata na niya dahil kahit na 'magkaibigan' lang kayo madalas ang pag-PM mo sa kanya ng 'good night' na may kiss smiley pa. Lalo na sa mga pagkakataong magkasama kayo at iba ang ikinikilos mo sa natural mong inaasal. Ayaw niya sabihin kasi tatlo lang 'yan: nag-eenoy siya sa ginagawa mo dahil malandi siya; masyado siyang naiinis sa ginagawa mo, kaya sa halip na umbagin ka o pagsalitaan ka nang hindi maganda mas pinili niyang manahimik; at mabait lang talaga siya.

Panghuli, at pinakamasakit, umasa ka kahit hindi ka pinaasa. Naghintay ka kahit hindi niya sinabing gawin mo, nilagyan mo ng kulay ang mga ginagawa niya kahit na normal na ginagawa niya iyon sa iba pang babae at umasa kang magugustuhan ka rin niya. Wala siyang sinabing kahit ano, hindi siya nag-commit sa'yo, may mga ginawa lang siya na inakala mo ay naiiba at nagustuhan mo iyon.

Masyado mong idinikit ang sarili mo sa kanya. Hinayaan mong mahulog ang loob mo sa kanya kahit na alam mong malabo ang chances na sasaluhin ka niya. Akala mo kasi forever single siya at hindi siya mawawala. Naging kontento ka sa kung ano ang mayroon sa pagitan ninyong dalawa hanggang sa na-inlove siya. Tapos, paunti-unti pinapatay ka niya nang hindi mo nalalaman. Naging madalang ang pagpapalitan niyo ng private messages at wala na siyang oras na makipagtext.Matutuwa ka kung may nakaremark na 'seen' sa chatbox mo at malulungkot kapag wala, lalo na kung naka-online naman siya. Hindi narin kayo nagkikita at kung magkrus man ang inyong mga landas, ngingiti pa rin siya ng normal pero ikaw maglalandas pa ang butil ng luha pagkatapos.

Dinudurog ang puso mo at dinidibdib mo ang mga pagbabago, masyado kang nasanay, hindi pala, masyado mong sinanay ang sarili mo sa isang bagay na hindi nag-eexist sa simula pa lang. Magmo-move on ka sa isang love story na ikaw lang ang nakakaalam dahil ikaw ang nagkusang gumawa. iiyakan mo ang lalaking kailan man ay hindi naging sa iyo at hindi na magiging iyo. Magsusulat ng mga tulad nito *tikhim*para wala nang gumaya sa kabaliwan mo. Huwag mag-alala friend, you're not alone. Maraming umaasa, kahit na wala namang nag-utos sa kanila. Tapos iiyak-iyak na parang iniwan ng kasintahan at heartbroken kahit na single.

Darating din ang lalaking para sa isang tulad mo. Yung tipong inaabangan din ang araw ng pagkikita niyo. On the way na 'yon, packaged by God especially for you. Meanwhile, mag-aral ka muna habang naghihintay, paghusayan mo ang napili mong larangan, ihanda mo ang sarili mo para sa isang love story na hindi one-sided at hindi unrequitted, yung tipong pang-forever na.

Nagmamahal,

BabaengBasag

#BB

Para kay Warrior. Ang lalaking tanga. Bow.

Para sa Single na BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon