Tula ng mga Single na Makata

377 0 0
                                    

Kamusta?

Simpleng bati,
magaang dalhin,
kaysarap bigkasin,
mabisang gamot sa konting dalamhati.
Magkabilaan ngunit ’di tugma,
Hindi marinig,
kaya’t palagi’y balisa.
'Di maitanong, 'di masabi,
pagka’t ang damdamin ay ’di na mawari.
'Singgulo ng isang bugtong, 'kasing tayog ng butuin,
'singgulo ng daigdig na damdami’y bitin.
Ikaw na nagbukas sa puso kong makata,
ikaw na nagpa-inog sa daigdig kong malaya,
ikaw na nagpalis ng lukot sa mukha,
ikaw na nais kong kawika.
Kasabikan na nais kong isipin,
tayong dalawa ay uhaw sa simpleng mga himig
kung sa awitin.
Pitong titik, isang salita,
ba’t di mabigkas ng pinid nating dila.
Sukat na ba ang init ng ulo?
Sukdulan na ba ang galit sa puso?

’di maarok nitong aba kong isip, 
kung sa bawat dapit-hapon,
sa pag-iisa, sa kalungkutan...
ikaw ang naiisip.

------

Yan kasi, nainlove sa mga poser sa FB, ayan tuloy.

Para sa Single na BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon