--

393 16 7
                                    

ARA'S POV

"Ate gising na. Ate....? Ate, gising na" Mahinang sabi nung boses sa may gilid ko habang tinatapik niya yung braso ko.

Dumilat ako tapos bumangon.

Si Tyler pala yung gumising sakin. Tinignan ko siya pero di naman siya nagsalita. Ngumiti lang siya sakin.

Kinuha ko yung phone ko para tignan kung anong oras na ba.

5:30 AM

Ako: Oh 5:30 palang ah. Bat ang aga mo nagising?

Tyler: Nabanggit mo kasi sakin kagabi na maaga flight mo papuntang Bicol kaya nag-alarm ako para gisingin ka.

Ako: Ano ka ba hindi naman kailangan.

Sabi ko sabay ayos ng kama ko tapos tumayo na ko kaya tumayo na rin siya.

Tyler: Pati kasi...

Tinignan ko siya kasi hinihintay ko rin yung susunod na sasabihin niya pero nagulat ako nung bigla niya nalang akong niyakap.

Ako: Uy——

Tyler: Happy birthday, Ate *smiles*

Sabi niya tapos bumitaw na siya sa yakap.

Ako: Salamat.

Sabi ko tapos pilit nalang akong ngumiti.

Tyler: Kailangan mo ba talagang umalis, Ate? Hindi ba pwedeng dito ka nalang sa Manila ngayong birthday mo? Kahit ngayon lang? Sige na please?

Ako: Tyler, alam mo namang—-

Tyler: Sige na nga hindi na kita pipilitin. Nag-try lang naman ako eh. Pero alam ko naman na kahit anong sabihin ko, hindi parin kita mapipigilang umalis.

Ako: Naiintindihan mo naman ako diba?

Tumango nalang siya.

Tyler: Sige na. Ingat ka nalang sa byahe.

Sabi niya tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Naligo na ko at nag-ayos na. Pagbaba ko, wala si Tyler. Siguro natulog ulit.

Nakita ko si Kuya Simon sa may kitchen kaya pinuntahan ko siya.

Ako: Kuya aalis na pala ako—-

Kuya: Agad? Mag-breakfast ka nalang muna.

Ako: Okay lang, Kuya. Hindi naman ako gutom.

Kuya: Dito ka nga.

Nagtaka ako bigla sa sinabi niya.

Ako: Ha?

Kuya: Basta lumapit ka.

Lalapit palang sana ako sakanya pero napatigil ako nung bigla niya akong niyakap.

"Happy birthday" Sabi niya tapos bumitaw din sa yakap.

Ako: Salamat, Kuya.

Kuya: Hindi na kita pipilitin mag-breakfast. Pero pwede bang umuwi ka nang maaga mamaya? Para naman makapag-celebrate tayo—-

Ako: Kuya—-

Kuya: Alam kong hindi ka nagccelebrate pag birthday mo. Pero Ara, kahit cake lang. Kahit cake lang please? Makita ka lang namin ni Tyler na nagwwish sa harap ng cake masaya na talaga kami, promise!

Hindi ako nagsalita. Siguro alam na ni Kuya kung anong ibig sabihin non.

Kuya: Nabigo na naman kami ni Tyler. Talo na naman kami.

Malungkot niyang sabi.

Ako: Pasensya na, Kuya. Pero pwede naman tayong mag-celebrate pagbalik ko nalang kagaya ng ginagawa natin every year diba?

Kuya: Ano pa nga bang magagawa ko...

Ako: Alam ko namang hindi niyo ko matitiis eh *smiles* sige na. alis na ko. Promise di ko kakalimutan mga pasalubong ko.

Ngumiti nalang si Kuya sabay sabing mag-ingat daw ako.

——

11AM ako nakarating sa Naga. Lunch time na rin kaya kumain nalang muna ako bago ako pumunta sa Blue High School.

Pagpasok ko ng gate, nakita ako ni Kuya Dan kaya nag-hi kami sa isa't isa.

KuyaDan: Uy, Ara. Kamusta? Alam mo kanina pa kita inaabangan. Sabi ko na nga ba dadating ka eh *smiles*

Ako: Ayos naman, Kuya Dan. Ikaw, kamusta ka na? Oo naman. Hindi pwedeng hindi ako dumating *smiles*

Tagalinis si Kuya Dan ng Blue High. Matagal na rin siya dito. 10 years na rin.

KuyaDan: Eto medyo malungkot. March na kasi. May gagdraduate na naman na batch. Kahit makukulit mga estudyante dito, syempre mamimiss ko parin sila *laughs*

Oo nga pala, next week na yung graduation dito.

KuyaDan: Oo nga pala, muntik ko na makalimutang sabihin sayo. Nalinis ko na nga pala yung hidden garden.

Ako: Talaga, Kuya? Nako salamat, ha.

KuyaDan: Wala yon. Sige na punta ka na dun *smiles*

Ngumiti nalang din ako sakanya tapos naglakad na papunta sa hidden garden.

Habang naglalakad ako, napadaan ako sa classroom namin nung 4th year. every year naman ako pumupunta dito at every year din may nagfflashback na memories pag dumadaan ako. Pero di ko alam pero parang mas malala yung flashbacks ngayon?

Siguro kasi sampung taon na rin yung lumipas....

——

AN: Hi guys!!! Sana magustuhan niyo 'to and isupport niyo kagaya ng pag support niyo sa ibang stories ko. Lovelove 💙💙

COMMENT. VOTE. SUGGEST TO FRIENDS!!! :)

Twitter: @ShemayShai

HimawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon