Chapter 4

163 12 6
                                    

ARA'S POV

Ilang araw na rin lumipas pagtapos ng araw na yon. Pero hindi parin mawala sa isip ko yung hidden garden at mini house niya. Gusto ko ulit pumunta don pero dahil hindi na nga pwede, hanggang daan nalang ako.

Friday ngayon. Last subject na namin. P.E. first meeting namin 'to since wala yung teacher last week.

Nasa school grounds kami nakaupo. Ewan ko ba kung bat dito kami gusto i-meet eh malaki naman yung gym. Buti nalang hindi mainit.

"Mika picture tayo, dali" Sabi ni Carol tapos nilabas niya phone niya at nagpicture na sila ni Mika.

Cienne: Tagal ng teacher ah. Anong petsa na kaya.

"San ka galing?" Tanong ko kay Paolo na kakaupo lang sa tabi ko.

Paolo: Tinawagan ko lang yung kapatid ko *smiles*

Tumango nalang ako.

Pag part ka pala ng basketball and volleyball team, di ka required pumunta sa P.E class. Sa lahat ng Primo, si Paolo lang ang nag-iisang uma-attend. Yung iba, hindi na.

Kib: Naks. Bait naman ni Paolo. Uma-attend parin ng P.E. class *laughs*

Paolo: Syempre naman. Matatag 'to *laughs*

Mika: Wala ba kayong practice?

Paolo: Wala naman daw sabi ni Cap.

"Woahhh" Sabi ng buong klase tapos nagsimula na silang mag-bulungan.

Dumating na kasi yung teacher. Kasunod sila Gab at Earl.

"Gab and Earl? Seryoso?"

"Bat nandito sila?"

"Required na ba sila? Bago na ba yung rules?"

Tanong ng mga classmates namin. Actually kahit ako nagtataka rin.

"Bat nandito sila?" Bulong ko kay Paolo.

Paolo: Ewan ko sa mga yan. Si Gab lang talaga yung may gusto. Si Earl napilitan lang.

Napatingin ako kay Carol nung narinig ko yun tapos ngumiti siya sakin. At dahil don, gets ko na agad kung anong nangyayari. 'Tong magjowang 'to.

Syempre gwapong gwapo mga girls sa klase namin kasi first time nilang nakita yung dalawa na naka-P.E. uniform.

P.E. Teacher: Good afternoon class!! Hmm, since 3rd year na kayo——

Kib: Alphabetical arrangement.

P.E. Teacher: Correct *smiles*

Mika: Seryoso ba???

Cienne: Hanggang dito ba naman?

Tinignan ko si Carol at Gab at syempre, masaya sila.

Tumayo na kami at umayos ng upo. Si Paolo pumunta sa dulo since Uy siya. I'm sure tuwang tuwa siya kase makakadaldal na naman siya.

Buti nalang pala hindi uma-attend si Thomas ng P.E. class. Kung hindi——

"Woahhh" Napatigil ako sa pag-iisip nung narinig ko yun. Yung bulungan naman, mas malakas kesa kanina.

Teka sino ba yung tinitignan nila——ANAK NG TOKWA.

Gulat lahat at nakatulala habang naglalakad siya papunta sa tabi ko. Naka-P.E. uniform din siya.

TOTOO BA 'TO???

"Ang gwapo niya sa P.E. uniform niya"

"Oo nga parang amoy baby cologne"

HimawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon