Chapter 2

225 14 10
                                    

ARA'S POV

Carol: Uy Ara nakita mo na ba yung picture?

Tanong sakin ni Carol tapos bigla nalang akong kinabahan.

Ako: Ha? Anong picture?

Mika: Seryoso hindi mo pa nakikita? Kalat na sa buong school ah.

Ako: Anong picture ba?

Carol: Picture niyo ni Thomas na magkasama sa mall kahapon.

ANO DAW?!

Ako: Ha?! May kumalat na picture namin ni Thomas?!

Potek so napicturan talaga kami kahapon---

Carol: Syempre echos lang. Ikaw naman hindi ka na mabiro *laughs*

ANAK NG TOKWA.

Kinabahan ako dun lechugas.

Mika: Eto yung picture oh. Mukha bang ikaw yan? *laughs*

Pinakita sakin ni Mika yung picture sa phone niya.

Si Aki yung kasama ni Thomas sa picture.

Carol: Anong masasabi mo? Tingin mo sila parin?

Ako: Ha? Aba malay ko sa mga yan.

Carol: Feeling ko sila parin.

Mika: Baka hindi naman sila nag-break?

Nagulat naman kaming apat nung biglang lumapit samin si Cienne.

"May nagpadaan sakin ng GM kaninang umaga. Hindi naka-register yung number pero sure ako na schoolmate natin yun" Medyo parang bulong lang yung pagkakasabi niya nun. Tipong kaming apat lang talaga nakakarinig.

Carol: Anong sabi?

Cienne: Sabi, may iba pa daw kasama si Thomas kahapon. Hindi daw nila napicturan kasi umalis din daw agad.

Mika: Talaga? Ano itsura?

Cienne: Yun nga problema eh. Hindi nila nakita yung mukha kasi nakayuko daw. Tapos sabi pa, parang yun naman daw talaga yung kasama ni Thomas kahapon. Hindi naman daw talaga si Aki. Kaso nga lang, may nakakita kay Thomas at Aki na kumakain sa restaurant eh. Ewan. Ang gulo din.

Carol: Seryoso?! Sino kaya yung babae? Siguro maganda yun.

Cienne: Kung girlfriend siya ni Thomas, dapat lang na maganda siya. Kasi sure ako na iko-compare talaga siya kay Aki.

Mika: Mismo.

Bale kunwari nalang wala akong naririnig sa pinag-uusapan nila kasi hindi ko talaga alam gagawin ko. Hindi ko naman pwedeng aminin sakanila na ako yung unang kasama ni Thomas kasi alam kong kahit anong paliwanag ko, iba parin iisipin nila. Ay ewan. Siguro dapat magpasalamat nalang ako na wala kaming picture kahapon na kumalat sa buong campus ngayon.

Cienne: Uy, ssshhhhh. Nandyan na mga Primo. Balik na ko dun. Ara wag kang madaldal dyan baka marinig ka ni Thomas.

Ako: Oo na.

Bumalik na si Cienne sa upuan niya tapos naramdaman kong umupo na din sa tabi ko si Thomas pero hindi ko naman siya tinignan.

Mika: Uy Ara, ano yang nasa paperbag na dala mo?

Ako: Ha? Ah. Ano. Wala 'to.

Mika: Di nga?

Ako: Wala nga ang kulit *laughs*

Tinago ko na agad sa bagpack ko yung paperbag. Buti na nga lang malaki yung bagpack ko kaya nagkasya. Baka mamaya makita pa 'to nila Mika eh.

At buti nalang din, nalabhan ko agad siya kagabi at napatuyo ko agad sa dryer.

HimawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon