Bunga ng Kasalanan

1 0 0
                                    

Isang gabing niliyab ng init at pagnanasa
Pagdating ng umaga'y ibinaon na sa hukay
Tinakpan ng lupa ng kahihiyan at sakit
Itinago sa palitan ng mga ngiting marikit

Ngunit ang langit na naging saksi
Sa mansanas na tinanggap ni Adan at Eba
Ang magsisilbing pruweba
Ng kasalanang kailanma'y walang kapatawaran
Palitan man ng luha, o kahit na dugo pa 'yan

Ang ikinubling palitan ng tukso
Ay nagbunga sa di inaasahang panahon
Ngayon, ang posas ng kataksilan
Ay binalot ang rosas ng kapusukan

Ang kasalanang pilit nilang tinatakasan
Ang tungo pa rin ay sa bilangguan ng kataksilan
At ang bunga ng mansanas na pinagmulan
Ang magbabayad sa ginawa ng mga tampalasan

Ito ang patunay na ang pag-ibig
Kung minsa'y nababalot lang ng init ng damdamin
Kung ito ang diringgin
Maaaring ito'y ikapahamak mo lang din

PoemsWhere stories live. Discover now