Muriel
One week later...
"Ginusto moto, pwes, panindigan mo!" Sabi ko sa sarili. Mga five minutes na siguro akong nakatayo sa harap ng malaking gate na yon, pero hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Ganon nalang ang kaba sa dibdib ko na parang gusto ko nang mag backout.
Huminga muna ako nang malalim at pinilit
na pinalakas ang loob.Wala naman akong ibang gagawin kundi sabihin ang minememorize kong script na mismong si Ma'am Lorie ang gumawa.Lagyan ko pa raw ng kaunting feelings ang pagsasalita katulad ng itinuro niya sa akin noong isang araw. Tiwala naman akong magagawa ko iyon. Huwag lang sasabay ang init ng ulo ko dahil baka bigla kong makalimutan na nagpapanggap lang pala ako.
Nagulat ako nang bigla nalang bumukas ang gate. Isang may-edad na babae ang lumabas.
"Ineng, pumasok kana sa loob. Kanina kapa hinihintay ni lorie," nakangiting sabi niya at basta na lang ako hinila papasok.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang tumambad sa harap ko ang bahay na ubod ng laki. At lalo akong namangha nang tuluyang makapasok sa loob. Ngayon lang ako nakatuntong sa ganoon kagarang bahay.
"Muriel!" Nakangiting salubong sakin ni maam lorie. "I'm glad you're here. Are you ready?" Gusto ko sanang sabihin na hindi pa pero naunahan niya ako.
"From now on, everyone here will call you 'Sam' or 'Samantha'. Hindi dapat makahalata si Riley. This is just between you and me. And of course, Nana Tonya." Itinuro niya ang may-edad na babae na humila sakin kanina papasok.
"Si nana tonya ang puwede mong lapitan kapag kailangan mo ng katulong,especially pagdating kay riley. Siya na ang bahala sayo." Paliwanag ni Ma'am Lorie
BINABASA MO ANG
Invisible Girl
FanfictionAll i could hear were your identical voices.And i still recognized who's who.How? i just simply followed what my heart was telling me.And when i opened my eyes i saw you.