Kababata Ko Part 2

109 2 0
                                    

CHAPTER 3 PART 2

Lia's POV

o.O

Huwaaaaaaaaaaaaaat????? Si Chris nanditoooooooooo?

"Good Morning to all of you. I am Emer Fernandez, Emer for short" sinabi ni Emer tapos pagkasabi niya nun, yung mga babae, nagsitilian

"Good Morning too, to all of you. Christopher Bargo is in your room. Chris for short!" sinabi ni Chris tapos ayun! Yung mga babae, nagsitilian rin.

Ano ba yang mga babaeng yan, tumitili ng walang dahilan. Gwapo ba yang mga lalakeng yan? Eh kung tignan na lang kaya nila yung wallpaper ng cellphone ko-yung one direction-sila yung mga gwapo!

"Di daw gwapo. Asus! Bitter mo teh! Eh bakit ka nga nagkagusto sa kanila?" sabi ni konsensya

"Wala lang. Trip ko. De joke. Eh sa nakakatawa sila eh. Angal?!"

Good. Di na sumagot si konsensya

"Boys, there are 2 vacant seats beside Lia. You may just sit there." --Ms.Kay

Tinignan ko yung dalwang gilid ko. Oo nga noh! Wala pala akong katabi. Kaines! Pinaalis ko pa yung dalwang babaeng nakaupo dito. Gusto ko kasing maging loner eh. Ms naman!!!!!!! La namang ganyanan.

Pagkasabi nun ni Ms.Kay, nagface palm lang ako tapos nakita kong si Emer ngumiti ng ngiting aso tapos si Chris, ayun! Nakikipagkindatan dun sa mga babae. Ang landi!

Starting this day, I'll start to have a VERY, VERY AWKWARD year!

Nagdiscuss lang kami ng nagdiscuss. Tas after ng 2 subjects.....

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Yess! Recess na. Kelangan ko na makatakas sa lugar na to. Agad agad kong niligpit mga gamit ko tapos tumakbo. Kaso si Emer tinawag ako. 

"Hoy Lia! San ka pupunta? Sabay na tayong magrecess!" --siya

Hayzz. Oo na nga lang. Di naman niya siguro isasama si Chris noh?

"O sige sige. Dali na!" --ako

"Goooood. Sama natin si Chris ah! Pumayag na siya"

"I hate U Emer!" bulong ko

Kainis ka Emer! PRAMIS! 

Pumunta na sila sakin tapos naglakad na kami papuntang canteen. Hinanap ko na yung table ng barkada ko. Dun kami sa table namin, sa ayaw nila o sa hindi. :P

"Uy Chris, Emer! Dun tayo oh" sinabi ko tapos tinuro ko yung table namin

Tumango na lang sila.

Pagkapunta namin sa table namin, nakita ko yung mga mga mukha ng mga kaibigan ko

o.O --> mga friends ko   -___- -->ako yan      ^_^ ---> sila Emer at Chris

Hay nakuuu.  Alam kasi nila yung tungkol kay Chris eh. Kay Emer lang hindi

Pagkatingin ko kina Sofia, parang may pinaplano sila. Tapos tumayo si Sofia tapos pinaupo ako dun sa second space to the last. Tapos pinaupo niya si Emer sa right, tas si Chris sa left.  I hate you guys! -___________-

"Nga pala. NEXT WEEK, concert na ng 1D dito sa Philippines." --Nica

"Kaya mamaya, aalis kami para mamili ng damit." --Nette

"At wag nyong sabihin na gusto nyo ring sumama?" --Shalie

"Ako, di ako sasama sa shopping nyo, pero sa concert, OO!" --Emer

"Guys Directioner ka?" --Kaela

"Di mo sinabi sa kanila?" --Emer

"Di eh ^.^" --ako

20 Minutes kaming nagkwentuhan at kumain, tapos may biglang tinanong si Sofia

"Nga pala. Chris! May girlfriend ka na ba?" --Sofia

Aysh. Itanong ba naman yun? Pero ayaw na gusto kong malaman yung sagot niya!

"Ako? Umm....." --Chris

Dendenendendenendendenen. (Imaginin nyo na lang yung tunog kapag may dumarating na shark")

"Umm...." --Chris

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

I hate you bell!!! Kaines! Sasabihin na eh.

"Ah sige! Una na ako!" --Chris

"Ay Badtrip!" --ako

"Kaw ate ah! Gusto mo pala malaman eh. Asus!" --Shalie

"Di kaya! Wait, asan na si Sofia?" --ako

"Ewaaan ko!" sabi ni Shalie pero halatang alam niya kung nasan. Porket magbest friend kayo, magsisikreto na kayo samin?

"Ah ganun? Di mo sasabihin?" sinabi ko yun tas hinabol ko siya at kiniliti

Sofia's POV

"Hoy Chriisss!!!" --ako

Sinigaw ko habang hinahabol ko siya. Ah ganun? Hahabulin talaga kita!

"Bakit mo ba kasi ako hinahabol?" --Chris

"May tanong kasi ako diba? Bakit ayaw mong sagutin?" --ako

"Baka kasi may masaktan eh!" --Chris

o.O So??

"So...Meron ka ngang girlfriend?" --ako

"Oo. Eh ayaw ko namang masaktan si Lia." -Chris

"Oww..." --ako

Naging malungkot na kaming dalawa. Sasabihin ko kaya to kay Ate? Pano nga kung masaktan siya? 

Nag-iisip lang ako ng biglang nag-alam yung watch ko. Okaaay. Kelangan ko na umalis.

 "Sofia!" sigaw ni Chris bago ako umalis. Lumingon naman ako sa kanya

"Sasabihin mo ba?" --siya

"Bahala na!" sinabi ko tapos tumakbo na. 

Di ko rin alam eh. Pag siguro nadulas ang bibig ko, ganun na lang!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Part 2 yan! May part 3 pa! Basta sa Chapter 4, nandun na yung 1D kaya ipagkakasya ko muna lahat sa Chapter 3 

DON'T FORGET TO COMMENT, VOTE AND BE A FAN!

One Direction and UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon