CHAPTER 29|| Indenyal

925 23 9
                                    

Clare's POV:
*THE SUN GOES DOWN THE STARS BUDONG BLAH BLAH BLAH MY UNIVERSE WILL NEVER BE THE SAME IM GLAD YOU CAME!!*
Tumunog yung leche kong alarm
Oo alam ko panget yung kanta, ALAM NIYO BA KUNG BAKIT YAN ALARM KO?
Kasi masakit sa tenga, kaya mapapatayo talaga ako para patayin
Ayoko pumasok
Home schooled nalang akooo
Napilitan ako tumayo at maligo, magbihis at mag ayos, sobrang effort yung ginawa ko sa pag aayos
'CLARE gising ka na?!' Narinig ko si Kuya sumigaw mula sa kabilang kwarto
'Kanina pa, nag aayos nako' sabi ko sa monotone na boses, paos paos pako
'Tara na, kung makapag ayos ka parang pupunta ka sa Victoria's Secret fashion show' sabi niya habang naka dungaw sa pinto ng kwarto ko
Di ko siya pinansin, wala ako sa mood
Bumaba kami at kumain ng breakfast
Pagkatapos nun umalis na kami sa bahay
---------------------------
School
Ang aga namin dumating, si Kuya nakipagkita sa mga iba niyang kaibigan sa field
Ako naman, nag review sa Chemistry, may quiz kami MAHIRAP KASI MAY MATH
'Kasi naman eh aanhin ko ba tong molecular mass na to eh bwisit' bumulong ako habang nililigpit yung notebook ko
Habang inaayos ko yung gamit ko, may kumalabit saken
'Clare' sabi niya, eh kilala ko na
Kaya tumayo ako agad at umalis pero hinarangan niya ako
Kung buhay siguro yung hangin, magkaaway na kami kasi kanina pako umiirap
'PLEASE BEFORE YOU DECIDE TO END US LET ME EXPLANE' sabi niya, hinihingal
'I already saw enough, i dont need your explanation' sabi ko, gusto ko na talaga umalis
'BUT BABE-'
'Babe?! ILAN BA BABE MO? AT ILAN BA ANG KELANGAN MO?!' Sabi ko, galit nako shet
'Wha?'
'Austin why do you have to play with my feelings?! WHY DO YOU HAVE TO MAKE ALL THOSE SWEET GESTURES ON ME AND OTHER GIRLS?! Bakit sabay sabay hindi pwedeng mag chill?!'
'It just happened i'm so sorry, it started during the homecoming practices and i just missed you so-'
'So?! NAKIPAGLANDIAN KA SA IBA?!'
Nagtatagalog ako sakanya kasi alam ko kahit onti naiintindihan niya, DIYOS MEH EH ILANG TAON NA YAN DITO DI PA MARUNONG ANO?
'N-no...yes...but i didn't mean that, please don't break up with me'
'If you really love me you wouldn't hurt me. If you were serious with me you wouldn't kiss other girls and shit, how do you expect me to trust you EVER again?!'
'Well how about ZAYN?'
POTA PANO NASAMA YAN SA USAPAN?
'He hurt and lied to you multiple times but you still forgave him? IF YOU REALLY LOVE ME WHY CANT YOU DO THAT FOR ME?' Sabi niya, galit na din
'How did he even got into this fight?!'
'Whatever, if you want it this way, then fine. But remember, IT IS NOT MY LOSS.' Sabi niya at umalis
OKAY AKO DIN
Zayn?! PANO NASAMA YUN SA AWAY NAMIN?
-------------------------------
Nagdecide kami nakumain sa labas, hindi sa LABAS as in food chains ah lol
Sa field, picnic ang peg
Kasama ko si Alli at Kuya
Minsan nag aalala ako kasi feeling ko walang ibang kaibigan si Kuya kundi kami kasi lagi namin siyang kasama
Pero sabi niya, mas masaya daw kasi siya, SUS GUSTO NIYA LANG MAKITA SI ALLI
Habang pinagtatawanan namin yung lalaking naka short shorts sa gitna ng field, may umupo sa tabi ko
Sino naman eh wala naman akong ibang kaibigan
Binigyan namin siya ng judgemental na look
'Anong ginagawa mo dito?' Tanong ni kuya
'Maglalaba..malamang kakain' sabi niya
'Kuya para kang tanga' sabi ni Alli at binigyan siya ng pandidiring tingin
Tumingin nalang ako sa malayo, gusto ko umalis kaso hindi pako tapos kumain
'So break na daw kayo ni Austin?' Bigla niyang sabi
NAALALA KO NANAMAN
TUMIGIL NA NGA AKO SA PAG IYAK DIBA
LECHE
Nagsisimula nanaman mapuno ng luha yung mata ko
'Ui' sabi niya
'OO BAKIT MANG AASAR KA? Wag.' Sabi ko
'Tinatanong ko lang' sabi niya at sumubo
'Bro nawawala ka ba? Nasan mga kaibigan mo?' Tanong ni Kuya sakanya
'Yung mga plastic na yun? Wala.' Sabi niya
Ang angas niya talaga nakakabanas
'Eh yung girlfriend mo?' Tanong ni Alli
'Wala akong girlfriend' sabi niya, mukhang inosente talaga
Tinignan ko siya ng masama
'Kuya umayos ka' sabi ulit ni Alli, inis na
'Wala nga, anong gusto mo?' Sabi niya
'NILALARO LARO MO LANG YUNG PAGBOBOYFRIEND AT GIRLFRIEND?' Sabi ko out of nowhere
'Hindi...'
'Eh bakit ganyan ka? On off kayo tas may IBA KA PANG NILALANDI?'
'Eh bakit ba?'
'Anong bakit? Nakaka istorbo ka ng ibang tao sa mga pinagagawa mo'
'Ikaw naiistorbo bakit? May care ka saken'
Tinatry nyang ibalik yung asaran namin, nang aasar siya
WALA AKO SA MOOD
'Bro, tigilan mo na, kakagaling lang nyan sa breakup' sabi ni kuya Niall
'Ahh akala ko meron nanaman eh' sabi niya
--------------------
Pagkatapos namin mag lunch, madami pang time na natira, saka walang teacher at sub yung next subject namin kaya si Alli at Kuya nag practice ng guitara kasi kasama sila sa Music Club, ako naman Young Campus Journalist, wala naman kaming gagawin so nag iikot ako sa campus.
May hindi ako nasabi
After namin mag lunch, sinimulan nako sundan ni Zayn
'Ano bang ginagawa mo?!' Sabi ko nang hindi nako makatiis
'Sasamahan kita'
'SAAN?' Highblood talaga ako
'Sa pupuntahan mo'
'Wala akong pupuntahan'
'Ako din naman e'
'Bat moko sinusundan?!'
'Sasamahan nga kita ang kulet'
'Wag na, alam ko namang iiwan mo din ako' sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad
Pero sumusunod paden siya
'ANO BA?!! BAKIT BA ANG KULET MO?!' Sigaw ko
'Wag ka sumigaw baka sabihin may ginagawa ako sayo' sabi niya
'Eh may ginagawa ka naman talaga! Sunod ka ng sunod' sabi ko
'Bakit kayo nag break?' Tanong niya, umupo ako sa bench
'Pake mo?' Sabi ko, ayoko na kasi maalala
'Nagtatanong lang po'
'Nag cheat siya'
'HAH?!'
'ANO BA UULIT ULITIN KO ILANG BESES KA INIRI?'
'Tanong mo kay Mama! Ako ba nagpanganak sa sarili ko?'
'Okay.'
'Sino naman yung babae?'
'Charlotte, kambal ng girlfriend mo, MAY LAHI TALAGA SILANG MAKATI NO?'
' di ko na siya girlfriend'
'Bakit naman?'
'Sabi ko nga sayo, kaya lang naman kami nagkabalikan kasi gusto kitang pagselosin, eh kayo na pala ni Austin, kaya tinuloy ko nalang eh hindi nako makatiis sa ugali niya'
Di ako sumagot alam mo na kasi gusto niyang mangyare
'Wala ka man lang bang sasabihin?'
Pero napasagot din ako
'Ano?'
'Alam mo di ko alam kung MANHID ka o BOBO ka...GUSTO NGA KITA DIBA?'
'Zayn di pwede, kakagaling ko lang sa breakup' sabi ko at tumingin sa malayo
Bagong hobby ko, TUMINGIN SA MALAYO
'Eh bakit? TAYO NAMAN TALAGA AH, sumingit lang siya'
LUH SIYA
'Luh, anong TAYO?!'
'Lagi ka nalang 'ano?' Ayaw mong aminin sa sarili mo'
'Ang kapal ng mukha mo, wala akong gusto sayo, aalis nako, magrereview pako may recitation pa kami kay Sir Alvin BUNUTAN PUTEK' sabi ko at umalis
Kaya lang naman kasi ako umalis kasi ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam.
Hindi pwede, kaka break lang namin ni Austin
Baka mamaya sabihin ng iba....ang bilis ko naman
Hindi ko talaga alam TULUNGAN NIYO AKO
Indenyal lang ba talaga ako kaya ganito?
-----------------------------
QnA time: anong POV ninyo kay Zayn at Clare?
Stay fab xx

Bestfriend's Brother (Zayn Malik Tagalog Fanfic) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon