CHAPTER 3||burning red

2K 40 2
                                    


Nakatayo ako sa harap ng locker, kasi sabi ni Alli antayin ko daw siya, pupunta na kasi kami sa music room tapos biglang may tumakbo sa likod ko tapos niyakap ako

"Anuba?!" Sabi ko

"Clare....may tagos ka" sabi niya grabe, nanlaki yung butas ng mata ko!

"Hah?!" Sabi ko

"Sabi ko, may dugo ka sa pwet" sabi niya habang tinatakpan

"Ano?! Eh--si kuya ko?" Tanong ko

"Nasa music room pa yun nagaayos ng gitara" Sabi niya

Alam mo yung feeling na hiyang hiya ka? Gusto mo nalang ibaon sarili mo sa lupa? Ako kasi OO eh.

"Ta!! Anung gagawin ko?!" Tanong ko, buti nalang MEDYO mabait si Zayn

"Halika na sa C.R." Sabi niya-sumunod naman ako

Pagdating namin dun ay pumasok agad ako sa cubicle, siya naman nag-offer na bumili ng napkin

Zayn's POV:

Grabe yung nakita ko. Buti nalang sanay nako dahil may kapatid akong babae.

Anyway, pagkababa ko nakasalubong ko si Chloe pero hindi ko siya pinansin, syempre kelangan ko bilan ng napkin si Clare pero

"How dare you!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko

"Hah?" Yun nalang ang nasabi ko sa pagmamadali

"I saw what you did! Niyakap mo siya you cheater! " sabi niya

"What?! Babe no! She had an "accident" on her pants...i had to do that! And besides...wala yun, mas bata siya saken, kasing edad niya lang yung kapatid ko!" Sabi ko

"Save it!" Sabi niya sabay umalis na

"Wa-aaahh!" Napa-groan nalang ako tapos tumakbo para bumili ng napkin..."

Pagdating ko baba

"Ate, pabili po ng napkin" sabi ko sabay abot sa pera, hinihingal pako

"Hijo? Napkin?" Sabi nung matanda

"Opo..la hindi po sakin yan, sa kaibigan ko po" sabi ko

"Ahh sa GELPREN mo?" Sabi ni lola habang binubuksan yung isang pack na modess

"Hindi po" sabi ko

"Pero hijo, bihira nalang sa mga lalaki ang gumagawa ng ganyan....siguro may gusto ka sakanya no?" Sabi niya

"Po...w-wala po" sabi ko sabay kuha sa napkin

"Thanks po lola" sabi ko sabay akyat ulit

Clare's POV:

Grabe ang tagal ni Zayn! Tutulo na eh! Maya maya, bumukas yung pinto sa CR
"Charlotte! I saw them hug each other!" Sabi ng babae, maya maya narealize ko si Chloe pala yun, ano bayan.

"Chloe, aren't you over reacting? I mean...you did cheat on him 3 times and he never knew" sabi ni Charlotte

Nung sinabi niya yun, bigla akong nagka interes na makinig sa usapan.

"Sshh! Someone might hear you!!! I just--that girl is dead to me" Sabi ni Chloe at umalis na sila

Puta nadamay pa ako, natagusan lang naman ako.

Teka wait

Tama ba yung narinig ko? Nag cheat siya kay Zayn 3 times walang preno?

MALUFET

Maya maya dumating na si Zayn at nilock yung pinto

"Clare, san door ka?" Sabi niya

"Dito" sabi ko sabay taas sa kamay ko

"Oh..." Sabi niya sabay inabot saken yung napkin

"I'll wait for you outside" sabi niya sabay umalis

Nilagay ko yung napkin ko at lumabas, nakita ko si Zayn nakasandal sa wall

"Tara..." Sabi niya

Habang naglalakad kami, iniisip ko yung sinabi ni Chloe kay Charlotte...at hindi alam ni Zayn...kawawa naman si Koya.

Maya maya may humatak sa buhok ko

'HOI!!!" Sabi niya

"Aray! Problema mo?!" Tanong ko

"Hey! Tama na' Sabi ni Zayn sabay hatak sa kamay ni Chloe

"Anung problema mo?!" Sabi ko

"Anong problema ko?! Eh kung hindi ka sana nanglalandi ng boyfriend ng may boyfriend wala sana akong problema sayo!!" Sabi niya

Putek wala akong ginagawa NATAGUSAN LANG AKO

"Anong ako? Sino kayang nag cheat sa boyfriend nila three times?" Bigla kong nasabi

Nanlaki ang mata nila

"Babe, what is she talking about?" Sabi ni Zayn

"I-i dont know babe" sabi niya

"Why don't you tell him chloe?!" Sabi ko

Taena painosente pa eh sarap isako.

"What are you talking about?! Talagang sisiraan mo ako para lang mapaniwala si Zayn? That is so low" sabi niya habang may bitch look sa mukha niya

"I'm telling the truth! Zayn! Nagcheat siya sayo three times!" Sabi ko

"May proof ka?!" Sabi ng kapatid niyang si Charlotte

"Hi-hindi wala pero--" sabi ko

'See!' Sabi ni Chloe

"Pero narinig ko kayong nag uusap sa CR! Zayn nag-"

"Ano ba tama na!" Sinigawan ako ni Zayn

"Makinig kasi kayo a-
"
"Anuba! Anong problema mo?! Bat mo kelangan gumawa ng mga story?!" Sabi niya
SINIGAWAN NIYA KO SA HARAP NG MADAMING TAO

Dumating naman si Alli bigla

"Anung nangyayare dito kuya?" Sabi niya

Di na ako nakapag salita, sinigawan niya na ako eh.

"Ano? Walang magsasalita?" Tanong ni Alli

"Tama na nga, sige maniwala ka sa girlfriend mong malandi, pero wag ka iiyak" sabi ko sabay hatak kay Alli

"Hindi siya malandi!" Sabi ni Zayn

"Oh edi hindi! KUNG YAN ANG TINGIN MO HINDI KO PINAGPIPILITAN!" Sabi ko habang naglalakad papalayo

Sumunod naman saken si Alli tapos nakatingin samin yung mga tao

Gusto ko umiyak kaso, bakit ko siya iiyakan? Ano siya chix paglaki manok, manigas siya.

-----------------------

Read the sequel Bestfriend's Brother 2

Vote

Comment

Share

Bestfriend's Brother (Zayn Malik Tagalog Fanfic) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon