Ariz's P.O.V
Pagkatapos kong sabihin yung mga katagang iyon..tumakbo kaagad ako at humanap ng Taxi..at sineswerte nga naman ako nakahanap ako kaagad.. agad naman akong pumasok sa loob
"Ma'am andito na po tayo" sabi ni Manong... Pagkatapos ay Binigay ko na yung bayad ko at bumaba na
*Ding Dong*
pag cli-click ko ng Doorbell sirado kasi yung Gate namin
"Ay Ariz andito kana pala"sabay bukas ni Manang ng Gate... isa sa mga katulong namin
"Si Ate po Manang?" tanong ko kay Manang Mirna... ang Yaya ko simula ng iluwal ako sa tyan ng ina ko
"Ay nasa loob nagluluto"
"ah si Daddy po?" tanong ko ulit
"Nasa loob narin po" Pagkatapos ko marinig yun eh pumasok na ako ng bahay
"Oh anak! bat ngayon ka lang?" sabi ni Daddy na nasa kitchen...
"haha Sorry Daddy may mga activities kasi kaagad sa school tsaka hirap makahanap ng taxi" I lied ayoko kasing magalala sila... *sigh* napangiti ako sa nakikita ko ngayon
Paano ba naman kasi nagluluto sila Ate Mariel at Daddy.. tsaka ang sarap nilang tingnan...
"Oh ano tinitingin mo pa diyan Ariz, halika dito at tulungan mo kami ni Daddy"
Napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng kanyang kapatid.. Linapag naman niya kaagad ang dala dalang bag sa isang lamesa at tinali ang nakalugay na buhok at daling sinuot ang isang apron
Kung makikita niyo lang sila, Agad niyong mapapansin na napaka saya nilang pamilya kahit ito ay kulang ng isa..
Sana ganito nalang parati bulong ng dalaga... Sa nakikita ko, kontinento na ang dalaga sa kanyang buhay. At wala na siya hinhiling na iba... Kahit Hindi na raw bumalik ang kanyang Ina... kinususuklaman kasi niya ang sariling Ina,, kung bakit? dahil raw mas pinili ng kanyang Ina na maging maganda ang buhay NIYA kesa sa maghirap siya. Noon kasi ay laking mahirap sila. Isang Katulong ang kanyang Ina at mangingisda naman ang kanyang Itay. At parati naman noon nagkakasakit si Ariz kaya't parati siyang dinadala sa hospital.. Sobrang pagod na ang kanyang Ina noon kaya't mas minabuti niyang magpakasal sa kanyang Amo'ng matanda at iwan sila ng ganun ganun lang
Kaya na ngako siya sa sarili niya kung magkita man sila ng kanyang Ina hindi na niya ito ituturing at kikilalaning bilang Ina.
Buti nalang noon ay Nanalo ang kanyang Itay sa loto. Lumipat sila sa Pampanga at nagtayo ng negosyong bakery. At kung sinuswerte nga naman noon sila Nakapaghanap ang kanyang Itay ng trabaho. Nakatapos naman kasi noon ang kanyang itay sa pagaaral, sa katunayan nga isa siyang Comlaude. Hindi lang siya nakahanap ng trabaho kayat naging mangingisda siya
At sa salukuyan siya ay isang CEO sa isang sikat na kompanya sa Japan. Kaya lang na asign siya ng kanyang amo, ang totoong may ari ng kompanyang pipasukan ng kanyang Itay dito sa Pilipinas... kaya't naging masaya sila ng kanyang kapatid ng nalaman nila ang balita. Dahil sa wakas makakasama na nila ang kanyang Ama ng mas matagal. Ngunit ang inasign na lugar ng Amo ng kanyang Ama ay sa Maynila. Kung kaya't sapilitan silang lumuwas
"Oh Ano Daddy Masarap ba?" tanong ko...Tinitikman kasi ni Daddy yung ginawa kong Food
"Mmmhhh Ang Sarap Talaga mag luto ng mga anak ko.. Mana sa Daddy" sabay yakap ni Dad sa aming dalawa ni Ate
Hahahaha tawanan namin... Sana ganito nalang parati kami, Masaya lang! tapos kompleto!
"Dad put us down na"sabi ni Ate
"Opo Princess" paglalambing ni Daddy hahaha nakakatuwa talagang panoorin si Daddy
"Oh sige na, akyat na kayong dalawa at magbihis na, ang dumi dumi na kasi ng mga princess ko" sabi ni Daddy
"Okay Dad" sabi naman ni Ate
"Pagkatapos ay pumunta ka agad kayo sa Sala...Movie trip tayo" yehey!! movie trip raw kami!!!! I love Daddy na talaga...
"yehey! Lab you Dad" sabay halik sa pisnge... at tumakbo na ako sa taas...Para makapaghanda
Hinubad ko na yung damit ko at dumaritso sa Banyo... pero bago yun may napansin akong panyo... pinulot ko yun at naalala ko nanamam ang nangyari kanina
Eto yung panyong ginamit sa akin sa pagkikidnap.... *sigh* Buti nalang talaga dumating si Kley kung hindi naku! naku! Nawala na sana ang pinakaiingatan ko
kahit pala ang sungit at ang cold niyang tingnan kanina sa Cafeteria Meron pala siyang pagkahangin.... Paano ko nalaman name niya?? simple
**Flashback**
Pagkatapos akong babalahan nung mga kaklase kong pa cool eh dumating naman kaagad ang isang babae sa harapan ko
"Hi Ako nga pala KC" pagpapakilala niya
...Naks feeling close si Ate
pero dahil transferee ako syempre grab the oppurtunity na noh! Gusto ko na kaya magkaroon ng kahit isang kaibigan o kahit isang kakilala ko lang
"Uh Hi! Ariz nga pala" sabay held ng hand.. nakipag shake hand naman siya
"Naku! Girl! Haba ng hair mo kanina" huh?? haba ng hair?? eh hangang siko lang ang haba ng buhok ko eh
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Ay! oo nga pala transferee ka! pero girl swerte mo talaga kanina...paano ba naman linapitan ka ng dalawang sikat na grupo dito sa school and take note kinausap ka nila" oh my G!!! sikat sila sa school??? hindi ko yun alam ha! tss bobo mo talaga! Transferee ka nga diba?! tsk yan nanaman ako! kinakausap ang sarili ko
"Whe?! Sikat sila?" tanong ko with a Dont-lie-to-me look
"oo nga... Yung unang nakipag usap sayo, sila ang Unlucky K" unlucky K?? baduy! ng pangalan ha
"Bat Unlucky K??" tanong ko
"Di ko rin alam kung bakit Unlucky K yung pangalan nila basta yung K represent as Kley ang leader nila" ahhh Kley pala yung gwapo.... ⊙_⊙ Gwapo?! eww!!! erase erase
"Tapos yung dumaan dito naman kanina sila ang Triplet T" triplet T??? baduy!
"Kung bakit? di ko rin alam basta T stands for Tor ,yung leader ng Triplet T" sabi niya
"Pero di ko pa din ma gets kung bakit swerte ako" may halong inis at pagtataka sa boses ko... Paano ba naman yan hindi pa direct to the point niyang sabihin ang mga katagang gusto niyang sabihin..dami pa kasing paligoy ligoy...
huminga muna siya ng malalim at doon na nag explain...
"Ang Triplet T and Unlucky K ang pinaka sikat na grupo ngayon sa Manila.. Kung meron mang Chicser, Gimmie 5, Matcho dancer and etc.....Pero ngayon,, meron naring Unlucky K and Triplet T..." sabi niya... Seriously??? Mga sikat sila??? tss di halata sa mukha ha!
"At ikaw! Super swerte mo dahil kinausap ka nila at first time yun na meron sila kinausap na babae aside sa mga relatives nila..And take note kinausap ka nila sabay with in one day, oh ha!" O.A naman rumeact tong si KC.. Mas malala pa kesa sa akin
"tss" yun nalang nasabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ko at siya naman duka ng duka about sa Unlucky K and Triplet T... pero hindi naman ako nakikinig..Hindi naman ako curious sa kanila
****End Of Flashback***
Tsaka yun! Nag ring ang bell at pumasok kami ng sabay ni KC.. Kaklase ko pala siya, absent siya kaninang umaga kaya't di ko siya nakita..Tinanghale ng gising
Anyways! Sana naman walang mangyare masama sa Second day of school ko noh???
sana..........
--------------------------------
♥Frazelyn
BINABASA MO ANG
N.U.H.L; The 4 stage of LOVE
Teen FictionN.U.H.L ang apat na stage of Love isa kaba rito??? nasa Loading Stage kaba??? o Nasa Undeniable stage kana??? o baka naman nasa Nadapa stage kana??? but much better kung nasa . . . . Hulog Stage kana N.U.H.L nahulog.undeniable.hulog.nadapa the 4 sta...