Chapter 1: Funeral

19 3 2
                                    

-Austine's Pov-

Hindi ko inakalang darating din ang araw na kinatatakutan ko. Pra sakin. The day of our graduation is the most deviled day of my life. Why? Kasi.. Kasi yung araw na yun natagpuang patay ang kapatid ko sa likod ng cr ng school namin. And yet, walang nakakaalam kung sino talaga ang murderer ng kapatid ko. Karumaldumal. Hindi ko ma larawan ung sakit na tinamo nya.

"Austine!!! Tine! tine!! "

Ang boses nayun.. Naririnig ko yun sa loob ng utak ko habang mahimbing ang pagkakatulog ko sa kalagitnaan ng gabi.

"Tulungan moko tine! Lumayo ka sakanya! Lumayo ka!!!"

Nasundan iyon ng malakas na tili ng isang babae

"AHHH!!!"

Hindi ako makahinga... Prang.. Prang may sumasakal sakin... Naaaninag ko ang anino ng isang tao. Sinasakal nya ako.. Mahigpit hindi ako makahinga .. After that i heard a loud voice

"AUSTINE!!!!!"

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan.. I catch my breath. Akala ko totoo.. Panaginip lang pala... Hinawakan ko ang leeg ko. Checking kung panaginip lang ba talaga yun. Agad akong napatingin sa kama ng kakambal ko.

"Nette.." Ikawalong araw na ng burol nya. Hindi ko parin matanggap yung pagkawala nya. Grabing sakit.. Hindi ko matanggap.. Parang kailan lang bago kami grumaduate ng junior highschool, nagkekwento pa sya ng pangarap nya. And then the flash back came..
---
"Alam mo kung anong gusto ko tine?"

"Sige ano??"

"Ikaw HAHAHAHAHA jokelang!"

"Baliw ka talaga! HAHAHAHA"

"Hindi eto na seryoso na. Gusto ko talaga maging journalist, gusto kong sumulat ng mga article! Gusto kong libutin ang mga liblib na lugar sa mundo tapos sulatan ng article lahat ng yun"

"Syempre naman Nette, matutupad mo lahat yun, pareho nating tutuparin yung pangarap nating dalawa!"

"Promise?"

"Promise!"

Sabay na pinag crossed namin ang hinliliit naming pareho.

"Sige na nga! Bumalik kana sa higaan mo! Ang sikip na nga dito eh sisiksikin mo nanaman ako!"

"Tinee namaaan hayaaaan mona akooo, gusto ko tabi tayooooo"

"Hay sige na nga nette" tignan motong babaeng to, napaka sweet na kapatid, nagagawa pa akong yakapin ng mahigpit!

---
Napakasarap, napakasaya sa pakiramdam na magkaroon ng kapatid na kagaya ni nette, tapos isang araw, bigla nalng namin matatagpuan yung katawan nya, at sobra pa yung sinapit nya, ang sakit. Sobra. Biglaan lang, biglaan yung pagkawala nya.

Tumungo ako sa higaan nya, niyakap ko ang isa nyang stufftoy, yung favorite stufftoy nya since bata pa kami, uminit ang ang aking mga pisngi at isa isang pumatak ang mga luhang kanina kopa pinipigilan, bawat luha, ramdam ko yung sakit ng pagkawala nya.

"Antonette, kapatid ko, andaya mo naman e.. Bakit bakitt moko iniwan? Dba nga maglilibot kapa sa bawat sulok ng mundo, andaya daya mo nette, sobrang daya mo.."

Sunod sunod ang bugso ng mga luhang galing sa mga mata ko, talagang, hindi ko malimutan gaano kasakit yung nangyari. Humiga ako sa higaan nya at d ko namalayang nakahimbing na ako sa higaan nya, dahil 3:30 am palng ng umaga, at napagod rin ako sa burol nya, kaya siguro agad nalng akong nakatulog pagkatapos umiyak.

__*kinabukasan*__

"Austine, tine gising na, tinee"

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, naaaninag ko si nette, malabo pa siguro ang mata ko, kinusot kusot ko ang mga mata ko at dahan dahang kinilala ang nagsasalitang iyon

"Tine anak, gising na, libing pa ng kapatid mo oh tara na bangon na"

Si mommy pala, agad akong bumangon sa kinahihigaan ko at agad na tumungo sa cr upang maghilamos

"Bababa na muna ako pra mag ayos, pagtapos mo magayos, baba kana rin pra makapag agahan ka ha"

Bilin ni mom bago umalis ng kwarto.
Naghihilamos ako non,pagbuhos ko ng tubig sa mukha ko, nakita kong reflection ng kambal ko sa salamin, agad akong nanigas sa takot ng nakita kong pagtulo ng dugo sa ulo at bibig nya, sinubukan kong igalaw ang nga braso ko at muling naghilamos, nawala ang babaing nasa salamin. Guni-guni ko lang yata. Phew.. Sumunod na agad ako kay mom pababa pagtapos mag hilamos at toothbrush. Iniisip ko parin ung reflection ni Nette sa salamin kaninang umaga, nakakakaba..

Ngayon ang araw ng libing ng kapatid ko, tiyak na maninibago ako, kasi wala na ung kambal kong kasama ko lagi, yung nakasanayan ko bigla nalng mawawala, nette, sana masaya ka kung nasaan ka ngayon, wag ka mag aalala, i will fine your murderer sisigurahin kong makukulong sya.

Pagkatapos ng misa, dinala na ang bangkay ng kapatid ko sa isang memorial cemetary, nakilibing din ang mga kaklase namin, nagtatala lang ako kila Louie, bakit hindi sila makatingin ng ayos sakin? Para bang meron silang tinatago, after neto, next school na ulit kami mag kikita kita,

Habang ibinababa ang kabaong ng kapatid ko sa lilibingan nya, bumugso ang luho sa mga mata ko, ganun din sila mom at dad, nasaktan din sila sa biglaang pagkawala ni nette, hindi rin sila pumayag na mawalan ng hustisya ang pagkamatay nya, nag hire sila ng isang private investigator, si Mr. Lu, isang chinese, half-Filipino, Sabi nila, magaling daw sya kaya dapat kaming mag tiwala sa kanya. Hindi lang mga kaklase namin ang nandito pati ang adviser namin na si Sir Michael, malapit ang loob nya sa pamilya ko, lalo na kila mom at dad, kasi magka batch din sila dati at naging mag kaibigan nung highschools sila, thankful ako sa mga taong nakiramay sa libing ng kapatid ko.

"Condolence, masakit din ang biglaang pagkawala ng kapatid mo, itinuring kona kayong pamilya at mga anak, lalo na ang mommy at daddy mo, nakikiramay ako"
Sambit ni sir Michael habang tinatapik ang balikat ko.

Nilapitan naman ako nila Louie at iba pa naming mga kaibigan, niyakap ako ng mahigpit ni Louie

"Im so sorry Austine, sorry sa... Sa pagkawala ng kapatid mo, parang kapatid narin sakin si nette, masakit din sa side ko, sge goodbye na mauuna na kami nila Clark, sir.. Mauuna napo kami.. Good.. Goodbye tine, bye sir" sambit ni Louie na parang may takot, siguro masakit din sakanya ang pagkawala ng kapatid ko.

"Ingat kayo ha, mag ingat kayo sa daan baka mapano kayo," sambit ni sir sabay tapik sa balikat nu Louie

-----

Pagtapos ng libing, umuwi na kami agad sa bahay, agad akong nagtungo sa kwarto namin upang ayusin ang mga gamit na naiwan ni Nette, Nakita ko ang History notebook nya, at may nakita akong sulat sa likod

"qui es et facient ea" be careful who you are with

Latin, mahilig magsulat ng tula at ng word phrases si Antonette gamit ang ibat ibang lenggwahe, medyo naiintindihan ko na din ang ibang salita dahil tinuturuan nga ako pero madalas gumagamit pa ako ng translation, puno ng kyuryosidad, sinearch ko ang meaning nito sa isang translator app,

"Be careful who you are with"

agad akong nabigla ng lumabas ang mga katagang ito, napuno ng kilabot ang buong katawan ko, sabay na paglalaglag ng isang photo na nakaipit sa notebook nya, Si Louie,at may kasamang lalaki, pero malabo kayat hindi makilala kung sino ang lalaking yun, tanging palatandaan lang ay ang silver netong relo na may batong kulay pula sa pulsohan nito,

Sino kaya sya??? Bat may picture si nette nito??

Mortum Vero Eius ( Truth of the Ones Death)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon