Chapter 9

7 0 0
                                    

Ara's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng gate ng school. Oo mag-isa kasi nagtext yung bestfriend kong gwapo na mauuna daw syang pumasok kasi puspusan daw training nila for UI. Solo flight tuloy ako.

Third Person's POV

Habang papalapit si Ara sa gate ng school, bahagyang kumunot yung noo nya para kasing may event, ang daming student na nakakumpol sa harap ng gate. Pero di alam ng dalaga na isa pala iyong sorpresa para sa kanya.

Lumapit kay Ara yung captain ng basketball team na si Val at nag-abot ng yellow roses at bakas ang gulat sa mukha ni Ara.

"Anong meron kuys?" Tanong ni Ara kay Val kuys kasi yung tawag ng dalaga dito dahil mas matanda ito sa kanya.

"Basta, go with the flow ka lang" sagot naman ni Val

Kahit na nagtataka sa sitwasyon nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga sunod na lumapit at nag-abot ng yellow roses ay si Ero at tinanggap naman yun ni Ara hanggang sa sunod sunod na ang buong basketball team at kasalukuyan naring nagbubulungan ang ibang estudyante ang iba ay kinikilig at natutuwa para kay Ara, may iba namang naiinggit at naiinis dahil ang varsity team ng basketball ang nag-aabot kay Ara ng roses

Pagdating niya sa dulo nandoon ang bestfriend niya na may hawak na teddy bear at red box na pahaba. Ganon na lang ang kilig ni Ara sa mga nangyayari. She can't utter any words and she feels like everything stop at that moment.

"Can I court you?" Daniel asked

"Y-yes" sagot ng dalaga.

Ara's POV

Geeeeez sobrang namamawis yung kamay this time grabe yung pasurprise nitong si Bes. Hindi parin ako makapaniwala na sisimulan niya na kong ligawan.

"Hey are you listening? " Daniel asked

"Ah ano nga yung sinasabi mo" balik ulirat kong sagot

"Hayst sabi ko na nga ba kinikilig ka pa din dun sa ginawa ko, hayaan mo pag naging tayo segu-segundo kitang pakikiligin" lintanya nya

"Ang OA kapal mo naman, as if saaagutin kita agad. Paghirapan mo muna no" choosy na kung choosy pero kasi gusto ko munang makasigurado ket naman bestfriend ko si Daniel eh kilalang kilala ko na siya.

"Sus okay, paghihirapan ko para sayo" sabi nya na syang nagpapula sa pisngi ko at kinurot naman niya ang pisngi ko

"Hey, you're blushing. How cute"

"Shatap! Nakakainis to andito na tayo oh sige papasok na ko"

"Wait, sasama ako syempre ngayon na ko magpapaalam kay tito" matapang na turan nya

"Ah ganon, okay tara sa loob" yaya ko

Sakto lang pala ang uwi namin dahil naghahain na sila nanay Luz ng dinner.

"Mary, pakitawag naman sila sir at maam sa itaas" bilin ni nanay sa isang katulong

"Oh Ara nandito ka na pala, at kasama mo pala si Dan" sambit ni nanay nang makita nya kami ni Daniel

"Good evening po nanay Luz" tugon naman ni Daniel sabay mano dito

"Pagpalain ka, gabi na ah. Bakit napasugod ka? Dito ka nalang maghapunan iho"

"May ipapaalam po kasi ako kay tito Mario" magalang na sagot ni Daniel

Naupo na kami sa hapagkainan syang pagkababa naman ni Dad at ni Diana

"Tito good evening po" bungad ni Bes at sabay tayo sa upuan at mano kay daddy "good evening din po tita Diana" pahabol nya sabay upo

"Anong sadya mo dito iho? Mukhang gabi na masyado and does your mom knows that you're here?" Tanong ni daddy

"Opo, tito Mario well I'm here po kasi..." Biting salita nya yan kasi tapang tapang kanina ngayon nahihiyang magsabi

"He wants to get your permission because he wants to court me" singit at diretsong salita ko

Napatigil saglit si daddy sa sasandok ng pagkain ganon na rin si Diana at kahit si nanay Luz eh nailapag ang pitsel na bitbit nya. Inirapan naman ako ni Daniel

"Bakit mo naman ako inunahan? Kahit kailan talaga" bulong nya

"Yun nga po tito gusto ko po sanang humingi ng permiso sa inyo kung pwede kong ligawan si Ara" diretsong tingin nyang banggit kay daddy

Sandaling tumikhim at parang nagiisip si Daddy at yung katabi ko punas ng punas ng kamay sa pantalon nya na syang kinangiti ko nang bahagya, kabado masyado.

"Well, Okay I know you're a great man kaya maaalagaan mo ang Ara ko" ngiting sabi ni Daddy

"Thank you po tito! Sinusugurado ko pong mamahalin ko ng sobra si Ara"

"Ayusin mo lang Daniel kapag niloko mo at sinaktan ang prinsesa ko eh makakatikim ka" pananakot ni Dad

"Mario naman tinatakot mo ang bata, masaya ako para sayo iho at sayo rin Ara" singit naman ni Diana na siyang kinairap ko epal

At nagsimula na kaming kumain tsaka lang napansin ni Dad yung stufftoy at flowers nung patapos na kami kumain. Kung yung kaibigan ni Hello Kitty hinahanap nyo wala sya nagovernight daw.

********************************* To be continued*******

Keri lang ba? Haist gustuhin ko mang magupdate ng tuloy tuloy minsan di ako makaisip ng next scene eh.

-shugarmaine

Let KARMA Do The RestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon