Ara's POV
Kasalukuyan akong naghihintay kay Daniel ngayon sa gate ng bahay namin pano kasi nagpumilit na sunduin ako samantalang ang way ko papuntang school is dadaan sa bahay nila. So yung labas nito pupunta sya samin tapos parang babalik din kami sa kanila.
"Hey, why so grumpy? Ang aga-aga ganyan mukha mo" bungad ni Daniel sabay pat sa ulo ko akala nya ata aso ako eh.
"Pano ba naman kasi di mo pa ko pinalakad papunta sa inyo para isang lakarang diretso lang" sabi ko
"Ano ka ba syempre mag-e-effort ako maglakad just for you, diba nga paghihirapan ko ang oo mo" banat naman nya
"Utuuuut bes! Kala mo naman kikiligin ako" kaila ko kahit sa loob loob ko dzai gusto ko na maglumpasay.
"Hindi daw pero namumula pisngi suuuus" pangaasar nya
"Duh, cheek tint yan no" katwiran ko well nag-ayos naman talaga ako ngayon kasi ayoko namang masabihan na di ko deserve si Daniel.
"Nag-ayos ka? Patingin nga parang wala namang nagbago" sabi nya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko gamit dalawa nyang palad, yung parang tinitingnan bawat dumi ko sa mukha.
"Ang sama mo naman" sabi ko naman medyo nalungkot ako dun ah.
"What I mean is lagi ka namang maganda sa mga mata ko kaya walang nagbago. Maganda ka pa rin" sabi niya sabay kamot sa batok
Hayooop grabeng kilig yung gustong kumawala sa akin kaso pinipigilan ko since nasa harapan ko sya.
"Bes namumula ka" sabi nya sabay tusok ng hintuturo nya sa pisnge ko
"Leche! Cheek tint nga yan" inarte ko naman sabay bilis ng lakad ko. Hinabol naman ni bes ang bilis ko sa paglalakad kaya sabay na ulit kami.
*Sa school*
Student 1: "Narinig mo ba yung balitang nililigawan na ni Daniel yung nerd nyang kaibigan"
Student 2: "Ah oo, alam mo ang mas showbiz?"
S1: "Ano d~~~~~~~
"Wag mo na silang pakinggan Ara, wala silang pake sa estado nating dalawa" singit ni Daniel di ko na tuloy narinig yung chismis na yon.
"Alam ko naman Dan pero minsan talaga di ko mapigilang di makichismis eh" paliwanag ko actually di ko mapigilang mainsecure parang ewan lang eh tamang torture lang ako sa sarili ko.
"Don't mind those rumors ang mahalaga nililigawan kita kasi gusto kita" sabi ni Dan tas sabay ngiti, yung ngiting nagsasabing 'trust me'
Nginitian ko nalang sya pabalik at nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang classroom.
Pagpasok palang namin lahat na ng mata nasa aming dalawa nasa classroom na rin si Sherry at nakatingin din samin bakas sa mata niya yung lungkot at the same time parang iritasyon
"Ara can we talk later after this class?" Bungad ni Sherry pagdating ko sa upuan ko which is katabi niya sa likod ko naman nakaupo si Daniel at aisle na pagkatapos ng upuan ko
"About saan bessy? Parang ang seryoso mo naman" sabi ko
"Don't call me bessy anymore" mahinahong sabi niya
"Bakit naman?" Sagot ko hindi ko alam kung anong problema nya sakin para wag ko syang tawagin sa tawagan namin. Is this the moment na ineexpect ko? Pakiramdam ko kasi dumating na ang balitang panliligaw sa akin ni Daniel sa kanya.
"Basta mamaya after class" sabi nya sabay upo at baling sa notebook nya
Pinagsawalang bahala ko nalang, siguro may dalaw sya.
Lumipas na ang first subject namin at 3 hours pa ang vacant dumiretso naman sa practice game nya si Daniel samantalang ito kami ni Sherry naglalakad papuntang garden ng school para mag-usap.
"I want to end my ties with you" bungad ni Sherry
"Hey! I expected this to happen pero di ko naman naisip na ngayon na agad" manghang sagot ko
"Alam mo bang sinadya kong iwan yung diary ko that day sa desk ko at ipakita sayo ang bookmark ng pictures ni Daniel" rebelasyon nya
"Ngayon? Nakita ko nga at kaya mo nga ako kinaibigan dahil dun. Alam mo the first time you approach me akala ko genuine friendship ang iooffer mo sakin pero nung nakita ko yung mga nakasulat sa diary mo nainis lang ako kasi sobrang sayang nung ininvest kong oras at pakikinig sayo" mahabang pasada ko nakakainis na kasi sya plastic
"Eh alam mo naman na pala eh! Dapat kasi di ka nagkagusto kay Daniel. Alam mo ba kaya ko pinakita sayo yun dahil inexpect ko na mapapalapit ako kay Daniel at matutulungan mo ko" inis nyang banggit
"Akala mo lang yon! Simula palang sa akin na si Daniel gusto ko na sya Sherry, mga bata palang kami"
"Kaya nga lalo akong naiinis sayo kasi si hamak na mas okay ako sayo pero bakit sa katulad mo pang nerd close si Daniel?"
"Mamamatay ka sa inggit! You cut your ties with me? Then fine! Di ko kawalan" matapang kong sabi
Sa sobrang inis ni Sherry ambang sasampalin nya sana ako nang~~
"Sige, sampalin mo sya at irereport kita ng bullying sa guidance" singit ni Arkin, oo tama kayo nandoon pala si Arkin sa garden bench nagpapahinga ata dahil nakajersey pa ito
"What?! Kainis!" lang ang nasabi ni Sherry sabay walkout
"Sa susunod sana wag ka na mangielam hindi naman ako papasampal sa babaeng yon" mataray kong turan
"Grabe pala talaga si Salvador iba kamandag" matawa-tawang sabi ni Arkin
"Pwede ba? Wag mong pagsalitaan si Daniel nang ganyan kasi di ka naman namin close"
"May sinabi ba ko? Sige aalis na ko istorbo kasi kayo nung babaeng nagwalkout sa pagpapahinga ko" sabi nya sabay talikod at kaway sakin patalikod
Abnormal naging crush ko pa naman yun. Parang nagsisisi tuloy ako.
Dumiretso nalang ako ng gym para manood nang practice game nila dahil mahaba pa nga ang vacant namin.
Nasa third quarter na ang laro. Nakita ko naman sa tapat ng bleachers sa kabilang parte si Arkin na biglang nagsmirk sakin na agad ko namang tinarayan. Abno
Nagulat naman ako nang biglang may tumampal sa noo ko hindi naman ganon kalakasan.
"Hey stop looking on him" si Daniel pala
"Im not! Inis nga ko dyan pakielamero" inis kong salita
"Care to share?"
"Pano kasi kanina nakipag-usap sa akin si Sherry and she wanted to end our friendship since you're courting me"
"Then?"
"He showed up when I'm about to get slap by Sherry and feeling nya hero ko sya! As if naman papasampal ako dun"
"I know it. May hidden agenda talaga yung babaeng yun alam mo bang sya ang former head ng fansclub ko? During those times na aral na aral ka nabuo yun" mahabang salita ni Daniel
"Really? Grabe pala talaga yung babaeng yun" sabi ko pertaining to Sherry
"But Ara, stop giving attention to Sherry and also to Arkin because I get jealous naaalala ko kasi yung sinabi mong crush mo si Arkin dati"
"Ang OA mo ano ngayon kung crush ko sya? Eh ikaw naman ang like ko at potential love ko ayiiiieeee" out of nowhere na banat ko sabay tusok ng tagiliran nya namula naman siya.
"You're getting more corny than me" pambawi nya naman.
••••••••••••••••••♪•••••¥¥¥••••••♪••••••••••••••••••• to be continued.....
Mej lame ata ud pasensya kung bigla lang akong nagbabago ng style nang paglapag ng POV ah pano kasi tagal ko na tong sinimulan kaya nagiiba nang kaunti ways ko on writing/typing hahahaha enjoy.
Sorry sa wrong grammars ket yung sa tagalog. Willing naman po ako tumanggap nang knowledge nyo sa grammars basta po sabihan nyo ko in a nice way thank youuuu 😘
-shugarmaine
BINABASA MO ANG
Let KARMA Do The Rest
Non-Fiction"Bestfriends forever?" a little girl said then making a pinky promise "Bestfriends forever!" the boy exclaimed enthusiastically and grab the girl's pinky using his pinky. That day they made there promises. Not until that dark day came. She was bul...