Chapter One

13 2 4
                                    

"Charms, punta na tayo sa canteen." sabi ni Gayle.

"Mamaya na. Kita mong nagsusulat pa ako dito oh."

"Eh, mamaya na kasi yan!" 

"Anong mamaya? Baka mapagalitan ako ni Ma'am Cruz nito no!" 

"Charms naman eh!" 

Nakakainis talaga tong bestfriend ko. Pasalamat siya hindi ko siya matiis. May pa-pout pout pa siyang nalalaman kala mo naman maganda, mukha namang pato. Dejoke, cute kaya siya tingnan. Hahahaha!

"Argh! Fine, fine." sabi ko at tumayo.

"Yeeey! Sabi ko na nga ba di mo ako matitiis eh."

I glared at her. 

"He-he, peace!" 

 Niligpit ko na ang mga gamit ko at naglakad na kami papunta sa canteen. Shet, ang daming tao sa hallway.

Ako nga pala si Charm Astrid Smith, half American and half Filipino. My dad is an American and my mom is a Filipina. Dun ako pinanganak sa States, dun din ako lumaki pero pumunta rin kami dito sa Philippines nung 7 pa ako. I'm 15 years ol- wait, I mean young. Yes, I'm 15 years young. 3rd year high school pa lang ako sa M.Swift Academy.

Maraming nagsasabing maganda 'DAW' ako. Haha, ofcourse, lahat naman tayo maganda, kailangan lang talaga natin i-appreciate ang beauty na 'yun. Sabi din nila matalino ako, pfft, hindi naman ako pala-aral eh. Ang katamaran ko kasi ay always and forever, to infinity and beyond, to the moon and back at to the sun and front. Dejoke, haha.

After 7348140134 minutes, nakarating na rin kami sa canteen. As usual, maraming tao kasi nga breaktime.

"Ang taas ng pila, bwiset." sabi ni Gayle. Nagdabog pa talaga ang bruha. Hahahaha. Nagmumukha tuloy siyang witch. Pasalamat siya maganda siya kaya hindi siya nagmukhang EVIL WITCH. Hahaha, nagmukha lang siyang SUPER DUPER EVIL WITCH. Joke! Hahaha.

"Huy Charms!"

"Ano?!"

"Ay galit? Meron ka yata ngayon eh."

"Talagang meron, kausap mo nga ako eh, stupid!"

"Pssh, whatever Charms. Ano nga kasi ang gusto mong kainin?"

"Uy, himala ka yata. Manlilibre ka?" sabi ko at ngumiti para maasar siya.

"Hindi. Libre daw ni Xavier." sagot niya. Talaga naman, alam niya talaga kung paano ako inisin.

"Ginagago mo ba ako?"

"Hindi. Ginagaga kita, babae ka tapos gago? Tanga! Dapat gaga!"

Aba naman, naiinis na ako ha. Umuusok na ang ilong at tenga ko. Nahalata naman niya kaya naman tumigil na siya sa pang-aasar.

"Ano na, tatayo nalang  ba tayo dito forever? Mag-order ka na dun, bilis!" sabi ko at tinulak ko siya para naman makapila na siya.

"Ano nga kasi ang gusto mo? Hay nako, Lola Charms, anong gusto mong kainin?" Lola?! What the hell?

"Kahit ano basta edible. Duh?" sabi ko sabay flip ng hair. Tumalikod na ako para maghanap ng mauupuan. 

Naka-ilang ikot na yata ako dito sa canteen pero wala pa rin akong makitang vacant na table. Bakit ba kasi hindi nalang nila bigyan ng tig-iisang table ang mga students dito para naman walang mahirapan. Pssh.

"Ayun!" sabi ko at tumakbo papunta sa isang table. Paalis na kasi ang mga nag-occupy dito kanina. Ang laki na ng ngiti ko abot tenga na talaga. Kulang nalang kumanta ako ng mga Christian song dito sa sobrang tuwa. Wohooo! Sa wakas makakaupo na rin ako, pudpod na ang takong ng sapatos ko eh. Tsk tsk. 

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na si Gayle na may dalang isang tray ng pagkain. Yummy! Nagwawala na ang mga alaga ko, wooosh!

"Hoy Gayle! Anong nakain mo at nanlibre ka ngayon?" tanong ko sa kanya habang kumakain ng fries.

"Bakit? Masama bang tumulong sa mga mahihirap? Hahahaha! Joke! Wala lang, feel ko kasing manlibre ngayon." sagot niya.

"Oh? Haha, sa pagkaka-alam ko kasi ay isa kang dakilang kuripot." 

"Pssh. Dami mong sinasabi eh, mag-thank you ka nalang sa akin, bilis!"

"Ayoko nga." sagot ko at dinilaan siya. Buti nga. Haha.

"Pssh, daming arte. Di na tayo friends!" sabi niya sabay cross ng arms.

"Edi hindi! Hmmp." pssh, ang arte, nakakainis!

Kumain nalang kami ng tahimik. Feel ko nga eh tinotoo niya yung sinbi niya eh. Haaay, bakit ba kasi ang OA ng isang to.

"Fine! Thank you sa libre ha! Oh ano okay na?" sabi ko. Tumingin naman siya sa akin at ipinakita ang napakalaki niyang ngiti.

"You're welcome Charms." sagot niya.

"Pssh. Whatever!"

Pinagpatuloy namin ang pagkain namin. Puro tawanan lang kami. Shine-share namin ang mga experience namin, wag ka! Embarrasing moments halos lahat eh kaya ayun, laughtrip!

"OMG Charms!"

"Oh ano na naman?" tanong ko. May nginuso naman siya sa likod ko kaya naman tumaas ang kilay ko.

"Argg, sabihin mo nalang kasi, putulin ko yang nguso mo eh." di naman siya natinag at patuloy pa rin sa pagnguso.

"Bwiset, sabihin mo na kasi, nakakatangna yang ginagawa mong pagnguso." Nagti-twinkle ang mga mata niya. Parang nakakita ng gold bars. Eew, Hahaha.

Ayaw talaga niyang tumigil sa pagnguso kaya naman lumingon nalang ako.

"Fudge!" B-bakit siya nandito? Tangna!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon