Entry #7: Monsoon Rains

228 13 25
                                    

A/N: Natagalan pero.. dedicated toh sa birthday bebes and loveteam na sina Noru-kun at Gabby!!! ayieee.. October 15-16 po ang kani-kanilang mga bardey.. haha.. at eto ang bardey gip ko sa kanila.

Gab... wag kang magagalit kay Ate sa mga mababasa mo dito ha.. hehehe (_ _") dito mo malalaman lahat ng mga pinaggagagawa ko.. hahaha.

Noru... wala kasing chat transcript dito eh.. kaya yung mga naalala ko lang na pinag-usapan natin ang nalagay ko dito ^_^v

======================================================

"Talaga naman sabay-sabay kayong papasok?" bati ko kila Maui, Erin at Ash na paalis papunta sa kani-kanilang mga trabaho.

"Ganun talaga 'My," panimula ni Erin. "Kami-kami lang magkaka-age range dito eh, kaya magkakadikit na mga bituka namin."

Nag-pout ako. "Ka-age ko rin naman kayo ah."

Tumawa sila. "Di na kami kokontra, momma," impit na sagot ni Ash at inirapan ko lang sya.

"Magdala kayo ng payong ha. May bagyo ngayon. Madaling magkasakit," paalala ko.

Iwinasisiwas ni Maui ang foldable umbrella nya. "Oo naman, Mare. Girl scout kami, laging handa."

At binasbasan ko na sila nang di ma-late sa mga pasok. Nakakatamad kapag maulan, ang sarap matulog, lalo na kung nakatengga lang sa dorm. Wala rin masyadong tao dito kasi sunud-sunod ang pagsuspindi sa mga classes kaya pinauwi muna ng mga parents sa kani-kanilang probinsya at bahay ang karamihan sa mga bata. Ibig sabihin, wala rin ako masyadong ginagawa dahil wala namang nakikipag-usap sa akin.

Ewan ko ba kung bakit ang daldal ko. Hindi yata ako mabubuhay ng walang kausap either harap-harapan, through text or through chat. Feeling ko, mapapanis ang laway ko o di kaya'y mababaliw. Basta gustung-gusto kong nakikinig sa mga tao kasi marami akong nalalaman at natututunan. Dun ko kasi madalas nakukuha yung mga sinusulat ko, hahahaha.

Kaya naman, nag-online na lang ako at parang adik na fangirl lang, dun na ako dumiretso sa BonemanSons Message Board.

As usual, mahaba-haba ang pag-backread ko. Medyo nagkaroon pala ng kaunting hidwaan si Noru at Jed nung makabalik yung isa galing Baguio. Grounded din si Mia kaya hindi nakakabisita sa dorm lately. Kaya pala di dito umuuwi si Minoru. Ganun ba ka-big deal ang pagde-date nung dalawa? Mala-Romeo and Juliet ang peg?

"Ate!" bati ni Chevs na nag-order ng sandwich.

"Oy, hello," nakangiting balik ko sa kanya. "Buti hindi ka pa pinapauwi sa inyo? Isang linggong suspended ang classes  ah."

"Susunduin ako mamaya, 'teh."

"Ahhh, ok." Ka-sad naman, ang tahimik ng dorm. "Kamusta pala kayo ni Ojiisan mo? Alam mo namang hindi sya dito umuuwi ngayon noh?"

"Ah, oo Ate. Dun yata sya sa pinsan nya nags-stay eh. Tsaka, wala na yun. May Ayoshi Fyumi na sya eh, hahaha."

Ayoshi Fyumi? Sino yun? Hapon din ba? O username lang sa wattpad?

Hindi ko sinasabi pero, magaling akong mag-stalk. Siguro kung may 'Who viewed your profile' na application sa Wattpad, bibinggo ako, hahaha. Hinanap ko kung sino si Ayoshi Fyumi at tama nga ang hinala ko, wattpadder din sya. Common fans namin sina Mia, Janine at ang tatlong hilaw na banyaga, hahaha. At dahil, usi nga ako, hinalungkat ko na rin ang Message Board nya, at eto ang tumambad sakin:

A Watty Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon