Entry #4: The Serious BonemanSon

340 19 39
                                    

A/N: enepengebe.. Kuya Trez.. ikaw ang bida dito.. kaya sayo nakadedicate hahaha. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Matrabaho din pala ang magbasa sa wattpad, lalo na yung mga nagpapa-request na i-critique ang mga gawa nila. Naaasar din ako dahil sa sobrang ka-obsessive-compulsiveness ko, nagiging grammar nazi ako. As in, tina-type ko sa notepad yung mga suggestions and corrections ko per chapter, tapos ise-send ko sa author via Private Message. Madalas, dahil hanggang 2000 lang ang characters per PM, umaabot sa apat ang PM ko sa kanila sa sobrang extensive ng pag-critique ko, lalo na kung English ang story na pinapabasa sa akin.

Ganito yata talaga pag love na love mo ang English language. Kaya sorry naman sa mga nagpapabasa sa akin. Actually, gumawa pa nga ako ng Critique-ing thread, di lang bumenta kasi natakot yata sa mga rules ko, hahaha. Kaya ngayon, di ko na pinapansin kung may wrong grammar or wrong spelling sa story. Basta maganda yung takbo ng kwento, i-o-overlook ko yun. Except nalang kung first chapter pa lang, dumugo na ang utak ko dahil bukod sa tadtad na ng errors ang pagkakasulat, wala pang sense ang kwento.

Kaya matipid din akong magbigay ng votes. Dapat gustong-gusto ko yung story  and/or maganda ang pagkakasulat para mag-vote ako. Ayoko kasing magbigay nun dahil napilitan lang o kaya sinabihan akong iboto ang gawa nila. I don't please people. Kelangang deserving ang gawa mo para makuha ang vote ko.

Bakit? Kasi kung meron mang akong forte sa mga pinag-aralan ko, English yun. Favorite subject ko yun kaya I make sure to follow the rules. And I graduated from the best university in the country with honors, Major in Speech Communication. Now, do you understand why I'm so strict?? Hahaha. Sabihin nyo nang mayabang ako pero nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ako nagmamagaling, lahat ng alam ko about the English language, dibdiban kong pinag-aralan. Ngayon kung may na-o-offend sa mga critiques ko, problema na nila yun. I'm just trying to help improve their works. Nasa kanila na yun kung masasaktan sila at di na ulit magsusulat, or gagamitin nila yung suggestions ko para mag-improve. Kung si JK Rowling nga, eleven times na-turn down bago na-publish ang Harry Potter series nya, bakit ka mada-down kung dito pa lang sa wattpad, di mo matanggap kung maraming mali ang gawa mo? Edi sana, di ka nalang nagpa-critique kung di mo kayang tumanggap ng constructive criticisms.

Okay, alam kong nagra-rant na naman ako. Kaya magpapalamig lang ako ng ulo. Napadaan na naman ako sa Bonemansons Message Board. At nagulantang ako dahil parang chat box na ang MB nila! Nahiya naman ako sa kuya ni Jed kaya gumawa na ako ng discussion thread at nagpost na lang ako ng apology.

Hunnydew: @BonemanSons     TO Mr. Trezdon... Your brother and bestfriend and the rest of us would like to deeply apologize for what we have done to your message board. T^T Pramis, nadala lang po kami sa tuwa.. wag po kayong magalit sa amin. Nakagawa na po kami ng discussion thread at nakalipat na dun. Di na po mauulit ang pangyayaring ito. T^T wag nyo po sasaktan si Noru at Jed.. chos.. Seriously, we do apologize for this mess.. hehe. Hope you could join us in the thread we built :D

Medyo matagal na nakapagreply si Mr. Trezdon. At hindi ko rin sya masyadong nakikita sa dorm. Dito ba talaga nakatira yun? Busy siguro sa school. Siguro graduating yun since 19yo lang. Malamang lang na nagte-thesis yun.

A Watty Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon