Prologue

3.4K 81 10
                                    

Nakatambay ang buong barkada nila sa bahay nila Patrick. Niyaya sila nito dahil may sasabihin daw sila ni Arisse sa kanila.

"Guys, nagpplan kami ni Arisse na mag-cruise. What do you think?" Sabi ni Patrick sa kanila nang makita nitong kumportable na ang mga kaibigan na nakatambay sa sala.

"Para saan?" Tanong ni Marco sabay akbay kay Tippy.

"Gusto kasi naming ispend itong free time namin para mag-relax malayo dito." Paliwanag ni Arisse.

"So, bakit nyo to sinasabi sa amin?" Tanong naman ni Tippy habang nagsisimula silang sumayaw ni Marco kasabay ng tugtog sa mula sa music player nila Patrick.

"Ano ba kayong dalawa! Hindi bar ang bahay ko. Hindi ba kayo nauubusan ng energy? Lagi na lang kayong malikot." Sita sa kanila ni Patrick.

"Inggit ka lang kasi parehong kaliwa ang paa mo." Sagot naman ni Marco.

"Gusto mong palayasin kita?" Inis na sabi ni Patrick.

Pinagtawanan ng mga kasama nila ang sagutan ng dalawa. Bago pa magalit ng tuluyan si Patrick ay sinagot ni Arisse ang tanong ni Tippy.

"We're telling you this kasi gusto sana naming sumama kayo. Diba masaya yun? First time nating mag-ttravel together!"

"Ano ba yang naiisip nyo. Isasama nyo pa kami. Istorbo lang kami sa honeymoon nyo!" Inis na reklamo ni Daniel.

"Anong problema mo ba? Ang laki laki naman ng ship na yun. Kung ayaw kitang makita, pwede kang pumunta sa ibang part ng ship." Sagot agad ni Patrick.

"Kung okay lang sa inyo, okay lang sa kin. Sama kami ni Tippy." Pagpayag ni Marco. Sumang-ayon din namana ng nobya nya sa desisyong iyon.

"Ikaw, DJ. Sasama ka diba?" tanong sa kanya ni Marco.

"Two weeks yung cruise na yun no? Ang tagal. Parang hindi ako pwedeng mawala sa opisina ng ganun katagal."

"C'mon Danilo! Tatanda ka agad kapag trabaho ka ng trabaho!" Reklamo na naman ni Patrick.

"Wag mo nga akong tawaging Danilo. Sige na, oo na. Kakausapin ko si Papa kung pwedeng sya muna ang bahala sa kumpanya para makapagbakasyon ako."

"Yehey! Tatawagan ko na lang si Igi Boy at yung bestfriend kong si Kathryn para complete na tayo!" Excited na sigaw ni Arisse.

Agad nitong tinawagan si Igi Boy at kinausap. Pumayag din naman itong sumama sa kanila at nagsabi rin na malapit na ito sa bahay nila Patrick. Pagkatapos ay tinawagan niya si Kathryn.

Nagsimulang magring ang telepono ni Kathryn. Pinindot ni Arisse ang speakerphone para marinig nilang lahat ang boses nito. Matagal na rin nyang di nakakausap ang bestfriend nya. Halos parte na rin ito ng barkadahan nila, yun nga lang ay nagpunta ito sa ibang bansa kasama ang pamilya ilang taon na ang nakalipas kaya't hindi ito ganoon kaclose sa kanila.

Lahat sila ay normal lamang habang naghihintay na sagutin ng dalaga ang telepono. Or at least halos lahat sila, di lang sigurado kay Daniel. Pakiramdam ng binata ay kinakabahan sya at pinagpapawisan ang kamay nya. Bumilis ang tibok ng puso nya nang may sumagot sa tawag.

"Ciao! Ciò è parlare di Kathryn. Posso conoscere chi è prego nella linea? (Hello, this is Kathryn speaking. May I know who is in the line please?)" Bati ni Kathryn sa kabilang linya.

Natigilan ang lahat. Wala silang naintindihan sa sinabi nito. Pero may biglang nagsalita.

"Signorina Kathryn di buona sera. Il vostro italiano suona buon. (Good evening, Ms. Kathryn. Your Italian sounds good)"

No ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon