Chapter 2

1.8K 111 16
                                    

Nagikot sina Daniel at Kathryn sa mga sikat na pasyalan sa Venice kasama ng mga ibang tourists na gina-guide ni Kathryn. Na-amaze si Daniel sa galing ni Kathryn na magsalita ng Italian na para bang ito ang kanyang native language. Halos hindi nga mawala ang tingin nya sa dalaga dahil napakaganda nito sa kanyang paningin. Simple lang naman ang suot ni Kathryn, isang black na knee length pleated skirt at isang pulang knitted na blouse. Naka-black stockings din ito at saka may suot na trench coat. Halos apat na oras din silang nagtour kaya't halos alas-siyete na sila ng gabi natapos.

Agad na naupo ang dalawa sa unang bench na nakita nila. Masakit na ang paa ni Kathryn sa kakalakad, lalo pa at ang suot nyang sapatos ay ang kanyang black stilettos na 3 inches ang taas ng takong. Dahan dahan nyang minasahe ang paa nya at iniinda ang sakit. Di nya alintanang pinagmamasdan pala sya ni Daniel. Nakikita ng binata na nag-mature na ito. Nakikita nya rin ang pagod na mga mata ng dalaga pero lagi pa rin itong nakangiti. Nararamdaman din nya ang stress na pinagdadaanan nito pero imbes na maawa sa dalaga ay lalo nya lang itong hinangaan. Wala na ang iyakin at weak na Kathryn na kilala nya noon. Ang Kathryn sa harapan nya ay isa nang babaeng tough at strong-willed.

Nagulat si Kathryn nang maramdaman nyang minamasahe ni Daniel ang balikat nya pero agad din syang nakabawi sa pagkagulat lalo na at nakaramdam sya ng ginhawa nang mapawi ng binata ang tension sa mga muscles nya.

"Thanks. I really needed that." Pasalamat nya kay Daniel pagkatapos sya nitong masahihin.

"Wala yun. Nakita ko kasing pagod ka kaya nagkusa na ko." At buti na lang I took the chance. Gusto sanang sabihin ni Daniel. "Gusto mo bang mag-dinner?"

"Sige, nagugutom na rin ako eh. Meron akong alam na kainan na malapit dito na nagseserve ng masarap na pasta." Pagpayag ni Kathryn. Tumayo si Daniel at inilahad ang kamay sa dalaga. Tinanggap naman iyon ni Kathryn at naglakad na sila papunta sa restaurant.

__________

"Ang sarap nun!" Masayang sambit ni Daniel pagkatapos nilang kumain.

"Anong oras na? Nakalimutan ko kasi sa bahay yung relo ko." Tanong ni Kathryn habang inuubos ang biniling kape.

"Malapit na mag-8pm. Shit! Nakalimutan ko. Baka hinahanap na nila tayo!" Biglang narealize ni Daniel. Nilabas nya ang kanyang phone. Pinatay nya kasi iyon kanina nang nagpunta sya sa museum.

Ganun din ang ginawa ni Kathryn. Nawala sa isip nya na dapat ay makikipagkita sya sa barkada ng alas-otso sa port. Agad nyang tinawagan si Arisse at medyo nilayo sa tenga nya ang cellphone nya habang hinihintay nya itong sumagot.

"Anong ginagawa mo? Bakit ang layo ng phone mo sa tenga mo?" Nagtatakang tanong ni Daniel.

"Maghintay ka lang." Natatawang sagot ni Kathryn at biglang nakarinig sila ng sigaw galing sa cellphone niya.

"KATHRRRRRRRRRYYYYYYYYYYYYYYN!!!"

"Kita mo na?" Humahagikhik na sabi ni Kathryn habang tinuturo ang phone nya.

Halos hindi naman makahinga si Daniel sa kakatawa dahil sa nangyari. Samantalang alam na ni Kathryn na masisigawan sya ni Arisse dahil sa nangyari kaya't naghanda talaga sya.

Matapos kausapin at magpaliwanag ni Kathryn kay Arisse, agad namang binayaran ni Daniel ang bill nila kahit pa nakipag-agawan sa kanya ang dalaga. Nagtungo naman sila sa apartment ni Kathryn pagkatapos dahil hindi pa pala ito nakakapag-impake.

Maliit lang ang apartment ng dalaga pero malinis naman ito. Sapat na ang laki nito para sa isa hanggang dalawang tao. Merong kitchen, dining area, at sala sa unang palapag. May spiral staircase din para makaakyat sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang isang malaking kwarto na may sarili ring banyo.

No ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon