Nakarating na rin sina Daniel at Kathryn sa port. Bitbit ng binata ang mga bagahe ni Kathryn. Nakaabang naman ang mga kaibigan nila sa deck ng barko kaya agad nilang nakita ang dalawa.
“KATH!” Sigaw nilang lahat mula sa deck at kumakaway kaway pa. Mukha silang mga bata sa ginagawa nila at may mga ngiti ang mga ito na para bang sinasabing ‘meron bang nangyaring di naming alam?’
“DJJJJJJJJJJJ!”
Nagulat ang lahat sa isang galit na boses. Napatingala din sina Kathryn at Daniel at tila naguguluhan.
Nang lumingon ang mga kaibigan nila ay nakita nila ang isang galit na galit Arisse.
“Arisse!” Masayang sigaw ni Kathryn para batiin ang best friend nya.
Pero imbes na sagutin sya nito ay sumigaw lang ito pabalik. “Bilisan nyo na at umakyat na kayo dito. Hihintayin ko kayo sa dining hal!” At agad din itong tumalikod kaya’t naiwan ang mga kabarkada nitong nakanganga samantalang sina Daniel at Kathryn naman ay nagmamadaling umakyat ng barko.
Nasa dining hall si Arisse at nakaupo ng makarating doona ng buong barkada. Inilagay lamang nina Kathryn at Daniel ang mga gamit na dala sa isang sulok at lumapit dito.
“Arisse, galit ka ba sa kin?” Dahan dahang naglalakad si Kathryn papalapit sa kaibigan. Hinawakan nya ito sa balikat.
Lumingon si Arisse at tiningnan ng masama si Daniel na kasalukuyang nasa likod lamang ni Kathryn. Tumayo sya at lumapit sa binata. Nagulat ang lahat ng bigla nya itong suntukin sa balikat.
“Aray ko! Arisse! Ano na inaano na naman kita?” Reklamo ni Daniel.
Ang ibang kaibigan nila ay mas piniling manahimik at panoorin na lang ang nangyayari. Imbes na kabahan sa mga ginagawa ni Arisse ay natatawa pa sila sa nangyayayari. Masaya rin si Patrick dahil hindi sya ang sinisisi ng girlfriend sa kasalanan ni Daniel.
“What? Ikaw pa talaga ang nagtatanong kung anong ginawa mo? Buong araw kong hinahanap si Kath at makikita ko syang kasama mo? You! Of all people! Anong ginawa mo sa kanya?” Tinutusok tusok pa ni Arisse si Daniel sa dibdib.
Nakikita ni Kathryn na talagang inis na inis ang bestfriend nya kay Daniel kaya’t napagpasyahan nyang awatin na ito bago pa nito tuluyang masaktan ang binata. Pumagitna sya sa dalawa at hirangan nya si Daniel para di na ito masaktan ng kaibigan.
“Arisse, ako muna pakinggan mo.” Awat ni Kathryn.
Dahil wala ng nagawa si Arisse ay tinigilan na nya ang pagsugod kay Daniel at naupo uli.
“Dito ka na muna. Ako na ang bahala sa kanya.” Bulong ni Kathryn kay Daniel sabay kindat at ngiti.
Naupo si Kathryn sa tabi ni Arisse at nagsimulang magpaliwanag sa mga nangyari simula ng aksidenteng pagkikita nila ng binata hanggang pagdidinner nila at pagpunta sa apartment nya. Habang ginagawa ni Kathryn iyon ay nanatili sa pwestong pinagiwanan sa kanya si Daniel. Hindi dahil sa galit ni Arisse pero dahil sa ginawa ni Kathryn.
BINABASA MO ANG
No Control
General FictionWaking up beside you I’m a loaded gun I can’t contain this anymore I’m all yours I’ve got no control No control Powerless And I just don’t care it’s obvious I just can’t get enough of you The battle’s now my eyes are closed No control