Does Truelove Exist

70 1 0
                                    

Kaye's POV

"WHAAAAAAATTTT?????" gulat na gulat kong sabi nang marinig ko ang balita tungkol sa hubby kong si Michael Jung!!! Na pupunta daw ng ibang bansa dahil sa isang project.

"Oo nga!!! Kanina ko pa sinasabi to.. Paulit ulit ka sa kaka what-what mo.. What whatin ko yang mukha mo eh!! Anyways ayun na nga ang gagawin lang naman ni Michael ay to prove if truelove exist.. Yeah, the hottest dude in Asia will prove if truelove exist.. So romantic right? ^___^ di na dinetalye kung pano niya gagawin basta that's the challenge.. Naeexcite ako, napakaswerti naman ng babaeng yun pag nagkataong sya ang magpoprove sa beybe mo kung nageexist talaga ang tunay na pag-ibig.. Basta for me my truelove is Jayden ^__^" salaysay ni Hanah sa gagawin ng beybe ko.. Huhuhu sana ako nalang yun.. Grabe kung ako yun i will spend all the time with him, share all the happiness *coke lang?!* hahaha.. Pero there's one thing na di ko pinaniniwalaan.

"Chee.. Kung ako yun swerti talaga pag iba yun malas ko T_T .. Tsaka kung makinang yang mata mo parang napatunayan mo na talaga na nageexist yang so-called "Truelove" na yan ah?? E, wala pa nga si Jayden na magpapatunay sayo nyan.. Pag dumating sya at napatunayan mo sakin na totoo yan tsaka na ako maniniwala. Kasi alam mo namang di talaga ako naniniwala sa tunay na pag-ibig chuchu na yan!! Maliban nalang kung ako ang magpapatunay kay Michael na totoo yan.. Hahahaha" pangarap ko.. Hahaha love na love ko talaga si Michael i will spend the rest of my life with him and only him.. Hahahaha

"Oh sureness Kaye Lee Mendoza, i'll prove to you that truelove exist papatunayan namin ni Jayden yun *_*" yan nanaman yung kinang ng mata niya pag love-love na ang pag uusapan.. Pano niya kaya papatunayan yun eh di nga sya maalala ng taong mahal niya eh.. Sus di talaga totoo yan.. Michael Jung beybs!!! patunayan mo nga sakin *_*.... Yah! Takte.. nagaya na ako kay Hanah..

"Sus Kaye, maniwala ako sayo noh?! If I know naniniwala karin jan sa Truelove na yan! You're just playing safe para di masaktan. Or kung hindi kaman talaga naniniwala siguro B-i-t-t-e-r kalang kasi baka iba ang magpapatunay sa Michael Jung mo ng Truelove thingy na yan samantalang ikaw masa stock sa 2 weeks stalker mo na katokayo niya. hahahahahah" natatawang sabi pa niya! Baliw talaga 'to pinaalala pa sakin ang stalker kong yun.. Transfer student siya sa Univ namin at blockmate sya nila Hanah, Ria and Christine. Iba kasi course ko at ni NIckie sa kanila we're taking HRM ^_^. Anyway, back to that geeky-slash-mukhangAcne na lalaking yun nakakainis sya, kasi para syang asong sunod ng sunod sakin araw-araw, bibigyan niya ako ng bulaklak na may ugat pa!!! Putek! anong gagawin ko don???? Itatanim? Marami kaming bulaklak sa bahay di ko na kailangan ng bulaklak na galing sa kanya!! Saksak niya nalang yun sa baga niya.. At isa pa magbigay daw ba ng chocolate?! Tunaw.. Nakakainis talaga sya.. >_<

I'm really pissed of him. Di sa nagmamaganda ako ah? Inaamin ko naman na di ako ganoon ka ganda at nagpapasalamat din ako na kahit papano may naka appreciate pala sa mukha ko!!!! Pero parang awa naman!! Bat ganun naman yung mukha? Mukhang Blackhead na tinuboan ng Head!!!! -__-

At ang Frifoli naman tuwang tuwa pag nakikitang anjan na sya at aasarin ako sa kanya!! Ang sama ko ba? Mapanglait ba?? Ganun naman talaga mukha niya eh.. nagsasabi lang ako ng totoo.. At ang lupet lang huh??? Magkakaroon din naman ako ng stalker, kapangalan pa talaga ng beybe ko?? As in buong pangalan?? Wow napakswerti niya magkaroon ng ganung pangalan! Malas niya lang sa mukha niya... hahaha ang sama ko .. Sorry i can't help it

"Hoy Kaye!!!!! Kunot noo ka nanamang nakatulala jan! Haha Tara magmall!!" aya ni Hanah, actually andito kami sa bahay ngayon pagkatapos kasi ng pictorial ay napagpasyahan naming dalawa na dito nalang muna kami. Bonding narin, masyadong busy kasi sa school eh, 2nd year na kasi.

"Sige, prepare lang ako." sabi ko sabay kuha ng damit sa walk in closet ko at nagpalit na sa banyo

Maya-maya umalis narin kami gamit ang black mini cooper ni Hanah.. Whaaa gusto ko rin nito Mommy, Daddy!!!! Ang swerti talaga nitong bruhang to! Iba na talga pag nagiisang anak. Ako kasi may kuya pa eh!!! Whaaa pero loves ko kuya ko noh? Partners in crime kami non eh! hahaha.. 

Does Truelove Exist(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon