BEST CHRISTMAS GIFT

0 0 0
                                    

BEST CHRISTMAS GIFT

"Sandy, your going to be late!" Sigaw sakin ni mama.

"Mama, sinabi ko naman po sa inyo na Christmas party namin ngayon diba? At saka 8 pa mag-sa-start ang Christmas party namin." Sabi ko kay mama. Makakalimutin kasi ito minsan.

"Ay ganun ba. Oh sige sabihin mo nalang sakin kapag aalis kana." Sabi sakin ni mama saka umalis. Ako naman ay nag cellphone muna habang hinihintay na mag-alas-otso.

Habang nagcecellphone ako, nag-open muna ako ng FB account ko. Nakita kong nag-cha-chat ang iba kong mga kaklase at isa na dun si crush hehehe.

'Uy guys, sinong nabunot niyo? Akin kasi si "Iloveyou".' Chat ni Gwynne.

'Aking nabunot ay si "ML addict" girl.' Reply ni Freya.

'Si ano akin, si "Chingchong".' Sabat ni Shey.

'Akin si "Cutiiieee".' Sunod na chat ni Chester.

'Codename ng nabunot ko ay "Marupokpok".' Chat din ni Justin.

Hala, diba hindi pwedeng sabihin sa kahit kanino kung sino ang nabunot namin. Mga sinungaling sila. Sabi ko sa isip-isip ko lang. Pati barkada ni crush nakikisali rin. Sino kaya ang nabunot niya? Swerte naman siguro nun.

Habang abala sa pag-iisip kung sino ang nabunot ni crush, biglang may nagpop na message. At sa group chat namin yun. Agad kong tinignan at nakita kong si crush ang nagchat.

'Nabunot ko si "Kapalngmukha".' Chat ni crush.

Bakit pamilyar sa akin ang kapal ng mukha na yan? Parang codename ko yan eh. Sheett wag mong sabihin na ako ang nabunot ni crush. Oh my gosh!

"Wahhhhhhh!!!!!!" Bigla kong sigaw at tumitili pa. Napatigil lang ako ng biglang bumukas ang pintuan ko at pumasok si mama.

"Bakit ka sumisigaw'ng bata ka?!" Galitna tanong ni mama.

"Wala po mama, aalis na po ako." Paalam ko sakanya sabay halik sa pisnge. Baka ano-anu pa ang sasabihin niya. At mag-aalas-otso na rin pala.

Dali-dali akong sumakay ng jeep at mabilis na nakapunta sa school. Mabilis akong naglakad papunta sa room. Excited na akong makita si crush.

And speaking of crush nandun siya nakaupo sa upuan malapit sa bintana. Ang guwapo talaga niya. Hindi ako magsasawang titigan siya. Kahit forever kong makikita ang muk-----

"Hoy!" Sigaw ni Gueen. Kaya gulat akong napabaling sa kaniya.

"Balak mo ba akong patayin, ha?!" Galit na singhal ko sakanya.

"Baka kasi matunaw siya sa kakatitig mo sakanya." Sabi niya sabay turo kay Jeter. Sheettt si crush este jeter pala, nakatingin dito sa amin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Okay guys! Mag-sa-start na tayo!" Sigaw ni pres kaya naglakad na kami sa gitna ng room at nagform ng malaking bilog.

"Gagawin natin ngayon ay ang pagbibigay ng regalo sa monita at monito niyo. I-describe niyo muna ang codename ng monita o monito niyo at huhulaan namin, okay?" Sabi ni vice-pres.

"Okay!" Sigaw naming lahat.

"And by the way dapat sa gitna niyo buksan ang regalong natanggap niyo."

"So ako muna ang mauuna." Representa ni Kaye at agad na nagtungo sa gitna dala ang kanyang regalo para sa kanyang monita o monito.

"Ang codename niya ay parang isip-bata." Pag-describe niya sa kanyang nabunot.

"It's babydamulag!" Sigaw naming lahat. Natawa lang si Kaye at pumunta sa gitna si Rem para kunin ang regalo niya kay Kaye. Binuksan ni Rem ang regalo ni Kaye para sakanya. It's pubg jacket. Sheett ang mahal kaya nun.

"Sana ol!" Sigaw nalang naming lahat.
Sunod na nag-describe ay si Rem.

"Siya ay mahilig sa sweet. Ang codename niya ay nasa kasabihang "kapag driver?"tanong ni Rem.

"Sweetlover!" Sigaw naming lahat. At pumunta sa gitna si Shey. Then so on and so forth hanggang si Mark na ang nakatayo sa gitna.Dinescribe niya ang kanyang nabunot.

"Ang codename niya ay sinabing pagmamay-ari siya ng isang babae."

Lahat kami ay walang alam sa taong may codename nito. Kaya lahat kami nagsabi na sabihin na niya kung sino ito.

"Sandy's property." Sabi ni Mark. Nagulat naman ako. Baka ibang Sandy lang ang binanggit niya. Marami namang Sandy dito eh.

Mas lalong nagulat ako ng biglang tumayo si crush este jeter. Agad siyang tumayo sa gitna.

Agad naman na naghiyawan ang mga kaklase ko. May sumisigaw pa ngang 'sana ol'.

"Siya ay walang hiya." Sabi ni Jeter. Walang hiya talaga, bwisit naman oh.

Agad akong tumayo at pumunta sa gitna at sa sinabing,

"Kapalngmukha." Sabi ko kaya napatango naman si Jeter at agad na bibinigay ang paper bag na hawak niya. Excited na akong buksan ang paper bag kaya naman pagkabigay niya ay agad ko itong binuksan.

Napakunot ang noo ko ng makita ang laman ng paper bag. Mga nilamukos na papel. What the heck?

Agad akong napatingin sa kanya at sabi niya halungkatin ko daw baka may makita ako.

Kaya sinunod ko siya. May naramdaman akong may box sa ilalim ng nilamukos na papel. Kinuha ko ito. It's color red. Agad ko itong binuksan at namangha ako sa nakita.

'Sana ol!'

'Akin nalang sana yan.'

'Nakaka-inggit.'

'Walang poreber.'

Yan lang naman ang komento ng mga kaklase ko. Tiningnan ko ulit ang nakalagay sa red box. It's a silver ring with heart shape Ruby stone above it. Ang cute tignan. Agad akong napabaling sa kay Jeter at nakita siyang nakaluhod ang isang paa sa harap ko. Kinuha niya Ang singsing at tinanong,

"Will you marry me?" Tanong niya.

Wahhh!! Totoo ba to? Oh my gosh! Si Jeter Gonzales ay nagpopropose sa akin. Gugunaw na ba ang mundo. Sheett.

"Ye---" sigaw ko pero naputol ng may marinig akong kalampag ng kaldero. Agad akong napabalikwas ng bangon.

Akala ko totoo na eh. Panaginip lang pala.

"Bumaba kana diyan. May naghahanap sa iyo sa baba." Sabi ni mama.

Agad akong bumangon at nag-ayos saka lumabas ng kwarto. May nakita akong lalaking nakaupo sa sofa. Nang marinig niya Ang yapak ko ay agad siyang tumingin sa akin saka ngumiti.

'Wahh Mama, magpapakasal na ako sa lalaking to! Hindi ko na papalampasin pa ang regalong biyaya ng diyos. Thank you Lord sa regalo. This is the best Christmas gift ever.'

"Hoy Sandy!" Sigaw sakin ni mama Kaya napabaling ako sakanya.

"Batiin mo naman ang kapatid mo. Alam kong miss na miss mo na siya." Sabi ni mama.

"Kapatid?" Tanong ko. Agad akong binatukan ni Jeter.

"Nawala lang ako ng ilang taon nakalimutan mona na kapatid mo ako." Sabi ni Jeter este kuya.

"Hehehe." Napakamot nalang ako sa batok ko.

Oo nga pala, Kuya ko si Jeter.

Wahhhhhhh!!!!! Malas naman oh!!!

~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~•~~~
Perst ever one-shot story. Hope you like it.

Gueen pronounced as 'Gwen'

One-shot fiction storiesWhere stories live. Discover now