VALENTINE'S DAY
"SANA OL MAY KA-DATE NGAYON!" sigaw ko sa classroom. Valentine's day kasi ngayon. At halos lahat ng mga kaklase ko ay inaaya ng mga jowa nila. Oh diba? Sana ol may jowa.
"Manahimik ka riyan, Ashley. Ang ingay-ingay mo!" Sigaw sakin ni Nikki.
"Eh ano bang pakialam mo kung nag-iingay ako dito?" Mataray na tanong ko sakanya habang nakapameywang.
"Ayan ka na naman sa pagiging mataray mo, Ashley." Sabi ni Gelai habang napapa-iling iling pa.
Paki ba nila kung nag-iingay ako dito. Hindi ko naman sila inaabuso diyan. Mga panira.
"Hoy Ashley, may naghahanap sayo dito!" Sigaw ni Mhelle.
"Sino?!" Pabalik na sigaw ko sakanya. Sa tingin mo hahayaan kitang sigawan ako? No way in hell. Papatulan kitang impakta ka. Charrot lang.
"Malay ko. Ikaw nalang magtanong ng pangalan niya." Sagot niya tapos umalis na. Kaya agad akong pumunta sa pintuan.
May nakatayong lalaking napakagwapo. Ang tangkad niya mga sis. Mas matangkad pa kay Kim Mingyu ng Seventeen. Agad napabaling sa akin ang lalaki.
"Ikaw ba si Ashley Monteverde?" Tanong niya.
"Oo. Anong kailangan mo sakin?" Balik na tanong ko sakanya. Nagulat ako ng abutan niya ako ng bulaklak at tsokolate. Manliligaw ba to?
"Para sakin to?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Para sakin yan, teh. Kita mo na nga na sayo binigay eh." Sambit ng bakla. Watdapak ang baklang to. Parang kabute. Sabunutan ko kaya to. Panira eh.
"Gaga, ikaw ba ang kinakausap ko? Siya ang kinakausap ko teh. Siya." Sabi ko sa bakla sabay turo sa lalaking nagbigay ng tsokolate sa akin.
Agad akong napabaling sa lalaki ng magsalita siya.
"Can you be my date for today?" Tanong niya sa akin. Hanep maka English mga sis. Dudugo ang ilong ko sa kanya.
"Sure" walang pag-aalinlangang sagot ko.
"Then I will see you after class." Sabi niya sa akin saka nagpaalam na aalis na kasi may pasok pa at baka malintikan siya kasi daw strict pa naman ng prof nila.
Pagkaalis niya ay agad din akong pumasok sa room. At ang mga usisero't usisera kong mga kaklase ay agad na nagsilapit sa akin. Lalong lalo na ang dalawa kong best friend.
"Sino yun, Ash?" Tanong sa akin ni Steph.
Shit! Nakalimutan ko palang itanong kung ano ang pangalan niya.
"Hindi ko alam."
"Gaga. Ganun ka na ba ka atat para makipag-date sa taong hindi mo kilala?" Sabi ni Gelai.
"Siguro nga atat na atat na ako. Gusto ko na kasing may ka-date. Ako nalang yung wala kasi kayong dalawa meron na." Sambit ko.
"Eh gaga ka pala, sis." Sabi ni Rica. Bwiset din tong bakla na to eh.
"Maka-gaga to feeling mo close tayo. Sabunutan kita diyan eh." Singhal ko sakanya. Isa nalang at papatayin ko na lahat ng mga bakla na makikita ko. Palaging panira eh.
"At saka guys, malalaman ko rin naman kung sino siya mamaya."
"Eh kung bad guy siya tapos kikidnapin ka niya. Anong gagawin mo? Hindi ka naman marunong ng salitang self defense kasi nga gaga ka." Sabi ni Steph. Minsan masasabi ko na hindi ko siya kaibigan. Nakakasakit din kasi ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Pero siyempre lakompake kahit mashaket ang mga salitang binitawan niya. Kasi kung ako mga masasakit na salita din ang lumalabas sa bibig ko. Siyempre mga gaga kami eh. Hahahaha
YOU ARE READING
One-shot fiction stories
Roman pour AdolescentsNaglalaman ito ng istoryang walang katotohanan at puro imagination lang.