Teaser

8 3 0
                                    

Yung akala kong napag tagumpayan ko na ang pagtakas pero hindi pa pala. Masusundan at masusundan pa rin pala ako ng mga walangyang talipandas na nakahilera ngayon sa harap namin.. Mga feeling model ang mga gago dahil kanya kanya sila ng pause.. Post, pose? basta!

"Baka naman gusto mo akong ipakilala dyan sa mga ASUNGOT na kanina pang sumusunod sa date natin?"

Kanya kanyang reaksyon ang mga talipandas sa pagtawag sa kanila ng ASUNGOT. Yung isang nakasando at boxer lang umarte pang mahihimatay... Napa O.A yata kaya malakas na kutos ang napala nya galing sa katabi nyang kapwa nya talipandas. Tuluyan ko na kaya ang isang ito?

" What asungot?" takang tanong ng isang gunggung na wala yatang alam sa mundo.

"Salamin ang sagot dyan" pabalang naman na sagot ng kasama ko...

Napakamot na lang ako sa batok.. Mukhang nag babadya na namang sumakit ang ulo ko sa mga talipandas nato...

"Ano bang ginagawa nyo dito?!" pagtataray ko sa kanilang lahat pero nag patay malisya lang sila. Sarap paliguan ng asido ang mga utak nila.... Teka nga, paano ko naman magagawa yun kung wala naman silang utak?

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Nakikipag date na naman?! Pang ilan na ang tampalasan na yan?!! Diba sabi ko sayo mag review ka?!" tanong sakin nung isa.. Sa kanilang lahat, sya ang pinakamalapit sa pari... Feel na feel lagi mag sermon eh.. Kahit saang lugar manenermom at manenermon yan.. Lakas ng tama eh walang patawad.

" Sino ka para sigawan sya?! ha?!" pag tatanggol sakin ng kasama ko. Pakiramdam nya yata sya si Batman.

"Eh ikaw? Sino ka para sigawan kami?! Ha?!"
Sabay na sigaw sa kanya ng kambal.. Sumakit tenga ko sa dalawang to.. Malakas na nga boses nila, pinagsabay pa. Feel ko manapak ng kambal ngayon...

"Why don't you ask her kung sino ako?" sarcastic na ganti ng kasama ko..

"Bakit sya pa? Hindi mo ba alam sariling pangalan mo? Ganyan ka ba katanga?" iiling iling na tanong nung isang talipandas habang nilalaro ang kanyang mahiwagang rubrics cube.
Ang gulo ng talipandas nato... Guguluhin yung rubrics cube tapos aayusin ulit.. Paulit ulit ang gago.

"Gago!" at napikon naman ang kasama ko

Bakit puro gago?

Akmang mag papalitan pa sila ng mga salita kaya pumagitna na ako sa kanila.

"Mag sitigil na nga kayo!" sigaw ko kaya nag mistulang tupa ang mga talipandas sa sobrang tahimik.

"S-sya si Declan.... B-boyfriend ko" kamot batok na sabi ko...
Yung kasama ko naman sobrang lawak ng ngiti na parang naipanalo ang gyerang sinalihan.

Sa halip na magpalitan ng kamay para mag handshake... Matatalim na titig ang binato nila sa kasama ko...

"I'm her boyfriend.... Kaya kung manggugulo kayo... Might as well mag back out na kayo... Di nyo makukuha ang girlfriend ko"  proud na proud na sabi ni Declan na may pag akbay pa sa balikat ko... Buti nalang hindi amoy new year ang purgatoryo nya.

"Matagal na namin syang nakuha... Ngayon, binabawi lang namin sya" sabi ng isang talipandas sabay tingin sakin

"Bakit hindi mo KAMI ipakilala sa BAGO mong boyfriend?" inis na sabi nya sakin...

Napairap na lang ako sa kanya.. Talagang ipinagdiinan nya ang salitang 'kami' at 'bago'... May gusto yatang iparating ang gago.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sila tiningnan isa isa..

" Ahmmm...D-declan.... Sya si K-keon" turo ko dun sa talipandas na huling nagsalita kanina... Nginisian nya lang ng nakakaloko ang kasama ko.

"Yung may hawak na rubrics cube, si Chrome.. Y-yung kambal naman sina Larkin at Asher...."

Lumunok muna ako ng laway.. Alam ko na sunod na mangyayari, hihiwalayan ako nitong si Declan pag nakilala nya na ang mga talipandas nato.

"Y-yung isa naman, si Zachary"

Si Zacharing matakaw sa homiliya.. Lagi na lang akong pinagalitan...

Sunod ko namang binaggit ay yung talipandas na walang pakialam kung pag tinginan sya sa suot nya... Hello???? Nasa MALL kami tapos suot nya sandong puti lang at boxer na polka-dots? ... Ako nahihiya sa talipandas nato eh... Ang malala pa dyan, may hawak pa syang toothbrush!! Mukhang nag madali ang gago sa pagsunod sakin kaya hindi na nagawang ibalik sa lagayan ang ginamit nyang toothbrush.

"Si Caden... At yung natutulog dun sa bleachers, s-si Yaell.."

Nakahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko para akong sumabak sa isang reporting na hindi ko alam kung paano ituturo sa mga walangya kong kaklase...

Tiningnan ko ang mga talipandas.. Lahat sila nakatingin sakin at parang may hinihintay.. Kahit ang Yaell na sarap na sarap kanina sa pagkakahiga sa bleachers ay masungit na nakatingin sakin.....

"Kaano ano mo sila?? Pinsan?" takang tanong sa sakin ng kasama ko..

"Pinsan? Really?" mukhang hindi makapaniwalang tanong ni Keon.. May pag iling iling pa ang gago.. Nakuha nya pang pumalakpak na parang hindi makapaniwala.... Sarap tadyakan ng braincells nya....   Ay wala pala ako matatadyakan.... Wala sya nun eh.

"Sabihin mo sa gunggung mong kasama kung sino kami" sabi ni Chrome habang nakatingin sakin..

Lumunok ulit ako ng laway...

"s-sila s-si.. Ahmm.... Keon, Zach, Chrome, Asher, Larkin, Yaell at Caden"

Kamot batok na sabi ko... Tiningnan ko ang mga talipandas na mukhang mga yawa.. Lahat sila pinaningkitan ako ng mata.. Feel nila maging hapon... Si Yaell lang ang bukod tanging nakataas ang kaliwang kilay sakin...

Napahinga ako ng malalim... Wala talagang takas sa ganito... Inhale... Exhale.... Ito naaaa.....

"G-guardian ko s-sila"

Kung kanina pinaniningkitan nila ako ng mata at pinagtataasan ng kilay... Ngayon naman naka ngiwi na sila sakin....

Tskkkk.. Paano bato?

"G-guardian?" mapang usisang tanong ni Declan...

Tiningan nya ang mga talipandas na nakahilera sa harapan namin...  

Ngayon ko lang napansin... Ang daming chismosa at chismosong nanonood samin... Dukutin ko mata nila eh tapos ipaluto ko ng bulalo kay Yaell. Tss.

"Kaano ano kayo ng Girlfriend ko?"
kunot noo nyang tanong sa mga talipandas na sya namang ikinangisi nila.... Sobrang saya ng mga gago dahil ito na yung pinaka inaabangan nila... Ang itanong ng kasama ko kung kaano ano ko sila..

Mukhang napre-predict ko na kung anong ganap bukas.... Pinagtri tripan ko nanaman ang mga makakasalubong kong couples sa daan dahil bitter ako.. Bitter dahil hihiwalayan nako ng boyfriend ko ngayon na apparently, kakasagot ko lang sa kanya last week....... Single na naman ako in 3......

2..........

Heto na... Nakangisi na ang antukin na si Yaell.....

..

2point----

Ano nga ba sunod sa 2?
2point5 ba o 2point0???

Walangya hindi ko alam... Ang alam ko lang single nako after mag salita ng batugan na si Yaell

"Kaano ano kami ng Girlfriend mo? Tang*na men, kami ang nag aalaga sa kanya at kami ang kasama nya sa bahay......... EX-BOYFRIEND nya kami.... May problema ba tayo dun?"

At tuluyan na nga akong naging single dahil nag ala Laila De Lima sa pag walk out ang boyfriend ko.....

Huhuhuhu!!! "Love is life" ang pinakapaborito kong motto dahil ang lalim ng ibig sabihin nito.. Sa tagalog "mahal ang buhay"....

Pero paano ako magkakaroon ng love kung nakabakod ang mga ex ko sakin???

Sana naman may himala na dumating at mag silayas na sa landas ko lahat ng talipandas na palibot sakin ngayon!

"I have a great idea! Since andito na lang din tayo sa mall, bakit hindi mo na lang kami lahat i-date, Adrienne? Isang babae sa pitong lalaki! That was hell awesome!"
Tanong ni Chrome na sya namang sinang ayunan ng natitirang anim...

My.Day.Was.Totally.Sucks!

Seven Past Boyfriends [Indefinite Hiatus] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon