Chapter One { Invasion }

64 10 2
                                    

Chapter One { Invasion }

***

Bakit pakiramdam ko lumilindol? Umaalog yung buong katawan ko eh. Binuksan ko ang mata ko ng bahagya. Nasilaw ako sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko.

"Sino bang nag bukas ng bintana ko?" nag-inat ako.

"Chaerin.."

"Ayy anak ng kabayo!" napabalikwas ako sa higaan at napahawak sa dibdib ko, "Aling Banang! Nakakagulat naman ho kayo."

"Pasensya na anak, pero kanina pa kita ginigising. Nakaalis na po kasi si Ser."

"Okay lang ho. Wala naman akong planong ihatid sya." kinuha ko yung salamin ko sa side table.

"Alam ko naman yun. Ang kaso.. may ibinilin sya sakin."

Tinitigan ko lang sya, hinihintay ang susunod pa nyang sasabihin.

"Yung mga anak ni Mrs. Jung. Andyan na po sila sa baba."

"What?" halos mabilaukan ako sa laway na namuo sa lalamunan ko. Oo na sige na, ewww na kung ewww! :p

"Maligo ka na. Pagkatapos bumaba ka na dun ha. Ihahanda ko na ang agahan."

"Sige ho," tumayo na ko sa higaan at dumiretso sa banyo.

Habang naliligo, napaisip ako. Ano kayang itchura ng mga mokong na yun?! Siguradong mga chakabels yun dahil kung sinu-sinong pinapatulan ng nanay nila. Bad ko ba?

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay dumiretso na ko sa dining area. At kagimbal-gimbal ang nadatnan ko.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim!

Anim na lalaking nakaupo sa harap ng hapag! Papalapit pa lang ako sa table nang biglang may isang sumulpot na itim na kabute mula sa kusina.

Sa kabila ng kanyang itim na itim na porma, nangingibabaw ang kanyang itchura. Matangos na ilong, itim na itim na mga mata, maninipis na labi, at malaporselanang kutis!

Tugftjiikgdfhingsavvdsewset tao ba to? Biglang naputol ang pantasya ko nang may umihip sa tenga ko.

"Ayy anak ni Aling Banang naman oh!" kunot noo kong sinigawan yung buset na nilalang na umistorbo sakin. Paglingon ko ay isang kapre ang nasilayan ko. Ngiting-ngiti ang isang to, kitang-kita ang gilagid! Pero infairness, gwapo!

Nabasag na naman ako nang biglang magsalita ito. "Tumutulo kasi yang laway mo!" tatawa-tawang bati nito.

Agad ko namang kinapa ang bibig ko. Shet basa nga! >﹏<

Sssssslrrrp! Walang dalawang isip na hinigop ko pabalik ang laway ko. Ang ewww ko talaga! Hahaha!

"Umupo ka na iha," utos ni Aling Banang.

Nawalan naman ako ng lakas ng loob para harapin tong mga nilalang to. Omg! First impression lasts. ㅠ.ㅠ

Naupo ako sa dulo ng parihabang hapag kainan namin. Dun ako umupo sa upuan ni papa. Ako ang head, dahil wala sya.

Nanatili akong tahimik at nakayuko habang kumakain. Grabe nakakahiya talaga. Anak ng tyanak naman kase, ngayon lang ako nakakita ng mala-anghel na tao. Tao nga ba yung nakita ko? Ayy ewan. Isa lang ang alam ko, pito ang lalaki dito.

Sobrang tahimik ng hapag. May kahihiyan din naman pala tong mga ampon ko. Pero pag minamalas ka nga naman, bigla akong nasamid. Non-stop ang pag-ubo ko, mangiyak-ngiyak na ko sa sakit ng lalamunan ko.

Napahinto ako ng may humagod ng likod ko. Napatingin ako sa lalaking nasa kanan ko.

"Okay ka lang?"

Anak ng tofuuuuu! Yung boses nya ang lamig! Ang sweeeeeet! Asfghjmluvbursgmongthkoyt hindi ko mapigilan ang feels kooooo!

Parang babae ang postura ng isang to, ang ganda rin ng balat, halatang naka-contact lens sya at lalo syang pinagwapo nito, kaso pink ang buhok. Yung totoo? Bakla ka no? Charaught! Hahahaha!

"O-okay lang ako," hirap na sambit ko.

Patuloy pa rin ang paghagod nya sa likod ko. "Ako nga pala si Sung Jong, Lee Sung Jong. Bunso sa magkakapatid," at nag smile ito sabay abot ng basong may tubig.

Ang sweeeeeet nya talaga promise! Huhubels! Buti pa sya nagpakilala na. "Kang Chaerin," pagpapakilala ko.

"Eto nga pala si Sung Gyu hyung, " tinutukoy nya yung katabi nya. Grabiteeeeeh! Ang gaganda ng balat ng mga to! May katangusan din ang ilong ng isang to, mapulang lips, at... maliit na mata.

"Kim Sung Gyu," sambit nito. Wow! Nakakainlab ang boses ng isang to.

Tuloy naman sa pag iintroduce si Jongie, "Sya naman si Dong Woo hyung," tinuro nya yung katabi ni Gyu.

"Yo! Jang Dong Woo in the house!" bati nito. Mukhang jolly ang isang to. Although, iba ang kagwapuhan nya sa iba. Nararamdaman kong sya ang pinakamagugustuhan ko sa kanilang lahat.

"Yun naman si Woo Hyun hyung," turo nya dun sa katabi ni Dong Woo.

[A/N~ Hyung (형) means older brother; used by men]

"Nam Woo Hyun, at your service."Pagkatapos nyang magsalita ay gumawa pa ito ng korteng puso gamit ang kamay nya. Ang cute ng dimples ng isang to. Pointed pa ng ilong. Harujusko! Tao ba tong mga makakasama ko?

Magsasalita pa lang ulit si Jongie ng biglang in-interrupt sya ng lalaking nasa kaliwa ko.

"Lee Howon," nakangiting sabi nito. "Pero Hoya na lang," dagdag nya. Medyo singkit sya pero maliit talaga mata ni Gyu. Nakakainlab ang smile nya. Pwedeng pang toothpaste commercial ang isang to.

Sya na rin ang nagtuloy ng trabaho ni Jongie. Ipinakilala nya yung dalawa pang lalaking katabi nya. Yung lalaking nakaitim na nakita ko kanina, si Kim Myung Soo, or should I say, L. Tapos yung magilagid na lalaki, si Lee Sung Yeol.

Nagtataka kayo kung bakit iba't iba ang apelyido nila? Hindi ba obvious?!

DAHIL IBA'T IBA ANG TATAY NILA!

Let's take a clearer look:

Jang Dong Woo (25) anak sa unang asawa. Nakipaghiwalay si Mrs. Jung sa tatay nya dahil isa itong sugalero.

Nam Woo Hyun (24) anak sa pangalawang asawa. Nakipaghiwalay si Mrs. Jung dahil ang tatay nya ay lasinggero.

(Kim brothers)

Kim Sung Gyu (23) Kim Myung Soo (22) mga anak sa ikatlong asawa. Nakipaghiwalay si Mrs. Jung sa tatay nila kasi bankrupt ang negosyo.

(Lee brothers)

Lee Howon (21) Lee Sung Yeol (20) Lee Sung Jong (19) mga anak sa ika-apat na asawa. Namatay ang tatay nila sa isang aksidente.

Gets nyo? ㄟ( ̄▽ ̄ㄟ)

Infinitely Yours (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon