(Third Person POV)
Sa taong Enero-Uno-ika- dalawang libong labing-apat.(January 1,2004). Ipinanganak ang isang batang babae na nag ngagalang Jouvres Dhaziel, isa lamang siya sa mga batang ipinanganak sa araw ng bagong taon. Ngunit ang buhay niya ay masasaksihan natin sa paglipas ng maraming taon.
"Bergillo!, Sandali lang wag mo akong iwan ng dahil lang sa hampas lupang katulong na yan!"pagmamakaawa ng ina ni JD habang hinahabol ito ng ina ang kaniyang ama, dahil aalis na ito sa kanilang bahay at sasama sa katulong na kabit ng ama niya.
"Ano ba! Theresa! Wag ka ng desperada annulled na tayo wala na akong pananagutan sayo!" Annulled na sila isang buwan na ang nakakalipas at ngayon lang napagdisiyonan ng kanyang ama na kunin ang gamit sa pamamahay nila at sumama na sa kabit niyang katulong nila.
Natigilan ang ina ni JD at humagolgul ito ng sobrang lakas at ng masilayan niya ang katulong na kabit ng asawa niya ay nagdilim ang paningin nito.
"Walang hiya kang babae ka! Haliparot kang malandi ka! Nang aagaw ka ng may pag mamay-ari ng iba stupida! Alam mong may asawa aahasin mo pa!" Saka pinag sasabunot niya ito at sinampal sampal. Kulang pa ang mga iyong pananakit niya sa babae kumpara sa ginawa nilang kataksilan sa kaniya.
Inawat naman sila ng ama ni JD. At tsaka dumating ang mga guards nila para hawakan silang dalawa.
"Ano bang ginawa ko sayo ha! Ang ayus ng pakikitungo namin sayo!.. Ah! Oo nga pala! Sa sobrang ayus binigyan mo ng malisya at kumabit ka sa may asawa! Ahas ka!" Noong isang linggo lang nalaman ng ina niya na kabit ng ama niya ang katulong matagal na palang may ugnayan ang dalawa kaya nagiging malamig na ang ama niya sa kanyang ina.
"Anong ahas! Kasalanan ko bang nagkulang ka?! Kasalan ko bang ako ang pinili at minahal niya kaysa sayo na asawa niya?!" Sigaw ng kabit ng ama niya.
"Aba! Walang hiya kang Desperada ka!" Akmang susugudin na sana ng ina niya ang katulong ng biglang nagsalita ang kabit.
"Ako pa ngayon ang desperada!. Naririnig mo ba yang sinasabi mo?. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon ha?! Wala na kayo ng asawa mo pero gusto mo siyang bumalik sayo?! Sino ang mas desperada sa ating dalawa?! Theresa!" Sigaw nung kabit ng ama ni JD.
"Ano ba Theresa! Mahiya ka naman! Mahirap bang intindihin na hindi na kita mahal. Anulled na tayo kaya tigilan mo na ako!" Sigaw ng ama niya. Hindi naman na nakapagsalita ang kanyang ina at tsaka ito umiyak ng umiyak. Umalis naman ang kaniyang ama kasama ang katulong at hindi na nagpakita pa.
Hindi agad nakarecover ang ina niya, dahil ang alam lang nito ay iniwan siya dahil himdi na siya mahal ngunit iniwan ito dahil may iba na siyang mahal.
Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak sa kwarto niya. Hindi kumakain at hindi lumalabas ng bahay.
"Theresa! Iha! Lumabas ka muna riyan at kumain hindi ka pa kumakain baka kung mapaano ka!" Pag-aalala ng lola ni JD. Nabalitaan kasi ng kanyang lola na hindi pa daw ito kumakain. Pero walang sumagot galing sa loob.
"Iha! Pakiusap lumabas ka riyan at kumain!" Wala pa ring umimik kaya naman napag- desisiyonan ng kaniyang lola na kunin ang susi ng kwarto ng kaniyang ina at tsaka ito buksan.
YOU ARE READING
Completing the Destiny
LosoweSa kwentong ito bibigyan ko ng buhay ang 'The Seven Ages of Man (William Shakespheare)' kung saan may mga scenario akong gagawin na magdadaloy sa kwentong ito kung paano mawawakasan. Mababasa rin dito kung ano ang nangyayari sa ating bansa, kung pa...