×××
"Hai Baby! How are you?" Masigla kong bati sa aking nobyong si Lev. Miss na miss ko na siya kaya tinawagan ko na.
"Okay lang. Ikaw ba?" Matamlay niyang ani. Maybe he's tired.
We've been together for a couple of months ni Lev. Pareho kami ng school na pinapasukan pero madalang lang kaming nagkikita kasi busy din sa projects, at isa pa night class ako at day class naman siya. So imposible talagang magkikita kami.
"Okay lang din. Let's meet? Miss na kasi kita ehhh" Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Wala akong magawa kasi bakasyon na, it's December and yes malapit na ang pasko kaya excited na excited na kong makasama nobyo ko.
I am going to celebrate Christmas with him.
"Uhm, I'll try. Di ko pa kasi tapos yung mga projects ko eh." Sagot naman niya sa kabilang linya. Medyo umingay siya sandali, baka may ginawa lang.
"Okay baby, message mo nalang ako 'pag libre kana. Okay?" Sabi ko sa kanya.
"Okay." Ramdam ko naman ang coldness niya kaya nagpaalam nalang ako.
Wala akong magawa buong araw kaya ang ginawa ko nalang ay ang mag-calligraphy sa notebook ko. Hindi naman din kompleto materials ko kaya sa notebook nalang.
Nagdaan ang mga oras at araw ngunit walang Lev na nagtext sa'kin. Kinukulit ko siya araw-araw. Tinitext ko siya, minsan naman ay tinatawagan pero di naman niya sinasagot.
Ganun ba talaga siya ka-busy?! Tsk.
"Uy, bessy. Tara gala tayo!" Masiglang ani ng kaibigan kong si Sariya. Andito siya sa bahay dahil plano niyang dito nalang magpapasko besides wala naman ang mommy at daddy niya dahil na'sa abroad. Yung mga katulong naman ay naka-on leave.
"Huh? Saan naman? Tsaka gabi na eh. Ilang oras nalang magpapasko na." Angil ko sa kanya. Hello? It's Christmas eve! Hayss.
"Sus, oa mo rin eh nu? Pinaalam na kita kay tita uy! Tsaka hello? Midnight sale sa mall teh! Kaya bilis! Magpalit kana ng damit." What?! Pinaalam niya ko?
Oo, mayaman kami pero hindi ko naman 'to pinagkakalat. At mas preferred ko pang mag-ukay o kundi ket bargain man lang sa mall. Yung mga branded kong suot? Mga lima lang siguro, I'm not into branded na damit. Maybe siguro sa mga ibang gamit oo, pero sa damit ayoko. Kung anong meron okay na 'ko dun.
Tsaka isa pa, wala akong maayos na damit panggala! Long sleeves? Long pants? Slippers? Hayss :<
"Teh? Ano yang sinuot mo?" Lumaki ang mata ni Sariya nang makita ako.
"Uh? Damit?" Nag-alala kong tanong sa kanya.
Naglakad naman si Sariya papungang closet ko.
"Teh, pakibukas walk in closet mo." Binuksan ko naman ito. Hindi naman masyadong marami yung mga damit ko ehhh. Pumasok naman doon si Sariya at nagkalkal ng mga damit na pwede kong isuot.
"Oh ayan." Binigay niya sa akin ang white reaped jeans. Hindi naman siya masyadong luma eh, okay lang naman ang kulay niya. Pero di ko na 'to ginagamit.
Pinaresan niya naman ito ng black sando na may nakatatak na AC/DC. Oh well ! Haha. Whatever.
Chineck ko muna kili-kili ko, okay naman din kaya okay lang din isuot ko 'to.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. I check the time at maaga pa naman, 6:00 pm pa lang.
"Tara na?" Sabi ko naman kay Sariya.
"Mmy? Alis na kami." Humalik muna ako sa pisngi ni Mommy.
"Oh sige anak, mag-iingat kayo ha."
"Opo." Magkapanabay naming sagot ni Sariya.