Ang joke nating relasyon

196 6 1
                                    



May 5, 6, o 7? Hindi naman ako matanda para maging makakalimutin pero hindi ko na talaga kaya pang alalahanin kung kailan nga ba nagpangag-tagpo ang ating landasin. Basta ang alam ko lang, isa sa mga petsa na yan ang hapon na nakilala kita at naging dahilan para pumasok ako sa bwisit na relasyon na iyon.

Labing syam na taon na ako. Madami na din ang mga matatandang tsismosang kaibigan ng nanay ko ang nakikisawsaw at nagtatanong kung bakit wala pa daw ba akong natitipuhan at hanggang ngayon ay wala pa ding katipan. Matanda na daw ako at yung iba ko daw na mga kaklase at kaibigan, nabuntis na at lahat ako, NBSB pa din. Sa lahat ng mga tanong nila na kung minsan ay nakakabingi na din sa tainga, isa lang naman ang tanging kong naisasagot. "Nakakapaghintay ang pag-ibig." Weird mang pakinggan para sa iba pero seryoso, matyaga talaga akong naghintay para sa sinasabi ng mga ate at kuya kong higit na may karanasan na may taong sadyang nakalaan para sa akin.

Kaya naman, sa labis kong kabaliwan, nagsimula akong magsulat ng mga liham para sa taong iyon sa mga araw na bored ako, sa mga araw na pakiramdam ko'y ako lang ang nag iisang tao sa mundo at sa mga araw din naman na namimiss ko sya kahit hindi ko pa naman sya kilala at hindi pa nakikita. Nag gawa din ako ng listahan ng mga karakter na gusto ko sa kanya at syempre sinubukan ko ding i-apply sa sarili ko, Ika nga nila, "kung gusto mong makita yung mga karakter na iyon sa taong gusto mong makasama sa pang-habang buhay, dapat makita din sa sarili mo." Kaya nga eto, kahit tamad akong maglinis ng bahay, magluto at maglaba, pinilit ko talaga ang buong pagkatao ko na magsipag para hindi naman nakakahiya sa kanya kung sakali mang dumating yang itinakdang panahon na sinasabi nila. Isinasama ko din sya sa panalangin ko gabi-gabi bago matulog na sana, kung nasaan man sya, matuto syang magbehave at huwag ng maisipang lumandi pa sa iba para hindi naman ako lugi sa preparations kong pinagagawa noong waiting days ko. Grabe naman sya, nireject ko lahat ng mga lalaki na nanligaw sakin, tapos sya, nag eenjoy sa piling ng iba.

Pero isang araw, napagod ako, nanlupaypay, natigok ('de joke lang) sa kahihintay sa kanya. Kung dati nakakayanan ko pa yung lungkot na dulot ng pagiging single, ngayon hindi na, to the point na nakikita ko na lang ang sarili ko na umiiyak sa sobrang kalungkutan na nadarama. Pumasok na din sa isip ko ang maraming tanong na kahit ako na sobrang talino ay hindi din kayang sagutin. Nangamba na ako na baka sa huli hindi sya dumating, na baliwala lang lahat ng 'to at ang matindi pa, tumanda akong dalaga na wag naman sanang mangyari.

Hanggang isang araw, naglalakad ako kagagaling lang sa natapos kong klase ng summer class ng school year na iyon ng nakasalubong kita, hinarang mo ako sa daan at syempre ako naman 'tong sinadyang magpaharang, tumigil sa paglalakad at tumingin ng maigi sa pagmumukha mo. Bigla ka na lang nagsalita na mas kinagulat ko dahil pumi-feeling close ka ata sakin masyado.

"Miss gusto mo ba ng part time job?"

Medyo natigilan naman ako sa tanong mo, pero kahit hindi kita kilala at hindi ko talaga ugali ang makipag usap sa isang estranghero sinagot ko din iyon. Hindi ko din alam kung bakit, siguro goodvibes lang talaga ako kaya naging masyado akong mabait. Tsaka gwapo ka din naman at mukhang hindi gagawa ng katarantaduhan kaya naging madali sa akin ang makipag usap sayo.

"Ha? Anong part time job?" Hinintay kitang magsalita, umaasang makakarinig na maayos na paliwanag kahit hindi naman ako ganun ka-interesado. Wala lang talaga akong magawa at hindi naman ako nagmamadali pauwi ng bahay.

"Ah. Eh. Basta, may seminar kami dyan sa may cultural, attend ka na lang miss ha." Pilit kong pinigilan yung tawa ko sa reaction mo dahil nagyayaya ka ng part time job na hindi ka din naman pala sigurado, pano naman ako sasama kung di mo ko mabigyan na maayos na impormasyon? Baka maya-maya nyan marape pa ako, sayang naman pinaaral sa akin ng magulang ko. Pero sa una pa lamang, alam ko ng networking yung trabaho na sinasabi mo. At dahil sa goodvibes ako, nagkunwari na lang akong interested at binigay ko din sa hulli ang nag iisa kong numero.

Desperadang NBSB (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon