Nagising ako na masaya at masigla. Ano kayang meron? ang saya ko ngayon. Bumangon na ko at tumigin na agad ako sa salamin. Ang pupula ng mga pisngi ko. Kinikilig ako, ba't ganun HAHAHA. Tumingin ako sa taas at dun, nakalagay ang kalendaryo ko. Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"BIRTHDAY KO PALA NGAYON!" Malakas na sigaw ko dahil sa gulat.
Sana naman may magandang mangyare sa'kin ngayon.
Pumunta ako sa school na may masayang aura. Ewan ko, pero sobrang saya ko talaga ngayon. Pagdating ko sa classroom namin, marami na ang bumati sa'kin.
"Happy birthday, Claire!"
"HAPPY BIRTHDAY, PANDAK"
"Libre naman dyan!"
"Next year na regalo ko sayo ah, "
"Baka naman, Claire,"Yan yung mga naririnig ko mula sa mga kaklase ko. Natawa na lang ako sa kanila at isa-isa silang pinasalamatan.
"CLAIREEE"
May biglang sumigaw mula sa likuran ng pangalan ko. Pagka-lingon ko ay nakita ko ang kaibigan ko na tumatakbo papunta sa'kin. Bigla niya kong niyakap ng sobrang higpit.
"Happy birthday, claireeee!" Tumatalon-talon pa siya habang sinasabi yun. Natawa ako lalo sa kanya.
"Thank you, Red!"
"Libre mo naman ako dyan," Nakanguso pa niyang sabi.
"Haha, mamaya. Punta kang clinic, may dinala akong puto para sa inyo,""Yehey!" nagtalon-talon ulit siya.
Junior Paramedics ako kaya lagi akong nakatambay sa clinic. Pati nurses dun, close sa'kin.
May klase pa kaya di pa ko makakapunta dun. Dalawang oras na naman ako babagutin nito.
Dalawang oras ang nakalipas at recess na. Mag ccr muna ako. Medyo malayo yung cr mula sa classroom namin kaya baka maubos yung oras ko dahil sa pagpunta dun.
Pagtapos ko mag-C.R. at dali-dali akong bumalik sa classroom namin, pero bago makadating dun ay may nakita akong isang lalaking lumalakad sa isang corridor, mag-isa lang siya. Mukha siyang pamilyar at dahil dakilang chismosa ako sinundan ko siya.
Mabilis siyang naglalakad at parang may tinataguan pa siya. Medyo malayo akong nakasunod sa kanya.
Bigla siyang huminto at nilingon ang pwesto ko. Nagtago naman agad ako sa gilid ng locker. Shet, si kuya Ace yun! Isang grade 11 student na sikat dito dahil sa pag c-cover nila ng isang K-POP group. Crush ko yun! Hala! Oemji!
Buti na lang at nakatago agad ako kaya di niya ko nakita. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Saan kaya siya pupunta? at parang may tinataguan talaga siya. Mga fans niya kaya? Sinundan ko ulit siya.
Napunta kami sa tagong lugar ng school namin, walang dumadaan na ibang students dito kasi masyado ng malayo sa mga classroom at malapit 'to sa Janitor's room.
May biglang lumabas na babae mula sa isang pinto at niyakap niya si Ace. Medyo kumirot yung puso ko sa pagyakap din ni Ace sa kanya.
Bigla niyang sinandal ang babae sa pader at... h-hinalikan... b-ba't niya hinalikan yung babae? bakit? bakit Ace...
Biglang tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata habang nakatingin pa rin sa kanila na naghahalikan. Minulat ni Ace ang kanyang mata at nakita niya ako. Nakatingin siya sa'kin habang hinahalikan ang babae. Ang sakit, taena.
Bigla siyang kumalas sa halikan nila at tinitigan ang babae. Medyo lumayo din siya at naaninag ko ang mukha ng babae.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nasisilayan. Nanginig ang buong katawan ko at nangingilid ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
Historia CortaBased on real events and the Author's imagination.