A Cat and Fish Story

30 2 0
                                    

A/N: Ito dapat yung isasali ko sa isang contest pero masyadong mahaba kaya dito nalang hehehe XD Gift ko sa sarili ko.

---------------

“Hello Kity, Hello Kitty! Puro ka nalang Hello Kitty! Kaya ka nagmumukhang pusa eh, dahil sa kaka-hello kitty mo na ‘yan.” Letse, kailan ba titigil sa kakadada itong Khail na ‘to. At ano ba talaga ang problema niya sa notebook kong may mukha ng cute na cute na si Hello Kitty?

Eh, ano bang pakialam mong bakla ka, bakit? Naiinggit ka ba dahil naipapahayag ko ng buong puso ang pagmamahal ko kay Hello Kitty, samantalang ikaw ay pilit na tinatago iyang berde mong dugo?” sagot ko sa kanya with matching hawak pa sa dibdib ko at tingging nakakaawa sa kanya. Bigla nalang siyang namula. Well, marami kasing nakarinig ng mahaba kong speech.

“Ewan ko sayo, ELLA KITTY!” sabi niya sabay walkout.

Ewan ko ba naman sa lalakeng ‘yon. Di ko alam kung bakla ba talaga siya o ano? Dati naman hindi kami nag-uusap. Nagsimula lang ito nung maging magpartner kami sa prom nung 3rd year and the rest is history.

Kinabukasan naman, ayun mukhang nagtampurorot si bakla at di manlang tumitinggin sa ‘kin. Oh well mamon. Maganda itong pangitain, mukhang titigilan na ako ng lalakeng may berdeng dugo—oh so I thought.

“Ella, pinabibigay ni Daryll. Nanliligaw ba ‘yun sa’yo?” tanong sa akin ni Rina habang inaabot ang isang nakatuping papel, siya ang The Best Friend Poreber ko.

“Grabe ah, may pinaabot lang nanliligaw na. di ba pwedeng kodigo muna ‘to sa Math” sabi ko sa kanya sabay kindat. Joke lang naman yung kodigo, pero sana totoo nalang, nganga kasi ako sa Math eh. I hate that subject, hmp!

“Kodigo, kodigo daw. Ang pusa nga talaga, gusto ang mga DAGA.” sino pa ba ang epal dito.

Di ko nalang siya pinansin at binasa ang sulat ni Daryll

After Class. Garden, Please be there :) - Daryll

 

Daryll Mendez. 4-A. Matalino, mabait, mayaman, Gwapo at MANLILIGAW ko. Charot lang yung sinabi ko kay Rina. Pero may problema. Di ko siya type.

Pagtunog ng bell, iyon na ang hudyat na uwian na. Nagpaiwan nalang ako kasi inaayos ko pa ang gamit ko at may pupuntahan pa ako.

“Oh, oh Miss Kitty, wag ka masyadong magmadali. Di ka naman iiwan nun eh.” Di ko nalang siya pinansin at tinapos ko ang dapat kong tapusin.

 

“Alam mo, ang pusa hindi bagay sa DAGA.” Bakit ba niya laging sinasali ang daga at pusa sa asaran namin.

Nang natapos na akong mag-ayos ng bundok na kalat sa bag hinarap ko siya  “Alam mo I smell..” tapos inamoy-amoy ko siya, syempre arte lang ‘yun. “Something fishy.” Patuloy ko at tinignan siya ng nakakaloko. Pero nginitian niya lang ako bago magsalita.

“Ah… Baka yung ulam ko kanina. Masarap kasi ang ISDA, kesa sa kung ano-ano.” Sabi niya at nauna ng umalis.

Baliw. Baliw talaga…

---------------

Nakapag-usap kami kahapon ni Daryll at binusted ko na siya. At sabi niya okay lang daw sa kanya kahit friends lang, so pinagbigyan ko na..

As usual maaga nanaman akong pumasok, pero meron na akong mga classmates sa room, ayun nagsisigawa ng mga assignments—magaling na mga estudyante. At kung mamalasin ka nga naman nandito narin yung Baklang Isda. Bahala siya, hindi ko siya papansinin, trip ko lang naman.

“Hoy, Ella Kitty. May naghahanap sayo sa labas.” Kahit di ko tignan alam ko na kung sino yun

“Sino nanaman?” iritang tanong ko sa kanya.

“Yung daga..” bulong niya.

“Huh?” tanong ko sa kanya

“Sabi ko, yung manliligaw mo po nasa labas!” tsk. Yun lan pala. Tumayo na ako at papunta na sa pinto ng magsalita nanaman siya.

“Alam mo ang mga pusa, hindi nababagay sa DAGA. Bagay sila sa mga ISDA.” Ano nanamang kabaliwan ang lumalabas sa bunganga nitong baklang to.

“Ang bagay sa PUSA eh yung ISDA. Kasi yung ISDA, masarap na, gwapo—este maganda pang tignan kasama ang pusa. Kesa naman sa mga dugyot ng DAGA, ‘diba?” dagdag niya pa.

 

“Asan ba ‘yang sinasabi mong DAGA na ‘yan?”

“Some people out THERE.” Pagpaparinig pa niya at dinungaw ang pinto kung saan nakasilip si Daryll.

“Eh sino ba kasing TANGA ang magaakalang may gusto ang PUSA sa DAGA. Sino ba ang nag assume?” tanong ko sa kanya habang unti-unting lumalapit sa pinto.

“Pakisabi kay ISDA, wag siyang mga-alala. Siya ang gusto ko kahit berde ang dugo niya.” Sabi ko sa kanya at pinuntahan ko na sa pinto ang kaibigan kong pinagseselosan ng mahal kong ISDA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Cat and Fish StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon