1

1.7K 39 12
                                    

Dear diary,

     Ansaya pala mang-agaw ng boyfriend, lalong lalo na 'yung inagawan mo is 'yung number one enemy mo sa school. Nasakin na ngayon ang korona!

Nagsimula ito sa W A S T E D, isang kilalang bar siya diary. Ang balak ko lang talaga ay mag walwal, as in super wasted talaga ang ending. Pero nag-iba ang plano nang makabangga ko ang boyfriend ng number one enemy ko. Aebreu Velasco, isang varsity player sa university namin. Gwapo, mayaman, magaling mag basketball, pero mahangin at super turn off na agad ako. Pero kahit turn off agad ako napangunahan na ako ng malandi side ko at may isang plano nanamang nabuo.

Malandi akong ngumiti sa kanya na sinuklian naman niya nang ngiting pang manyak. Muntik ko nang mairap ang mata ko pero napigilan naman, sumenyas akong samahan niya ako sa comfort room at pumayag naman agad siya. Basta babaeng sexy at maganda hindi talaga aayaw ang mga lalake. Haynako boys! Diba diary? Mabilis naman kaming nakarating sa girls comfort room, pumasok na ako at pinigilan siya sa pagpasok 'masyadong atat si kuya!'. Inilabas ko ang phone ko at inopen ang camera para ma video-han ang balak ko, inilagay ko naman sa tagong lugar pero kita ang ginagawa namin.

Binuksan ko na ang pintuan ng comfort room at dali-dali namang pumasok si Aebreu, isang mapusok na halik ang iginawad niya saakin at dahil narin sa alak ay sinuklian ko na ang halik niya. Pero bago pa makarating sa ninanais ni Aebreu sinipa ko na ang pagkalalake nito at kinuha ang phone sabay alis sa comfort room.

Diary dati ayaw na ayaw ko ang monday dahil, una sa lahat kailangan kong magising ng maaga para pumasok, pangalawa bubungad nanaman saakin ang mga oh-so-plastic friendshit ko, at pangatlo ay accounting ang first subject ko. Pero ngayon, maaga akong naligo, masaya akong pumasok, at ikinalat agad ang video namin ni Aebreu syempre edited na siya hindi ko na sinama 'yung pag sipa ko sa anes niya.

Wala pang isang oras isang umiiyak na babae ang sumampal saakin, kesyo ang landi ko daw, slut daw ako, I don't care.

Dahil good mood ako that time diary, pinabayaan ko na ang sampal niya. Ngiting tagumpay ang buong week dahil ako ang nagwagi. Sampal kapalit nang hiwalayan nilang mag jowa. So sad. Nag transfer si number one enemy sa ibang school kaya ako na ang nag iisang queen sa university.

HAHAHAHAHA *malanding tawa*

Yours Truly,
Eula.      

DIARY NG MALANDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon