2

1.1K 33 12
                                    

                         Dear Diary,

     Hey diary! Naniniwala ka bang talo ng malandi ang maganda? Ako naniniwala ako, ganto kasi 'yon.

Lahat ng studyante sa university bukang bibig ay si Laura Brandina dahil sa taglay na ganda nito, she's like a human barbie doll. Isa siya sa makakalaban ko sa beauty pageant dito sa university at halos lahat ng students sa university ay sure ng si Laura ang mananalo. Pero dahil ako si Eula hindi ako magpapatalo.

Tatlong kilalang judge lang naman ang nalandi ko. Evandro Castillo, pumayag ako sa dinner date na alok niya kapalit ang pagpanalo saakin sa pageant. Troy Hubert, inaya ko naman siya sa isang bar dito sa Manila at ginamitan ko ng malandi side ko then boom, nangako na ipapanalo niya ako sa pageant. Last but not the least, Franco Rio ang business man na patay na patay saakin at nakipag deal ako sa kanya na kapag ako ang ipinanalo niya makukuha niya ang gusto niya saakin.

Araw na nang pageant diary, confident ako sa bawat pag rampa ko, sa talent ko at sa sagot ko. Nakakuha ako ng dalawang award at halos lahat kay Laura napunta. Dalawa na lang kami ni Laura ang natitira ang magkahawak kamay kaming naghihintay sa anunsyo ng emcee. Tatawagin na ang pangalan ng nanalo at hindi na ako nagulat nang tinawag ang pangalan ko.

Matapos isuot ang sash at korono, inikot ko ang buong stage at binigyan ng isang malanding kindat ang tatlong judge na naapektuhan nang malandi side ko.

Isa na akong literal na queen! I told yah diary, talo ko ang maganda.

Yours Truly
Eula.     

DIARY NG MALANDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon