What happened?

35 2 0
                                    

Nakakapagod din pala talaga Ang mag libot libot sa mall ano? Sabagay halos 5 Oras din kaming nag stay sa mall. Alas tres pa Lang ng hapon nandoon na kami habang alas otso na ng Gabi ngayon. Mabuti na nga Lang at naabutan ko pa si Mang Isko sa paradahan ng jeep at Kung Hindi mahihirapan ako maka uwi. Mahirap na, marami na ngayon Ang may mga masasamang mutibo.

Halos kakaunti na Lang kaming naririto sa Jeep dahil kanina pa nakababa Ang ibang pasahero. Pero Hindi talaga nawala sa isip ko Ang babaeng nakita ko kanina. Ano ba talagang kailangan niya? Nagulat na lamang ako ng dumaan sa Hindi pamilyar na kalye Ang jeep at Isa pa  medyo madilim Ang dinadaaan namin. Kinutuban Naman ako sa nangyayari pero naisip ko Naman na safe Naman ako dahil si mang Isko Naman Ang driver Kaya baka'y ihahatid Lang namin Ang matandang babae sa unahan.

Napatigil na lang ako bigla ng bigla Rin tumigil Ang jeep, tiningnan ko na man si mang Isko upang tanungin pero Wala na siya Doon pati na Rin Ang ibang pasahero at Ang matandang babae. Maya Maya pa bigla Namang umihip ng pagkalakaslakas Ang hangin. At unti- unting napupundi Ang mga ilaw sa sasakyan. Sa sobrang takot at kaba rinig na rinig ko na Ang kalabog ng puso ko. Paglingon ko sa kaliwa naka upo na sa tabi ko Ang matandang babae na tinutukoy ko kanina.
Ng bumukas uli Ang ilaw napagtanto kong siya si Nay Helga na tinutukoy Kong matandang babae na laging nakaputi na hinihatid namin sa simbahan araw- araw. Pero may nag bago sa kanya, naka itim siya ngayon at nawala na ring Ang ngiti sa kanyang labi.

Maya Maya pa seryoso siyang nakatingin saakin habang may inaabot na maliit na box na halatang napakaluma na nito. Mayroon itong butas na marahil ay Doon pinapasok Ang Susi nito. Hindi ko Alam Ang gagawin ko. Tatanggapin ko ba iyon ngunit para saan ba to? Hinawakan niya Naman Ang kamay ko at ipinatong Ang box sa palad ko habang sinasambit Ang mga katagang lalong nagpalito sa isip ko.

" Ingatan mo Ito ng mabuti. Pangalagaan  mo at lahat ng kahilingan mo ay siyang matutupad" Ani ni Nay Helga habang nakangiti saakin ngunit bakas parin sakanya mukha Ang lungkot at pangamba.

Maya Maya pa umihip na Naman Ang hangin at namatay lahat ng ilaw kasabay nito ang Hindi ko maintindihan na pakiramdama na tila ba'y nahihilo ako habang unti unting lumulubog sa tubig.

" Selene, iha, gising na"

Naalimpungatan Naman ako ng dahil Kay Mang Isko. Mukhang kanina nya pa ako pilit na ginigising. Pero Teka ibig sabihin nananaginip Lang ako?
Agad Naman ako umupo ng maayos at tiningnan Ang paligid. Maayos na man Ang lahat at Ang mga ilaw ay maayos at napakaliwanag pa nito.

" Dito ka Lang Naman sa may Kanto Hindi ba iha? Hindi na Kasi kita maihahatid  sa tapat ng bahay nyo." Tanong ni Mang Isko.

"Ayy  opo dito na ho ako, at tsaka po bumaba na ho ba si Nay Helga?" Ani ko na man

"Nay Helga!?" Gulat na gulat na tanong nya

" Hindi mo ba nabalitang namatay na siya kaninang umaga? Natagpuan daw siya sa kanyang kama na Wala ng buhay." Sagot nya sa akin

Anong  ibig sabihin nito? Nakita ko  siya sa panaginip ko? At ano ba mang meron sa box na ibinibigay nya saakin? At anong sabi nya? Pangalagaan at matutupad lahat na kahilingan ko?





Wish Granted?Where stories live. Discover now