House #13. . . Part 2

83 5 0
                                    

"EEEEEEEEEEEEE!"

"DONNAAAA" Sigaw ni Rita na nagising. Umupo siya sa kama at tinignan si Hernan na mahimbing ang tulog.

"Hon! Hon! Gising!" Niyugyog niya si Hernan na masarap pa rin ang tulog.

"Bakit ba?" Tanong ni Hernan ng magising.

"EEEEEEEEEEEEE!"

"SI DONNA!" Sabi ni Hernan.

Balikwas siyang napatayo at ilang hakbang lang ay nasa pintuan na siya. Pagkabukas ng pinto ay pinuntahan kaagad niya ang silid ni Donna.

"Donna!" Tawag niya ng mabuksan ang pintuan ng silid ng dalagita. Pero walang Donna sa loob ng silid.

"EEEEEEEEEEEEEE!" Malakas na sigaw ng dalagita galing sa k
Loob ng lumang kwarto.

""DONNNNAAAA!" Sigaw niya at napatakbo siya patungo sa saradong kwarto. Kasunod si Rita na mangiyak-ngiyak.

Binuksan niya ang pinto at kinapa ang kandelaria. Wala ulit ito sa ibabaw ng drawer. Napaluhod siya at gumapang na kinakapa ang sahig. Wala siyang makapa.

"Donnaaa!" Tawag ni Rita at pumasok na siya sa loob ng kwarto kahit madilim pa.

Tumayo si Hernan at patakbong bumalik sa kanilang silid. Binuksan niya ang kanyang malaking duffel bag na nasa tabi ng kama at kinuha ang malaking flash light. Isinukbit niya ito sa kanyang katawan.

"EEEEEEEEEEEEERE!" Si Rita na ang sumigaw ng malakas.

"RITAAAAA!" Sigaw ni Hernan at patakbong bumalik sa lumang kwarto.

"BLAG!"

Sumara ng malakas ang pinto ng lumang kwarto bago pa siya makalapit. Pinihit ni Hernan ang lumang handle ng pintuan. Ayaw mabuksan. Paulit-ulit niyang pinipihit ang handle. Hindi matinag ang saradong pinto.

"RITAAAAAAA! DONNNAAAAA!" Sigaw niya.

"BOG! BOG! BOG!" Binabalya na niya ang pinto. Alalang-alala na siya sa dalawang nasa loob.

"Blag! Klang! Blag! Brag! "

"EEEEEEEEEEEEEE" Muling sigaw ni Rita at nagkakalabugan sa loob ng kwarto.

"RITAAAAAA! HUUUUHUUUHUUU!" Sigaw ni Hernan na mangiyak-ngiyak na sa inis at galit. Lumayo siya sa pintuan at bumuwelo. Ubod lakas niyag sinipa ang pinto.

"BLAGGG!"

Nabuksan ang pinto at patakbo siyang pumasok na iniilawan ng hawak niyang flashlight ang loob. Nagkalat ang mga kahon ng mga drawers at mga lumang damit sa sahig. Bukas ang mga pintuan ng mga tokador at aparador. Inilawan niya ang bandang may salamin at. . .

"DONNNAA! DIYOS KO PO!" Sigaw ni Hernan.

Pangko ni Rita si Donna. Dumudugo ang mga mata ng dalagita. Wala siyang malay tao. Mabilis niyang nilapitan ang dalawa.

"Hernan si Donna! Hu hu hu! Ang salamin Hernan. May babae sa salamin! "Umiiyak na sabi ni Rita.

Tinignan ni Hernan ang mukha ng kanyang anak. Napasigaw siya . . .

"AHHHHHHHHH! DONNNNA ANAK KO!"

Wala na ang mga mata ng pinakamamahal niyang anak. Naukab ang mga mata. Dumadaloy ang dugo sa mga pisngi ng dalagita. Kaagad niyang binuhat ang anak niya.

"Rita aalis tayo ngayon din sa bahay na ito!" Sabi ni Hernan.

Mabilis siyang lumakad palabas ng kwarto. Tumayo si Rita at sumunod kay Hernan.

"Bog! EEEEEEEEEE! HERNANNNNN!"

Nasa labas na sa pasilyo si Hernan at lumingon siya sa kanyang likuran ng marinig ang malakas na kalabog at sigaw ni Rita. Nakita niyang nakadapa sa sahig ang asawa niya at gumagapang palabas ng lumang kwarto.
Kalahati ng katawan ay nakalabas na ng pintuan.

Ang Salamin  (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon