House #13 . . . Part 3

90 4 1
                                    

"AAAHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Hernan. Parang gusto ng sumabog ang kanyang dibdib sa galit at sobrang inis. Muli niyang sinipa ang pinto.

"Bog!"

Hindi ito natinag. Pinagpapalo niya ng martilyo ang handle ng pinto hanggang sa ito ay masira at matanggal. Isinunod niyang pinalo ay ang kahoy sa may lock ng handle. Nasira ang kahoy at bumigay ang lock. Itinulak niya ang pinto at nabuksan ito. Inilawan niya ang loob ng lumang kwarto.

"DADDDDDYYYYYYY!" Sigaw ni Junior.

Nailawan ni Hernan ang salamin. Isang paa na lang ni Junior ang nasa labas ng salamin. Naipasok na ng babaeng naka-itim ang katawan ni Junior.

"JUNIORRRR! Sigaw ni Hernan at tumakbo siya para hawakan ang isang paa ni Junior. Bigla siyang tumilapon pabalik sa may pintuan. Isang malakas na puwersa na hindi niya nakikita ang sumalubong sa kanya. Masama ang kanyang pagbagsak sa sahig. Lumagutok ang buto niya sa kanang tuhod.

Pinilit pa rin niyang tumayo kahit biglang kumirot ang kanyang tuhod. Inilawan niyang muli ang salamin. Wala na si Junior. Paika-ika siyang lumapit sa salamin. Sarili niya ang kanyang nakita.

"AHHHHHHH! DEMONYO KA! HU HU HU! IBALIK MO ANG MGA ANAK KO!"

Umiiyak na siya sa galit. Biglang may lumitaw na duguang kamay sa salamin. Sumusulat ito.
Dumadaloy sa salamin ang dugo mula sa mga letrang naisusulat ng daliri.

"RENALYN"

"HUH? Nagulat si Hernan. Pumasok sa isipan niya si Renalyn at bumalik ang kanyang ala-ala ng nakaraan . . . . .

"Hernan! Buntis ako. Hindi ako maaaring humarap sa aking mga magulang na ganito ang aking kalagayan. Papatayin ako ni tatay! Hu hu hu!" Pagmamakaawa ni Renalyn kay Hernan. Nasa loob sila ng isang motel sa Pasay. Kasamahan niya sa trabaho si Renalyn. Nakuha niya ang loob ng dalaga dahil sa ipinakita niyang kabaitan, pagreregalo at pambobola. Dahil sa kanyang kahusayan sa pagsisinungaling at mga pangakong alam niyang hindi matutupad ay nakuha niya ang pagkababae ng dalaga. Mula noon ay sunudsunuran na sa kanyang gusto si Renalyn. Halos araw-araw ay nagniniig sila ng patago sa kanilang opisina. Kung walang pagkakataon ay dinadala niya sa motel ang dalaga bago sila umuwi. Dahil bata pa at maganda ay nagpakasawa si Hernan sa katawan nito.

"Kasalanan mo yan! Hindi ka nag-iingat. Ilang beses ko ng sinabi sayo na ayokong mabuntis ka. Binigyan na kita ng mga pills para hindi ka mabuntis. Leche. Pina-iinit mo lang ang ulo ko!"

"Hindi ko naman sinasadya. Nakaligtaan ko lang ng isang araw ang uminom. Hu hu hu!" Hagulgol ng iyak si Renalyn.

"Tanga ka pala! Hindi ko na kasalanan iyan. Alam mong may asawa at anak ako pumatol ka pa!" Tumayo siya at nagbihis.

"Magbihis ka na. Gagabihin akong masyado!"

Walang nagawa si Renalyn kundi ang sumunod kay Hernan.

Kinabukasan ay hindi pumasok si Renalyn sa trabaho. Hindi naman siya hinanap ni Hernan. Isang tawag ang natanggap ng kanilang supervisor. Nagpatiwakal si Renalyn. Hindi nakaramdam ng lungkot si Hernan bagkus ay si Renalyn pa rin ang sinisisi niya. Walang may alam ng kanilang relasyon ni Renalyn.

Muling sumulat ang daliri sa salamin.

"EDNA"

Naisip niya si Edna ang barkada at kamag-aral ng kanyang anak na dalagita. Labing anim na taong gulang. Nakatira si Edna malapit sa kanilang apartment. Tuwing Sabado at Linggo ay nasa kanila ang bata. Natukso siya sa murang katawan ni Edna. Lagi itong nakamaiksing short na halos litaw na ang itinatago.Malaking bulas na babae si Edna. Kapag walang nakakakita sa kanilang dalawa ay kinakausap niya si Edna.

Ang Salamin  (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon