Chapter 1

0 0 0
                                    

       The Forest and The Old Man







" Lo... bakit ba kayo maghahanap ng matatayoang bahay sa loob pa ng gubat?? Delikado po kaya don. Tsaka isa pa, gusto ko po kayong makasama dito sa bahay. Alam nyo namang ayaw kong maiwan mag isa na kasama sina mommy dba? Lo naman eh.. " pakaiusap ng batang lalaki sa kanyang lolo.






" Dad tama po si Tyron. Dumito nalang po kayo di naman namin kayo tinataboy eh. Gusto ka naming makasama. " sabi naman ng ama ng bata na syang anak naman ng matanda.





Ngunit sa kabila ng pangungumbinsi nila ay di na napigilan ang matanda sa kanyang kagustuhang tumira ng matiwasay sa isang tahimik at magandang gubat. Ilang buwan lang ay nagpagawa na ito ng bahay doon mismo sa gitna ng gubat. Lingid sa kanyang kaalaman na ang gubat palang iyon ay ang gubat kung saan nangyari ang pagsumpa sa isang dalaga...








Ang nagustuhan pala niya doon ay ang napaka bango nitong amoy na gugustuhin mong amoy amoyin araw araw. Ang bantot pala ng bulaklak ay tumatalab lamang sa mga masasamang tao pero dahil sa mabuting tao ang matanda kaya ito naging mabango.







Naging matiwasay at tahimik ang pamumuhay ng matanda sa gubat nayon. Binibisita na lamang siya ng kanyang anak at apo na patuloy parin sa pangungulit sa kanya na lumisan na sa gubat na yon.








Sa tuwing nag iisa ang matanda ay nakakaramdam sya ng presensya ng isang tao na para bang kasa kasama nya ito simula nang sya ay napatira doon. Hanggang sa di nya mapigilang mahiwagaan sa kinatatayuan ng kanyang bahay. Namuhay parin siya na parang normal sa kabila ng lahat, di na niya inalintana ang presensyang iyon dahil alam nyang di nya iyon ikapapahamak bagkus nakaramdam sya ng kasiyahan at gumagaan ang kanyang pakiramdam sa tuwing nararamdaman niya ito.







Hanggang sa.....





" bulaklak???... " nasambit nya ng mapadpad siya sa isang bahagi ng gubat at kung saan napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak ang isang talon. Di niya inakala na sa gubat na iyon ay may ganoon palang paraiso na nakatago at pawang iniingatan ng kung sino.





Sa gitna ng talon ay ang isang napakagandang uri ng bulaklak na kumikinang sa sinag ng araw. Bulaklak na kulay dilaw at berdeng berde ang mga dahon. Isa sa pumukaw sa kanyang interes ay ang amoy na kanyang nagustuhan sa gubat ay mas labis-labis ang kanyang naamoy ngayon na parang gusto na nyang manatili sa kanyang kinaroroonan.



......................

........

..................

2 years later




" dad... we better visit grandpa please??? Nag aalala na ako sa kanya. Ilang buwan na tayong di nakapunta don. Miss ko na si lolo.. huhuhu " iyak ng batang lalaki na si Tyron. Mas malapit kasi ito sa matanda kaysa kanyang mga magulang na laging busy sa trabaho.

" okay son. Prepare yourself pupuntahan natin ang lolo mo " sagot naman ng daddy nito. Lumaki ang ngisi ng bata sa narinig.



Matapos ang byahe ay nakarating na sila sa tahanan ng matanda at doon nila nakita na medjo mahina na pala ito. Sa kabila ng kahinaan ay di parin pumayag ang matanda na lisanin ang lugar na iyon. Inis na inis na ang kanyang anak sa kanyang desisyon pero pinabayaan na lamang nya ito hanggang sa nagpasya ng umalis ang mag ama.




" lolo.... ingat ka palagi ha? Kain ka ng marami at maligo palagi para di mabaho. Dadalaw ulit kami ni dad lo kaya wag po kayong mag alala... mahal na mahal ka po namin ni dad.. bye lolo " paalam ng bata. Niyakap naman ito ng matanda tsaka ito lumabas ng kanyang bahay at tuluyan ng nakalabas ng gubat.




Napangiti ang matanda dahil sa kahuli hulihan nasilayan nya ang kanyang apo at anak.




" ikaw na ang bahala sa kanila panginoon ko. Sa aking paglisan, bahay koy naway kanyang ingatan... " sabi nito bago pumasok ng bahay.





....................


........
.

..............



.............................




Di nagtagal....
Lumipas ang ilang buwan, pumanaw na ang matanda. Doon na lamang sa gubat isinagawa ang libing. Kunti lamang ang dumalo dahil ang iba ay nababantotan sa amoy ng gubat na ipinagtaka naman ng iba pero isinawalang bahala na lamang muna nila ito bilang respeto sa patay.







Matapos ang libing ay nagsipag uwian na ang iba at tanging naiwan ay si Tyron at ang mga magulang nito.





" should we destroy this house?? " tanong ng mommy ni Tyron.





" please don't mom... ito nalang yong tanging ala ala ko kay lolo. I should treasure this house yon ang lage niyang sinasabi sakin kapag bumibisita kami ni daddy sa kanya " sagot naman ng bata. Sinang ayonan naman ito ng kanyang mga magulang.






Nilisan na nila ng tuluyan ang gubat pero sa kahuli hulihang pagkakataon ay tiningnan ito ng bata.








" I'll be back " huli nitong sabi.

...................................

....................


.....................................




...................













......................................................................................
.........................................
.................................

Thanks for reading..
Please support this story
Hope you all like it

Vote and comment is needed and very much appreciated but not obligated. Ay tama ba??. Hahaha

Paki intindi nalang po... 😉😉

Flower GirlWhere stories live. Discover now