Elreinne POV
Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko dahil may tumatawag kaya napaupo ako sa kama at kinusot-kusot ko ang mga mata ko.Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag.
"Elre!Are you back in the Philippines?" saad niya.
"Hello? Samy.Sorry kung di kita natawagan na uuwi na ako ng Pilipinas.I just woke up from a deep sleep.You know I'm tired"
"Okay lang,bukas na lang kami pupunta ni Kurt diyan.Sige,see ya,Elre!" binaba ko na ang phone.Alam ko na pag si Samy kausap ko hahabaan pa niya usapan namin.Pagod ako at wala ako sa mood makipagdramahan.Kahit ganun yun mahal ko yun.
Tumayo na ako tsaka inayos ang kama ko.Nagpalit ako ng oversized na kulay itim tsaka nagsuot ng maikling puting short bago lumabas.
Lumabas na ako at bumaba sa hagdanan.Bumungad agad sa akin si daddy na nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo sa sofa sa sala suot ang kanyang salamin.Pupunta na sana ako ng kusina ng kinausap niya ako.
"Elre,may meryenda dun sa kusina samay lamesa at kape.Mag meryenda ka muna.Alam kong pagod ka sa biyahe.Pagkatapos mo diyan.We need to talk!" tumingin siya sa akin.
"Talk about what?" tinaasan ko siya ng kilay."About your-" di ko na siya pinatapos kasi alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin."What? About Mom? I don't fucking need her! I don't want hear her name.I don't want to talk about it.Dad!" I coldly say.
Tinalikuran ko siya nang walang ka imik imik.I don't need her.Tinungo ko ang kusina at bumungad sa akin ang isang plato ng pandesal at isang basong kape.Nakita ko si manang na naghuhugas ng plato.Yinakapa ko siya sa likuran at nagulat siya at napaharap siya sa akin.
"Elre,namiss kita aking anak" pinipisil ang aking pisngi. "Namiss din kita,nanang!" yinakap ko siya ng mahigpit.Mahigit 20 years na nagtatrabaho si manang sa amin halos siya na ang mama ko dito.
"Namiss ko ang pag-aalaga mo sa akin.Namimiss talaga kita nanang!" yinakap ko siyang mahigpit para ko na siyang tunay na ina.Hindi niya ako pinabayaan nung bata pa ako.Halos di nga nag-asawa at nagkapamilya si nanang eh kasi may pamilya naman daw siya at kami 'yun.
"Namiss din kita,Elre.Matagal kang nawala dito." binigyan niya ako ng matamis na ngiti na matagal ko ng di nakita sa kanya dahil nagkalayo kami ng 4 na taon.
Siya ang nag-alaga sa akin nung bata pa ako.Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.Never niya akong iniwan at pinabayaan.Kaya mahal na mahal ko siya para ko na siyang pamilya.
"Sige na anak at maglalaba pa si nanang mo" ngumiti siya sa akin at tsaka hinalikan ako sa noo at tsaka lumabas na siya bahay.
Umupo na ako sa lamesa at kumain ng pandesal.Inilagay ko ang phone ko sa tabi ko tsaka uminom na ng kape.Biglang tumunog ang phone ko at may tumatawag.
Unknown Number.......
"Hello,Samy mamaya kana tumawag pagod pa ako galing sa byahe.Sana maintindihan mo." akala ko si Samy pero hindi pala.
"Hello..Anak..?" isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"WHO THIS!?" nagtaas ako ng kilay.
"It's your mom..Mommy Soleil!" naiiyak niyang sabi.
"Ba't ka tumawag? Para kumustahin ako? Di ako magiging okay hanggat di mo kami titigilan ni daddy.We don't need you and of course I don't fucking need you.Bakit ka pa nagparamdam? Please tigilan mo na ako.Di kita kailangan.Huwag ka ng bumalik sa buhay ko.Please don't make my life more miserable.Ayoko sa 'yo.Tangina naman eh.Ayokong makita ka.Never akong magpapakita sa 'yo.Matagal na kitang kinalimutan." galit kong sabi sa kanya at padambog na binaba ang phone ko at ayokong marinig ang sasabihin niya.
Lumapit si daddy sa akin tsaka umupo sa tabi ko na upuan."Sino ba 'yang kausap mo? Ba't ka nagmumura?" seryosong tanong niya sa akin.
"Si mom! Ayokong makita siya.Papayagan ko siyang makita ako pero ayoko siyang makita.I don't need her.Tangina! Hindi natin siya kailangan daddy.We can live without her.Ba't kailangan niya pang magparamdam it's almost 8 years since she left us then ngayon lalapit-lapit siya sa akin sa atin? No way." galit kong sabi at I sarcastically smile.
"Elre,mom mo parin siya.Naging part siya ng buhay na'tin.Sabihin man nating iniwan niya tayo pero alam ko nanay parin siya ng anak ko.Masakit man sabihin pero kailan pa rin nating tumuloy sa buhay." seryoso niyang tugon.
Kinuha ko ang kape at inunom ito."Yan kasing problema sa 'yo dad.Sobrang bait mo kahit nasasaktan ka na ngumingiti ka pa din.Pinapatawad mo pa din ang taong di dapat patawarin." tiningnan ko siya ng walang emosyon.
"Elre,kailangan nating magpatawad para maging masaya naman ang buhay natin."
"Ako ba masaya ba ako? Siya ang dahilan ng pagka miserable ng buhay ko pilit ko mang kalimutan ang nangyari,Dad but patuloy paring nirereplay ng utak ko ang masakit na nangyari sa atin.Lahat ng ito siya ang dahilan." inilapag ko ang baso na may kape sa lamesa at umupo ng maayos.
Tumayo na ako tsaka iniwan siya ng walang imik.Pero napatigil niya ako dahil sa sinabi niya.
"Dadating ang araw na kakailanganin mo siya.Kailangan mo siyang patawarin para makalaya ka sa kulungan na sumira ng buhay mo." dinig ko saad niya sa likuran ko habang patuloy na nagbabasa siya ng dyaryo.
Nagpatuloy ako sa pag akyat sa hagdanan patungo sa kwarto ko.Alam kong kailangan ko siyang patawarin pero ang alam ko ay hindi pa to ang oras para patawarin ko.
Pumasok na ako sa kwarto ko tsaka ko humiga sa kama.Tumingin ako sa kisame.Marami akong naalala sa bahay na ito.Dito kami nagsimula bilang isang pamilya.
Napagod talaga ako sa byahe kanina.Di ko namalayang nakatulog na ako nang mahimbing.
Mr.Eleigo POV
Alam kung ang mama niya ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.Noon, napakalambing niyang bata at napaka expressive pero ngayon nagbago siya mula nung iwan kami ng mommy niya.She's cold,not expressive person.I'm miss the old Elre but we have to face the reality na nagbago na siya.
Ramdam ko na may namumutawi na galit sa puso ni Elre dahil sa mom niya.Kailangan ko pa siyang bigyan ng panahon.
Gustohin ko mang makalaya siya sa kulungan ng galit hindi ko siya basta-basta na makakawala dun alam kong galit din siya sa akin kaya ganun na lamang ang pakikitungo niya sa akin.Bulakbol siya school at marami siya bisyo.Mahilig gumala kasama ang barkada kahit ilang beses ko man siyang sitahin di na siya nakikinig sa akin.
Pero,narealize ko ba't mas masaya siya sa ginagawa niya kasama ang barkada niya.Ba't kahit anong gawin ko na bonding namin di siya nagiging masaya?
Sana umabot ang tamang panahon na mapatawad niya ang mama at ako na rin dahil sa ginawa 'ko.Alam kong ako ang dahilan ng pagkawasak ng pamilya namin pero di ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoong nangyari.
.
.
.
Pero..
Di pa ito ang oras para sabihin sa kanya ang katotohanan.
YOU ARE READING
White Lies
Teen FictionSome strangers in this world can change someone's destiny! Are they really destined to each other? If they treat each others as MORTAL ENEMIES!? How can an accident change someone's life with love? They fight. They fall. They became lovers. They bec...