Chapter 4: Meet her Mom

2 1 0
                                    

Elre POV

Seryoso ata ang iniisip ni Kurt.Baka nung nangyari sa amin 5 years ago.Ayaw ko nang bumalik don basta ang importante may closure kami,kaibigan ko siya.

Natapos na namin ang palabas na pinanood namin.Lumabas na kami ng sinehan at pansin ko lang nakangiti na lumabas si Samy.

"Hoy!" sigaw ko kay Samy habang pangiti-ngiting siyang tumingin sa phone niya.Tinarayan niya ako at sinamaan ng tingin.

"Ba't ba?"

"Ano yang pangiti-ngiti mo?" siniko ko siya kaya muntikan na niyang mahulog ang phone niya.

"Tangina! Secret!"she rolled her eyes towards me tsaka tinarayan niya ko.Kahit kailan talaga 'tung babaeng 'to may topak sa ulo.Iba-iba ang mood.

"Tara,Kurt.Libre kita ng milktea.Ikaw lang huh?" lumapit ako kay Kurt tsaka dumikit sa kaniya.Pinariringan ko lang si Samy.

"Ako din!" lumapit siya sa akin tsaka pinulupot niya ang isa niyang kamay sa akin.

"Ayoko ko nga! May pa secret ka pa diyan!" tinarayan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Kami na kasi ni Venter" mahinang sabi niya sa akin.Ah! Kaya pala ganiyan ka kasiya mukang mas papakasalan pa niya ang cellphone niya.

"Putek,talaga ba?" sinisiko-siko ko siya alam ko kasing 5 years na silang M.U pero finally sila na din.

"Saan tayo pupunta?" hinarap ako ni Samy upang harangan ang daanan ko.

"Kakain syempre.Saan tayo sa Mang Inasal?" luminga-linga ako upang hanapin ang Mang Inasal dito sa Mall.

"There! Tara na!" lumakad na kami patungo sa Mang Inasal.

Pagkapasok pa lang namin pumunta agad si Samy sa orderan pero kami ni Kurt umupo na lang.Maya-maya natapos na din omorder si Samy tsaka sumama na sa amin umupo.Dumating na ang order namin tapos inilapag ito sa lamesa ng service crew nila.

Naghugas muna kami ng kamay tsaka nagsimula ng kumain.Habang nalalasap kami sa pagkain.May naaaninag na isang pamilyar na mukha.That's her! Anong ginagawa niya dito? Pilit ko siyang ayaw tingnan at iwasan pero alam kong lalapit siya dito.Maamo ang kanyang mukha at walang pagbabago ganun parin siya.Napakaganda parin niya.

Pumasok siya sa Mang Inasal at tinungo ang lamesa namin.Alam kong nakita niya kami.Patuloy pa din ako sa pagtingin kina Samy at Kurt mas tinuonan ko nang pansin sila keysa sa babaeng 'yun.

Lumapit na siya sa amin.Nasa gilid siya kaharap namin.Kaya napatingin kami sa gawi niya.

"Tita!?" kunot-noo na nakatingin si Samy sa amin.Tumingin siya sa akin pero ako walang emosyon na tiningnan siya.

Tumayo ako at iniwan ang kinakain ko at tinungo ang labas.Sumunod naman siya at alam ko naiintindihan ako nina Samy at Kurt.
Nagpagilid kaming dalawa tsaka ko siya hinarap nang walang emosyon.Yayakapin na sana niya ako pero lumayo ako at umatras.

"Ba't ka nandito?" kalma kong sabi pero sa totoo lang pinipigilan ko lang ang emosyon kong sumabog.

"Anak,Elreinne.I miss you so much!" nakangiti siya sa akin alam kong namimiss niya 'ko pero wala akong pake.

"Don't call me that name.I'm Elre!" gusto ko ng sumabog sa galit at inis dahil sa kanya. "Ba't ka ba nandito? Hindi ba sinabi ni Dad sa 'yo na ayaw kitang makita yang pagmumukha mo? Kanina gutom ako pero ngayon wala akon gana kumain dahil sa pagmumukha mo." inis ko siyang tiningnan.Napakaamo ng kanyang mukha.Nagmamakaawa ba siya?

White LiesWhere stories live. Discover now