Qeshaun Mackinley Alvarez
Active NowMalapit na kami sa school niyo
Sige chat mo nalang ako kapag nandito na kayo
Hahaha sige
Ay si Zaile nalang daw magchachat sayo kapag nandito na kamiBakit siya pa?
Hahaha sige off na ako
Haup
Hahaha
🖕
Seen———
Mack Zaile Ford
Active NowNandito na kami
Nasaan ba kayo?Nandito kami malapit sa stage
———
"Vhinny!"
Napatingin ako sa sumigaw. Si Shaun pala 'to. Kasama niya sina Callum at Zaile. Wow, mas lalo palang pogi si Callum sa personal hehe. Syempre si Shaun rin naman. Okay, hindi ko naman magiging crush si Zaile noon nung nakita ko palang siya kung hindi rin siya pogi diba?
Ngumiti naman ako at kumaway. Pansin ko ang pagsulyap ni Callum sa katabi ko- kay Tangela. Naks naman haha. Kilig na kilig na 'yan.
Si Shaun naman may sinulyapan rin. Malamang sa malamang si Jeonrie 'yan, haha. Ewan ko kung crush niya si Jeonrie pero sabi niya sa akin bet niya daw ang aking friend. Akalain mo 'yun, ang gwapong lalaki tapos nagsasabi ng bet?
Nagpunta lang kami sa ibat't ibang booths. Parang yung normal lang na intrams pero mas masaya ngayon na kasama ko sila. Bukod doon, hindi ako gumastos haha. Lahat nalang libre. Si Callum nililibre kaming lahat para hindi halata na may gusto siya kay Tangela hahaha. Ang cute ni Callum kiligin kapag nagkakatabi sila ni Tangela, pinapalobo pala pisngi kapag kinikilig.
Nandito kami sa bench ngayon upang magpahinga nang may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at hindi ko naman siya kilala. Napatingin ako sa suot nitong damit. Napalunok ako. Lagot, officer.
"B-bakit?" tanong ko rito.
"Ikaw si Vhinny Blythe Rodriguez diba?" dahan-dahan akong tumango.
"Ikaw si Mack Zaile Ford diba?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. May officer din na nakahawak kay Zaile.
"Yes" pasosyal niyang sagot. Napairap naman ako. Arte.
Hinila kami ng officers. "Saan niyo ba kami dadalhin?" tanong ko.
Hindi naman sila sumasagot ay nagpatuloy nalang sa paghila sa amin. Nakakunot ang noong nilingon ko si Zaile. Kalmado lang siya. Ay teka naaalala ko na, baka nahuli kami sa jail booth.
Nasa likod lang namin sina Callum at sumusunod sa amin.
Nang may bigla akong maalala. Shet, may wedding booth nga pala.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang ipasok kami sa wedding booth.
"Waaaahh! Ayokong ikasal sa hinayupak na 'yan!" pagwawala ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/208477289-288-k97039.jpg)
BINABASA MO ANG
Shared Post (Epistolary Series #2)
Teen Fiction"Miss, puro ka shared post" Where in a guy chatted this girl for sharing too much post. Unluckily, this girl is medyo mataray. They had war, walang nagpapatalo. But then, this guy is the girl's crush 3 years ago. How could she win kung siya ang nag...