It's been a busy day to Airi. Mula sa pag a ayos ng photos para sa February edition hanggang sa pagbabago ng main model for Mid 20's magazine.
"And now i'm back to zero haaa." Airi sighed. naglalakad siya pabalik ng condo unit niya ng may makita siyang convenience store. She stood in front of the glass door. Nakapamaywang at abot tenga ang ngiti.
"This calls for a beer!" Pumasok siya sa loob at bumili ng anim na beer at dalawang paketeng dried squid.
"Buti na lang at day off ko bukas." ani Airi na di mawala wala ang ngiti.
Nakatira si Airi sa isa sa mga condo sa Makati few meters away sa office ng Accents kaya hindi na niya kinakailangang mamroblema pa sa pamasahe at sa pag gising ng sobrang aga para pumasok.
Nasa loob na siya ng elevator ng condominium na magdadala sa kaniya sa tenth floor kung nasaan ang unit niya. Abala siya sa pagbabasa ng emails at messages sa phone niya ng bumukas ang pinto sa 8th floor at may pumasok na lalaki. At dahil may ginagawa siya ay hindi na siya nag abala pang tignan kung sino ito.
"Oh fuck. wait is it going up? oh shit now i'm late" iritado ang tono ng boses ng nagsasalita. Saglit niyang inangat ang ulo at tinignan kung sino iyon. Nasa harapan niya ang lalaki kaya't hindi na niya nakita ng maayos ang itsura nito. Nang bumaba ito ng 9th floor ay muli niyang ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.
"Weird guy" aniya sa sarili.
Nang makarating na siya ng tenth floor ay agad niyang pinuntahan ang unit niya na tatlong pinto lang ang layo mula sa elevator.
Airi pressed the doorbell and after a few seconds a guy wearing plain white tshirt and black shorts opened the door.
"Airi! Eh! Ano yang bitbit mo? Beers?"
"Ritsu help me! Ang bigat" Airi pouted at the six footed guy in front of her.
"Give me that." Kinuha niya ang dalang plastic bags ni Airi at ipinasok sa loob ng unit.
Dumiretso si Ritsu sa kusina at isa isang ipinasok sa refrigerator ang mga beers.
"Anong pumasok sa isip mo at bumili ka ng pagka dami daming beers aber?" kunot noong tanong sa kaniya ni Ritsu
Pabagsak na umupo si Airi sa sofa na kaharap lang ng kusina kung nasaan si Ritsu.
"It's my dayoff tomorrow and besides, ang daming changes sa next edition ng magazine so naisipan kong magpakalango sa alak hanggat may chance pa ako aaaah!! I'm tired!" Humiga na si Airi sa sofa ng lingunin niya si Ritsu.
"Wanna join me? Wala ka shift tomorrow right?"
"Well.. as long as wala kang masamang balak na gawin sa katawan ko after mo malasing eh sasamahan kita mag inom." natatawang sagot ni Ritsu.
"Baklang to. Kung sana straight ka baka pwede pa." nakangiting sagot ni Airi.
Ritsu Satori is Airi's japanese bestfriend na dito na lumaki sa pinas kaya't di hamak na mas fluent pa mag tagalog kaysa sa kanya. They both live in the same unit. It was way back college days ng magdecide si Ritsu na maging independent and at that time ay nakatira na si Airi sa condominium and she suggest the latter to live with her. Well Ritsu is gay kaya't kampante si Airi na walang ibang mangyayaring di kanais nais sa pagitan nilang dalawa.
The condominium unit is composed of two bedroom, a sala, a kitchen and a common bathroom. may space din for laundry and a veranda.
They made rules in living in the same condo unit para fair and there won't be any problem for them in the future.
---
"So? if you're planning to find a new model for the magazine through dating app that means you'll have to register to that tiner?" Ritsu asked.
"Of course Ritsu. Model ang hahanapin ko at hindi jowa kaya wala kang kailangang problemahin."
"Di ko naman poproblemahin kung magkaka boyfriend ka or whatsoever basta make sure na mag iingat ka sa mga kakausapin mong tao sa app na iyon." nagaalalang sabi ni Ritsu sa kaibigan.
"Want me to find you one?" lumabas nakakalokong ngiti sa mukha ng dalaga.
"No thanks. Di ako tigang and besides I already have someone I like." ani Ritsu na inisahang inom ang isang latang beer.
"Yun naman pa-- Eh?! Eh?! Sino!! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin!" tila hindi magkanda ugagang tanong ni Airi sa kaibigan
"Kasi hindi ka naman nagtatanong at isa pa busy ka sa trabaho mo na late ka na laging umuuwi kaya hindi na kita inaabala."
"Ritsuuuuu ... I'm so sorry" Niyakap ni Airi ang kaibigan na katabi niyang nakaupo sa sahig ng sala.
"Sorry saan? Naku ako nga tigil tigilan mo. Wala iyon hindi mo na ako kailangang problemahin." Inubos na ni Ritsu ang pangalawang beer niya saka tumayo.
"Oy wait. matutulog ka na? Iiwan mo na ako magisang uminom?" nakasimangot na tanong ni Airi.
"May aasikasuhin muna ako sa kwarto. may iniwan akong trabahong kailangang tapusin ASAP. balikan kita after saglit lang to. " ani Ritsu saka pumasok sa kwarto niya.
"keh. iniwan niya nga ako." namumula mula na ang pisngi ni Airi sa paginom ng tatlong beer at medyo umiikot na rin ang paningin niya ng maisipan niyang idownload na ang tiner app na gagamitin niya sa paghahanap ng magiging bagong mukha ng magazine niya. After installing the app, she opened it and sign up using her original name and her original photo.
After few minutes of drinking and swiping left dahil wala pa siyang makitang pasok sa panlasa niya ay tinamaan na siya ng antok and just before she decided to put down her phone ay may nakita siyang lalaki sa tiner na umagaw sa pansin niya.
It was a photo of a guy holding an electric guitar. Base sa background nito ay tila nasa stage siya at nasa harap ng mikropono. The details says; The guy named Haru Aquinas, 27 years old from Makati.
"Is he a performer? He looks quite handsome" and before Airi knew it ay na swipe right na niya ito.
"Hopefully mag match ng magkaron ako ng chance makausap siya. He migh fit the image." Airi nodded to herself. She put down her phone on the table and yawned. Hindi na niya namalayang nakatulog na siya sa sala.
--
Few minutes later, Ritsu went out of his room.
"Airi I'm don-- Ara, ara, She fell asleep drinking. " nakangiting nilapitan niya si Airi at binuhat ito papunta sa kwarto at doon inihiga ng maayos.
"Sleepwell Airi." He kissed her on the forehead and went out of the room to clean the mess.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
RomanceAiri, a 27 year old fashion magazine editor was assigned to find a new male model to be Accents new face for February's Valentine edition and came up with the crazy idea of looking through a dating app. . There she met Tomoharu. An underground band...