Jaehyun Jung
Active nowJaehyun Jung
Don't post anything muna.
Asan si Lisa?Rosé Park
Nasa kusina.
Should I deactivate my account?Jaehyun Jung
Ikaw bahala.
Wag ka na muna lumabas ng bahay.Rosé Park
Asan na ba kayo?Jaehyun Jung
Village gate 1
Malapit na daw sila Wendy.
Kasama nya bf nya.
Nagpapasundo sa amin sa gate 1.Rosé Park
Ok ingat kayo dyan.---
Napatingin ako sa bintana ko ng makaramdam ako ng kakaiba. i fely like someone is watching me. Sumilip ako sa bintana. Napa-atras ako ng makakita ako ng lalake na naka Mask na nakakatakot, nakasilip sa poste at nakatingin sa Direksyon ko. Patago akong nakasilip. Ngayon ay di na sya nakatago. Nakatayo lang sya dun at nakatingin sa bintana ng kwarto ko.
Pabilis ng pabilis ang takbo ng puso ko. Kinakabahan ako. Please, tigilan nyo na ako! Kinapa ko ang phone ko na nahulog sa sahig at nanginginig na nagchat kay Jaehyun.
---
12:43 pm
Rosé Park
ANDITO NA SYA PLEASE
NATATAKOT NA AKO
AYOKO NAAA
NASA LABAS SYA NG BAHAY
NAKATINGIN SA BINTANA KOSeen 12:45 pm
Jaehyun Jung
Wag kang lalabas!!
Kasama na namin si Wendy
On the way na kami dyanSeen 12:47pm
-
--
Magrereply sana ako pero napasigaw ako ng mabasag ang bintana ko. Napatayo ako at nakita kong nakatutok ang baril nya sa bintana ko. Agad akong dumapa at nag tago sa sulok ng kwarto na nahaharangan ng aparador. Rinig ko ang sunod-sunod na pag putok ng baril at ang pagbasag ng mga bagay sa.loob ng kwarto ko. Naririnig ko din ang sigaw ni Lisa sa baba pero wala ako magawa.
"AAAAAAAHHHHHHHH!!!!" Nakaramdam ako ng paghapdi sa braso ko. Nadampian ako ng bala. Wala ako magawa kundi ang sumigaw. Natatakot na ako! Ayoko nang ganto! Please!! Patigilin nyo na to!!
Ilang segundo pa ay nawala ang tunog ng baril. Sa di kalayuan nakarinig ako ng sirena. Mga pulis. Nakapikit lang ako habang pinapakiramdaman ko lang ang paligid ko.
Malakas ang Sirena ng mga pulis na sa pagkakatansya ko ay tumigil sa tapat ng bahay ko. Nakarinig ako ng sigawan sa baba at mas lalo akong natakot. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi nauubos ang luha ko. Nahihirapan na ako huminga dahil sa alikabok at sa pag-iyak ko. Hanggang ngayon nakapikit lang ako. Ayoko makita ang nangyare sa kwarto ko. Ayoko makita ang nakakatakot na nangyare.
Nakarinig ako ng mga hakbang sa labas ng kwarto. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa sarili ko. Pinipigilan ko rin ang sarili ko na manginig. Napasigaw ako ng may sumipa ng malakas sa pinto ng kwarto ko dahilan ng pagkabukas nito.
Third Person's POV
"PLEASE WAG!!! WAAAAG!!" Nagkatinginan ang dalawang pulis na nag bukas ng pinto dahil nakarinig sila ng sigaw ng babae at sinundan ng malalakas ng hikbi. Yumuko ang isang pulis at nakita si Rosé na nakatago sa ilalim ng study table at nahaharangan ng Aparador.
"ANDITO SYAA!!" Sigaw ng Officer. Agad naman tumakbo pataas si Jaehyun at Wendy. Napatingin sila sa pulis na nakaluhod at parang.may pinapa-among pusa sa ilalim ng Lamesa."Miss maayos na ang lahat. Pwede ka na lumabas." Hindi pa rin nalabas si Rosé at nag-aalala na si Wendy. Lumapit si Jaehyun at pinatabi ang pulis. Lumuhod ito at nakita nya ang kalagayan nito.
"Rose." Ibinukas ni Rosé ang mga mata nya ng marinig nya ang malumanay na boses ni Jaehyun. Gumapang ito papalapit kay Jaehyun at niyakap ito. Humagulgol sa iyak si Rosé at nakita ng buo ni Wendy ang kalagayan ng kapatid. Napaatras ito at napatakip ng bibig.
"T-tatawag ako ng ambulansya!!" Tumakbo palabas si Wendy at maririnig na tinatawag nya ang bf nya sa baba.
Mabilis na tumaas sila Taeyong at pumasok sa kwarto. Napatakip sila ng bibig ng makita nila ang sira-sirang gamit at si Rosé na umiiyak.
"Please.. Tahan na." Nagpipigil si Jaehyun ng luha dahil di sya makapaniwalang, na ang babaeng kausap nya lang kanina sa cellphone, eto na at napahamak. Bumitaw sa pag kakahigpit na hawak si Rosé na ikinagulat ni Jaehyun. Tinapik nya ang dalagang biglang natahimik.
"Rose?! HEY! Wake up, Baby!" Kahit anong gawing gising nya ay wala pa rin. Binuhat nya to nagulat naman sila Taeyong.
"Anong nangyayare?!" Tanong ni Taeil.
"AMBULANSYA!! KAILANGAN NATIN NG AMBULANSYA!!" Sigaw ni Jaehyun habang mabilis na nilabas si Rosé. Namantyahan na ng dugo ang kanyang damit pero binalewala nya lang to.
"Parating na ang ambulansya. " Sabi ni Wendy na natataranta. Napatakbo naman si Lisa sa kaibigan nyang walang malay.
"ANONG NANGYARE?! ROSÉ!!" Sigaw nito. Pinigilan naman sya ni Ten at pinakalma sa isang tabi. Inilabas na nila si Rosé ng marinig na nila ang ambulansya.
"Bilis! Bilis!!" Natatarantang sigaw ni Jaehyun. Pagkarating ng ambulansya ay nilagay na agad si Rosé sa likod at nilapatan ng first aid.
"Dadalhin po ang pasyente sa ospital" Pagkasabi ng paramedic ay tumaas si Jaehyun. Isinama na rin si Lisa dahil sa mga ilang gasgas nya.
"Aasikasuhin muna namin to ni Eric. Susunod kami dun." Sabi ni Wendy. Tumango naman si Jaehyun at napatingin kay nila Taeyong.
"Sumunod kayo!" Sabi ni Jaehyun. Tumango sila at tumakbo papunta sa mga sasakyang na ginamit nila.
Sinara na ang pinto at nag simula na mag drive ang isa sa mga paramedics. Patuloy lang sa pagbigay ng first air ang isang paramedic na nasa loob. Chineck nya rin si Lisa kung may iba pang sugat na malala. Hinawakan naman ni Jaehyun ang kamay ni Rosé.
"Please... Gumising ka na.."
BINABASA MO ANG
#𝟏 | ❝𝐍𝐎𝐓𝐄𝐁𝐎𝐎𝐊❞ ;ᴊ. ᴊᴀᴇʜʏᴜɴ
Short Story❝ Miss yung notebook ko po, nagkapalit tayo. ❞ × 𝒲𝒽𝑒𝓇𝑒 𝒾𝓉 𝒶𝓁𝓁 𝓈𝓉𝒶𝓇𝓉𝑒𝒹 𝓌𝒾𝓉𝒽 𝓉𝒽𝑒 𝓌𝓇𝒾𝓉𝒾𝓃𝑔𝓈 𝒶𝓉 𝓉𝒽𝑒 𝒷𝒶𝒸𝓀 𝑜𝒻 𝒽𝑒𝓇 𝒩𝑜𝓉𝑒𝒷𝑜𝑜𝓀. × ℕ ℂ 𝕀 𝕋 𝕐 𝕊 𝔼 ℝ 𝕀 𝔼 𝕊 # 𝟙| 𝒥.𝒥𝒶𝑒𝒽𝓎𝓊𝓃 𝐸𝓅𝒾𝓈𝓉❀𝓁𝒶𝓇...