Kabanata 1:Entrance Exam
1 year later ....
Klangggg!!!! Klangg!!!
Ang ingay!! Naman oh! Natutulog pa ako ehh!! Tinakpan ko ng unan ang tenga ko. Para maibsan ng unti ang ingay.
"Gising na!! Cheska!!! Wake up!!"
Klangggg!!!! Klangg!!!
"Entrance exam mo na!!!"
Napabalikwas ako ng bangon sa aking narinig! Ngayon na ang entrance exam ng Zephyr Academy! Bakit nawala sa isip ko! Wahh~~~ kasalanan ito ng t.v kagabi eh napuyat tuloy ako!
"Ma ba't di niyo ako ginising ng maaga?"naiinis na tanong ko at dumiretso na sa palikuran
" aba't ako pa ang sinisi mo? Kita mong kanina pa nakalansing ang kawali ko" tugon nito
Imbis na makipagbangayan kay ina naligo na lang ako.
"Ma anong oras na po?" this time mahinahon na nagtanong ako kay mama.
"7:25 na" tugon nito "hala at ihahanda ko na ang gamit mo! Ikaw talagang babae ka" pagsesermon nito sa akin.
Malalate na ako! Gamit ang kapangyarihan ko mabilisan akong nag asikaso.
Perks of having electric as your power. I conserve a lot of mana para talaga ngayon. And im really sure that im ready!
Nakabihis na ako ng black hoodie at short. I put my hair on a mess bun then i used my black converse shoes. Dito ako sanay lalo na kapag nakikipaglaban.
Humalik ako sa pisngi ni ina. At niyakap ito. May isang luha ang tumulo sa aking mata.
"Kapag nandito ang ama panigurado proud na proud siya sayo" malumanay na sabi ni mama habang hinahaplos ang buhok ko
'I know' mahinang bulong ko
Beeppp!! Beeppp!!
Tinuyo ko ang aking luha at sa huling pagkakataon hinalikan ko ito sa pisngi.
"Good by----"
"No goodbye's mother magkikita pa tayo" nakangiti kong sambit.
"see you soon mother" kumaway kaway pa ako at sumakay na sa bus na ang sa tingin ko ay ang maghahatid samin sa school.
" your card?" tanong ng parang konduktor ng bus
Kinuha ko sa bulsa ng aking hoodie ang card na may logo ng school sa harapan.
Inabot ko sakanya ito at pinapasok niya na ako.pinagtitinginan ako ng iba pero di ko sila pinansin at humanap ng bakanteng mauupuan. Halos mapuno na ang bus pero sa pang-apat sa may kanan malapit sa bintana may bakante pa. Doon ako umupo sa tabi ng babaeng may headset na mukhang tulog.
Since katabi ko ang bintana kinawayan ko si ina sa labas. Hindi nakatakas sa mata ko ang pag patak ng luha nito and i saw her mouthed 'im so proud of you. Becareful'
Thank you mother.....Thank you
Pagkadaan ng isang taon mabilis na naimpluwensyahan ng Human Race ang Magic World. Simula sa gadget , pananalita at ang pananamit. May mga bagong armas na rin pero iilan lang ang gumamit.
Mahaba-haba pa ang biyahe kaya kumuha ako ng lollipop sa bag ko at kinain ito.
Puro ulap lang ang makikita mo dahil sa bus na ito ay sadyang pinagawa para sa mga estudyante ng Zephyr academy lang.pinapagana din ito ng mga Air user.