Rakrakan

8 1 1
                                    

"To die by your side is such a heavenly way to die.."

Nandito ako sa gitna ng kumpulan ng mga tao... Maingay.... Masasaya ang mga mukha nila kasama ang kanilang mga kapareha... At ang lahat ng kanilang atensyon ay nasa entablado tutok na tutok sa iba't ibang bandang tumutugtog ng buong puso sa harap ng maraming tao.

Sabay na sabay ang mga wagayway ng kamay sa indak ng musika kaya upang hindi maisip ang mga susunod na yugto nitong kabanata nakisabay na rin ako at sumabay dito... Ngunit di namalayang may isang lalaking pilit na sumisiksik galing sa labas patungo rito sa gitna..pilit siyang nagsasalita ng "makikiraan po" habang binabagtas ang daan na alam kong sa aking landas ay papunta.
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang aking nadarama... Malalakas na pintig sa puso ko ang tanging naririnig ko ngayon.

Lumapit ka.

"Stella can I talk to you?" ani niya sabay turo sa labas ng maraming tao dito sa konsyertong ito.

Huminga ako nang malalim dahil alam ko na... Eto ba yung tinatawag na instinct?... Siguro nga..

Nakatitig lang ako sa kanya.

"Stella??" tanong nito

Ngumiti ako at tumango nang dahan dahan.

Iaabot ko na sana ang aking kamay ngunit bigla siyang tumalikod kaya muli ko itong binawi at sumunod sa kanya.

Pagkalabas namin sa kumpol ng mga tao naaninag ko na Rivermaya na ang susunod na mag tatanghal ngunit inaayos pa lang ang mga gamit nila.

Sa banda parin ako nakatingin nang pukawin ang atensyon ko ni Vince.

"Tara na baka nagsimula na sila hindi natin pwede palagpasin to oh best band to diba?" ani ko habang pilit na pinipigil pumatak ang mga luha.

"Alam ko na alam mo na...and I'm really really sorry stella sana mapatawad mo ko..." ani ni Vince

Pero hindi ako dito pinaka nasaktan
Mas nasaktan ako sa sinabi niyang...

"Kami na ni avrila at nagmamahalan na din kami. Sorry alam kong mahirap pero sana mapatawad mo parin ako" ani ni Vince.

Napangiti lang ako ng marahan .
At sabay sabing

"Wala naman din akong magagawa eh" pangiti kong sinabi habang pinipigil ang mga luhang kung may buhay lang ay kusang raragasa sa aking mata.

Di ko na rin pa kinaya at eto na nga sinisipon na nga ang aking mata.

Pinunasan niya ito gamit ang bimpong paborito niya na may burdang V sa ibabang parte at pagkatapos nito ahhhh... Ako nga pala ang nag burda non.

"Sorry sobrang sorry sana mahanap mo na yung taong para sayo" sabi niya kasabay ang ngiti na alam komg ngayon ko nalang uli maaaninag.

Aalis na sana ako ngunit bigla siyang nagsalita

"Ihahatid na kita sorry kung pinapunta pa kita rito" ani niya

"Hindi na okay lang sakto Rivermaya na din oh haha" sabay ngiti ko ng pilit habang sunod sunod na rumagasa ang aking mga luha.
"Okay lang sayang din tong nabiling ticket, pang apat na din pala tong rakrakan no?"

Tumango siya at ngumiti.

"Sige pasok na ko... Salamat"

Hindi ko na hinantay pang magsalita siya at tuluyang nilisan ang lugar na yun. Nang makalayo ako ay hindi ko rin napigil na lumingon at pag ka kita ko magkasama na sila ni avrila. At don ko napagtanto...na hindi ako..hindi na ako ang kasama mo... Hindi na ako yung buddy mo... Hindi na ako yung kasama sa lahat ng concert ng mga paborito nating banda.

ReasonsWhere stories live. Discover now