Ahon

8 0 0
                                    


Apat na buwan na din ang nakalipas magmula nung natapos yung rakrakan at eto ako ngayon medyo okay okay naman na. Nalaman ko rin na buntis pala si avrila yung girlfriend ngayon ng ex boyfriend ko kaya kahit ganun na meron akong sama ng loob sa kanya iniisip ko nalang na para sa bata yung ginawa niya para hindi na rin ako masyadong mainis o magalit sa kanya.

Tinutok ko na rin ang sarili ko sa trabaho para hindi na rin makapag isip ng kung ano ano.

Siguro mag dadalawang buwan na rin simula nung last akong kinontact ni clint medyo naging malapit na rin kami sa isa't-isa pero nung last na nag-usap kami ay nagpaalam siyang medyo mawawala muna daw sa social media ganun narin sa mga contacts niya at hindi na ako nagtanong dun dahil alam ko naman ang salitang privacy kaya ayun sabi ko nalang sa kanya na mag iingat siya kung san man siya pupunta. Kahit siguro ilang buwan palang kami nun na magkakilala ay hindi na rin kami masyadong naiilang at sobrang click na namin dahil maraming mga bagay na magkasundo kami, kaya nalungkot din ako dun sa sinabi niya na medyo mawawala muna nga daw siya.

Kakatapos lang ng trabaho ko ngayon at nag iisip na nga ako kung san na pwedeng tumambay somewhere here in manila pero badtrip dahil nag chat sa gc namin etong secretary ng pinaka head samin at meron daw kaming emergency meeting. Nagtatrabaho ako sa isang banko dito sa manila kaya napilitan na rin akong kumuha ng condo rito para less hassle kasi kung uuwi ako sa bulacan everyday delubyong traffic ang haharapin ko.

Pinapunta kami dito sa isang branch ng banko na pinagta trabahuhan ko at  paakyat na ako ngayon dito sa 5th floor ng bilang na padarausan ng emergency meeting. Medyo late na nga din ako kasi napansin kong nagsasalita yung pinaka head namin kaya sumingit nalang ako dito sa side ng mga katrabaho ko.

"Vien, kanina pa ba nagsimula?" tanong ko sa katrabaho ko na naging kaibigan ko na rin, siya lang ang naging sobrang ka close ko dito dahil magka batch kami nung college at ngayon parehas narin kami ng napasukang trabaho.

"Oo teh ang tagal mo, umuusok nanaman ang ilong ni madam valerie nagkaroon daw kasi ng problema sa branch natin sa Iloilo eh tapos parang kinulang sila dun ng tao kaya ngayon parang sa atin kukuha, juskels di ko keri dun medyo malalayo tayo sa kabihasnan hahah" saad nito, pagkatapos niya magsalita ay nagulat nalang kami na nakatingin na samin lahat ganun rin ang nagliliyab na si madam valerie na sa akin ngayon nakitingin nakakatakot ang titig niya na para bang kakainin ako ng buhay.

"patay" bulalas ko.

"talagang patay" ani ni vien.

"It looks like you have an agenda there Ms. Stella and Ms. Vien, can you include us in your discussion?" taray nito at talagang nanlilisik ang mata. Isa lang ang pumasok sa isip ko

We're doomed.

"I'm really sorry maam we don't intend to interrupt your discussion" ani ko at tsaka yumuko.

"Yes ma'am were really really sorry" sabi ni vien na magkasakop ang palad na tila hiyang hiya sa aming nagawa.

"Nariyan na rin so my dear workmates you have to thank Ms. Vien and Ms. Stella because they will be the one to go to Iloilo, naisip ko kanina na magbunutan eh pero since kayo ang pumukaw sa attention ko then you two will go to Iloilo" ani nito sabay ngiti ng plastic sa aming dalawa ni vien, shet hindi ko alam kung paano ako makakapagpaalam nito kay nanay at kung paano ako dun lintek talagang kapalaran to.

"Ah ma'am with all due respect I'm really sorry I have to reject your offer or should I say request cos my mom is in bulacan and I don't have any relatives or acquaintance there in Iloilo" tinry ko parin na mag object kahit alam kong dehado ako dito, malabong pumayag si Ms. Valerie na umatras kami no! Ayan pa! Pero subok parin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ReasonsWhere stories live. Discover now