Its been a week mula ng magsimula ang klase,everything goes smoothly.At na appoint ako bilang Vice President ng klase.Si Erich yung president. Sa isang linggo sinimulan ko naring kulitin si Ethan,wala lang hindi ko sya totally gusto pero para lang may pagkaabalahan ako kinulit ko sya ng kinulit.At mukhang effective naman kase medyo pinapansin na nya ko,through chat nga lang kaya hindi ko sya matignan ng diretso.
Nakatungo ako sa desk ko habang wala pang teacher ng biglang nagsalita yung seatmate ko si Kaye.
"Alam mo feli si Cedric muntikan ng maging kame nyan eh,childhood friend ko kase yan,tas boybestfriend ko pa ,kaso wala eh di na namin inentertain masyado yung ganun"sabi nya habang nakatingin sa diretskyon ni Cedric na di kalayuan sa upuan namin.
"Weh? mukha naman siyang mabait tsaka friendly eh"pagsangaayon ko sa kanya
"oo,writter din sya tulad mo,sumusulat sya ng tula,spoken mga kwento at nagbabasa ng wattpad."dagdag pa nya
Ayos din pala si Cedric e,medyo simmilar kaming dalawa,sayang talaga may girlfriend sya.Bumalik ako sa realidad ng dumating ang teacher namin sa TLE,mukhang may reporting nanaman.
"Okay class irereport nyo ang slide na ito in 5 minutes,pumili kayo ng magrereport sa group nyo pero pag maingay kayo ako ang pipili ng magrereport ,now go to your group"pagbibigay istruction ng teacher namin.
Nagstart na kaming idiscuss yung irereport namin ako naman tahimik lang na ineevalute sa utak ko yung irereport incase na ako yung magrereport.Hayts halata naman na ako yung magrereport e at mukhang wala naman akong choice.
"Brennan ikaw magreport satin ah"sabi ng isa kong kagrupo
"okay"yun lang ang sinabi ko at tumungo na sa desk ko ulitNang kami na ang magrereport tumayo na ko wearing that serious face of mine at nagsimula ng maglakad sa Aisle all eyes on me at medyo naiilang ako dahil ito ang unang reporting ko this quarter.
"GOOD MORNING SIR AND CLASSMATES OUR REPORT IS ALL ABOUT---"paunang salita ko
Habang nageexplain ako hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Ethan at sa kasamaang palad yung mokong na yun ngising ngisi na parabang nang aasar.Medyo na didistract ako sa ginagawa nya na nakatitig sakin habang nakangisi kaya hindi ko nalang siya tinignan uli at sinubukang mag focus sa nirereport ko. Natapos ko ang reporting at nakahinga akong bumalik sa upuan ko.
"Ang galing naman talaga" pamumuri ng kaklase ko
"hehe"yun nalang ang nasabi ko sabay kamot ng ulo
"Cedric" tawag ko sa laalaking may hawak ng notebook
"Bakit feli?"sagot naman nya
"pabasa akoo huhu"nakangiti kong sagot sabay turo sa notebook nya na may mga nakasulat na tula"ETO OH" sabay abot nya ng notebook ng nakangiti
Sinimulan kong basahin ang mga sinulat nyang tula at nakakamangha kung gaano kalikot ang imahinasyon nya dahil narin sa paggamit nya ng mga salita.Kaya nyang paglaruan ang tema at ang mga salita para magkaroon pa ng interes ang mambabasa para basahin at tapusin ang tula.Dumatin na ang iba naming teacher kaya tinago ko muna sa bag ang notebook ni cedric.
Natapos ang araw ng tulad lang ng inaasahan ko,tulad ng mga nakaraan boring pero okay lang atleast nakita ko nanaman si ethan ko. Gusto ko pa sya makilala,gusto ko pa sya mas kilalanin.
Umuwi ako ng bahay at nagopen ng facebook ko at nakakatawang ang bumungad sakin sa myday ng ethan ko.
Literal na nanlaki ang mata ko sa nakita ko,biglang bumilis ang tibok ng puso charot
tawa parin ako ng tawa sa nakita ko halatang pinagtritripan din ako neto ni Ethan e wag kang mag alala sasakyan ko yang trip mo ethan.Di ako papatalo sa kanya no malakas ata loob ko.este Atapang a bata to no.Natatawa talaga ako sa pinaggagagawa naming dalawa yung tipong sinasakyan namin yung trip ng isa't isa saan naman kaya to patungo ha?
Nung nakaraan lang nagbibiruan lang kame sa Groupchat na crush ko sya tas ngayon eto .Saan kaya patungo?
Hindi sya yung ideal kong boyfriend pero kung paglalaruan kami ng tadhana at mahulog ako ng tuluyan sa lalaking nagpapasaya sakin ngayon bakit hindi diba?Masyado kong iniisip to kaya matutulog na muna ko at bukas maaga pako ano nanaman kayang mangyayari bukas?"IM SORRY FELICITY" sabi ng pamilyar na boses sino ba yun
"Sorry kung hindi kita pinaglaban tulad kung paano mo ko pinaglaban,sorry kung naging duwag nanaman akong harapin ang lahat "
"sorry kung mas pinili kong manahimik at hayaan kang makipaglaban ng magisa ,i'm sorry" dagdag pa nya
hindi ko na namalayan ang tumutulong luha galing sa mata ko,pwede pa naman e bumalik ka lang sakin Rey at tatangapin kita.
"Bumalik na lang sakin at pwede natin tong simulan ulit mahal" sabi ko
"hindi mo ko na deserve ang pagmamahal mo feli,patawarin mo lang ako at tuluyan na kong makakala sa bitbit ko"umiiyak nyang sabi
"mahal kita at wala akong paki sa sasabihin ng iba lumaban ulit tayo mahal,hawakan mo ulit ang kamay ko"
"Hindi ka na ligtas sa piling ko,gustuhin ko mang makasama ka alam kong mapapahamak ka lang pag kasama kita kaya't mabuti pang lumayo ka na sakin"
"Kung magiging ligtas ako ng wala ka sa tabi ko mas pipiliin ko pang hindi maging ligtas dahil alam kong proprotektahan mo ko dahil ikaw ang prinsipe ko"
Napabalikwas ako sa higaan ng magising ako ,basang basa ang mata ko ng luha at pinagpapawisan ako.Hanggang panaginip ba Rey ay guguluhin mo ako? guguluhin mo ang puso ko?Ngayon na alam ko sa sarili ko na ikaw pa rin talaga Rey.Hindi ko alam kung kelan kita makaklimutan o kung makakalimutan ba kita.Pero hanggat kaya kong hindi ka isipin,hindi kita iisipin.
Halos hindi narin ako makatulog kaya't minabuti ko ng magbasa basa nalang muna hanggat sa nakatulog ulit ako.
YOU ARE READING
When it all started
SonstigesIsang binini at ginoo ang nagkatagpo sa isang lugar na hindi inaasasahan.Magkaibang mundo ang kanilang kinalakhan,magkaiba ang hilig na nais umpisahan. Saan kaya tutungo ang pagkatahak nila sa magkaibang daan.