Parable

117 2 0
                                    

Isang "Parable" o "Pagkukumpara"

Minsan kong hinanap ang mga naliligaw na Tupa ng Panginoon para pakainin sila ng Tinapay, ngunit sa paghahanap ko, may ilang Aso na lumapit sa akin, ngunit dahil hindi ko kamukha, kaamoy, at kaboses ang Amo nila, tinahulan nila ako, ngunit sinubukan kong bigyan ang mga Aso ng Tinapay, sa halip na tanggapin ay naging mas malakas ang tahol nila, kaya tinaboy ko ang mga Aso at ang ilan nga sa kanila ay umalis, ngunit may isang Aso na pilit akong hinabol at naamoy ko ang nakakasulasok nitong hininga habang tumatahol sa akin, kaya hinampas ko na ang Aso na ito para tuluyan na s'yang umalis

===================================================

Ito ang ibig sabihin ng "Parable" o "Pagkukumpara" na nabanggit sa taas :

Minsan kong hinanap ang "mga naliligaw na Tupa ng Panginoon" o "mga tao na hindi alam ang Batas ng Diyos(Torah) ngunit mapagkumbaba at bukas ang isip sa kaalaman", hinanap ko sila para ibigay sa kanila ang "Tinapay" o "Salita ng Diyos", ngunit sa paghahanap ko, may "ilang Aso" o "mga tao na hindi alam ang Batas ng Diyos(Torah) ngunit mapagmataas at sarado ang isip sa kaalaman" na lumapit sa akin, ngunit dahil hindi ko "kamukha, kaamoy, at kaboses ang Amo nila" o dahil "hindi tugma ang gawa ko sa turo ng Pari, Pastor, Ministro, Propeta, Guro, Pinuno, Kapatid, o Ama nila" ay "tinahulan nila ako" o "hinatulan nila ako", ngunit sinubukan kong bigyan sila ng "Tinapay" o "Salita ng Diyos", sa halip na "tanggapin" o "pakinggan" ay naging mas malakas ang "tahol" o naging mas matindi ang "hatol" nila sa akin, kaya tinaboy ko sila at ang ilan nga sa kanila ay umalis, ngunit may isang "Aso" na "pilit akong hinabol at naamoy ko ang nakakasulasok nitong hininga habang tumatahol ito sa akin" o "pilit akong sinundan at nabasa ko ang sarcastic o nakakasulasok n'yang fb comment", kaya "hinampas ko na ang Aso na ito para tuluyan na s'yang umalis" o "pinaintindi ko sa kanya na isa s'yang Aso para tuluyan na s'yang umalis"

===================================================

Sa mga taong ito na "humatol" sa akin, karamihan sa kanila ay kinikwestyon ang gawa ko, pero nakakapagtaka, dahil nung tinatanong ko sila kung kinwestyon at pinatunayan ba nila ang naturo sa kanila ng "Amo" nila, wala sa kanila ang makasagot nang maayos, dahil sila ay nakinig lang sa turo ng "Amo" nila at basta lang itong tinanggap nang hindi muna tinitiyak kung totoo ito o hindi

kung ikukumpara natin ito sa mga post sa Social media kagaya ng Facebook, marahil kapag may nakita silang post, agad~agad ibabahagi sa marami nang hindi muna inaalam kung Fake News ba ang post o hindi

dahil hanggang hindi pa napapatunayan ang isang bagay, isa lang itong Chismis o Fake News

ibig sabihin, huwag umaasa sa mga tao na nagsasabi na alam na nila ang lahat ng tungkol sa "Salita ng Diyos"

Hanapin ang totoo

Maging mga "Tupa" ng "Panginoon" at Huwag maging kagaya ng mga "Aso" na ang "Amo" ay "Tao"

dahil ang "Tupa" ay tahimik na nakikinig, pinapatunayan muna ang lahat ng naririnig bago magpasya at mabagal magalit

ngunit ang "Aso" ay nauuna ang bibig bago makinig, mabilis maniwala sa mga naririnig na hindi pa napapatunayan at mabilis magalit

ayon nga sa James 1:19

"kung ganun, aking minamahal na kapatid, lahat kayo ay maging MABILIS SA PAKIKINIG, MABAGAL SA PAGSASALITA, MABAGAL SA PAGKAGALIT"

sa 1 Thessalonians 5:21~22

"PATUNAYAN ang lahat, panghawakan kung ano ang mabuti"

"Umiwas mula sa lahat ng anyo ng kasamaan"

at Proverbs 14:15

"Ang HANGAL ay NANINIWALA sa SABI~SABI, ang WAIS ay INUUNAWA MUNA ang kanyang HAKBANG"

===================================================

at maging kagaya ng mga taga~Beroia(Bereans)

"Ngunit ang mga kapatid nila ay agad silang pinapunta, sina Paul at Silas, sa gabi patungong Beroia(Berea), na nanggaling pa sa pagtitipon ng mga Hudyo"

"Ang mga ito(mga taga~Beroia) ay MABUTI kaysa sa mga taga~Thessalonike(Thessalonians), ano man ang matanggap nila na Salita(na naririnig nila) ay BUONG PAGHAHANDA nilang SINUSURI ang mga KASULATAN(Septuagint o Old Testament) araw~araw, kung ang mga bagay na ito(na Salita na naririnig nila) ay nagtataglay ng kagaya roon(sa KASULATAN)"

"dahil doon, sa katotohanan, marami mula sa kanila ang naniwala at naging mabuti, mga babae na Hellenis(Greek) at mga lalaki, na hindi ganun karami"
(Acts 17:10~12)

===================================================

Tupa ng Panginoon o Aso ng Tao? Alin ka rito?Where stories live. Discover now