FINDING MY FOREVER
by rhenztactics21
ALL RIGHTS RESERVED
dedicated to my idol.. napasaya nya kasi ako sa mga stories nya kya na inspired akong gumawa ng short story.. sana magustuhan nyo po.. more power..
-SHANICE-
Wala naman akong ibang hinihiling sa panginoon kundi makita lang ang aking tunay na pag-ibig..
Kung saan-saan na nga ako nakarating sa kakahanap sa FOREVER na yan!
Sabi nga ng mga kaibigan ko nung minsan ay naitanong ko sa kanila kung saan matatagpuan ang "FOREVER"?
ang mga sagot nila..
"Nasa ilog pasig girl!"
"Nasa ilalim ng pacific ocean mah friend!"
"forever? malay ko? sino ba yan?"
"Ahahaha! nasa tv!"
"nasa 21 ang forever!"
at kung anu-ano pa ang isinagot nila sa simple kong katanungan.
Simple lang naman akong babae eh.
Di kagandahan kaya kadalasan napaglaruan.
Nung minsan nga ay may naka-textmate akong dalawang lalake.
Grabe! ang ganda ng boses nung isa, Nakaka-inlove!
kaya sya lage ang nirereplyan ko sa text samantalang yung isa ko pang textmate ay malimit ko lang pinapansin.
araw-araw,oras-oras,Minu-minuto kaming nagkakatext ni Gelo, Sya yung may napakaganda at malamig na malambing na boses.
Yung tipong boses pa lang langit na.
Di ko nga alam kung bakit sa boses nya pa lang ay nahulog na ang puso ko.
Meron namang ganun diba? Yung tipong parang tambol ang puso mo
pagnarinig mo ang boses ng isang tao.
Kaya nagpasya akong makipag-Eyeball sa kanya. Sa isang sikat na mall.
Sinabi ko sa kanya na naka yellow dress ako at syempre sabi nya naman na naka green sya.
una akong dumating sa napagplanuhan meeting place, Sa forever21 na nasa 3rd floor ng mall. Dahil gusto ko na pag naging
kami FOREVER ay ang "FOREVER21" ang lugar na di namin malilimutan.
tinext ko sya.
(Gelo nasa loob na ako ng Forever21, Naka yellow ako. Naka-green ka diba?) text ko sa kanya pero di sya nag-reply.